Pagkarating namin sa bahay ramdam ko na agad ang tingin ni Tin na nakakaloko. Panigurado iba na naman iniisip ng batang ‘to.
"Himala, nagdala ng shota." Tawa ni Tin sabay tayo mula sa sofa. "So, sa sala ako matutulog ngayon?"
"Ha?" Napalingon si Maloi. Hindi ko pala nasabi sa kanya na minsan ay magkatabi kami ni Tin sa kwarto. Pero madalas kasi sa sala siya natutulog dahil palagi siyang nagpupuyat at ako naman ay ayokong may ilaw na naaaninag.
"Sa sala naman talaga ‘yan natutulog. ‘Wag kang maniwala d’yan." Inirapan ko si Tin at hinanap si Mama pero wala siya. "Saan si Mama, Tin?" tanong ko.
"Gagabihin daw siya. Sinamahan niya si Papa sa gig e," sagot niya at tumango na lang ako.
I reached for Maloi's hand at dinala na siya sa kwarto ko dahil kapag nagstay pa kami sa sala at dumating ang iba ko pang kapatid panigurado mas magiging awkward ang atmosphere. Mga siraulo pa naman sila.
"Ang organized mo pala sa mga gamit mo ‘no?" tanong niya at pinagmamasdan lahat ng pictures at mga gamit ko.
"Tingin mo sa ‘kin, burara?" I hissed at inayos na ang kama para makapagpahinga na siya pagkatapos niya maghilamos.
Instead, Maloi sat on the chair na katapat ng vanity mirror ko at pinagmasdan ang mga nakadikit na pictures namin nila Aiah at Gwen. I didn't realize that the world is indeed small until now. Imagine, I am friends with Gwen pero mas matagal na pala niyang friend si Maloi at Sheena, tapos si Sheena nakakasama ko pa sa school minsan.
"Ang galing ‘no? Kone-konektado lang pala talaga tayo," wika ni Maloi at hinawakan ang isang picture. "You're friends with Aiah and Gwen. Gwen is my friend tas friend niya si Sheena kaya naging trio kami. Then Aiah and Mikha's dad are business partners. Employee ng dads nila ang dad ko. Then si Mikha may friend siya sa States, si Stacey. Stacey is friends with Jhoanna." Natawa si Maloi.
"Who's Stacey?" I asked. "Never heard of her."
"She's living in the States. Nakikwento siya minsan ni Mikha sa ‘kin. Like at first she hates her but as time passes by, naging clingy siya roon." Maloi looked at me. "Ikaw? Kailan ka magiging clingy sa isang tao?"
"Kadiri ka naman. Next question." I rolled my eyes at tumabi sa kanya para tignan ang sarili ko sa salamin. We were too close pero hindi siya gumagalaw.
"Alam mo," wika ni Maloi habang pinagmamasdan akong nagtatali ng buhok. "Kung maraming nakakaalam ng ugali mo, marami ring mai-in love sa ‘yo."
"Baliw ka ba?"
"Seryoso ako." Tinitigan niya ako sa mata. "To be honest, if I were a man. Liligawan kita."
Napatingin ako sa mata niya. She was so sincere when she said that. Hindi ko alam pero parang natigilan ako. Hindi ko alam sasabihin ko at the moment. I just wanted to look at her and be lost in her eyes.
"Kung liligawan mo ‘ko," I started while still looking at her eyes. "Hindi kita sasagutin." Tumayo na ako nang maayos at binuksan ang cabinet para hanapan siya ng damit na pamalit.
"Bakit naman? Ang bait ko kaya, may sense of humor pa ako. So what's not to like?" Maloi asked and smiled at me.
"I will never date a man." After saying that, binato ko na siya ng pares ng pantulog. Baka mamaya kung ano na naman ang maisipan niya. Kailangan niya nang matulog, masyado na siyang maraming sinasabi.
Lumabas ako ng kwarto para makapagpalit din siya at nakita ko si Tin na nakahiga na sa sofa habang may kausap sa phone.
"Sino ‘yan?" I mouthed.
"Papa," she answered. "Bukas na raw sila makakauwi kasi hanggang madaling araw gig niya. Kumain na ba kayo? Pagluto kita?" tanong niya kaya agad naman akong napakunot ng noo.
Anong nakain nito? O baka wala pang nakain?
"Hindi na. Busog kami ni Maloi. Ikaw ba?" tanong ko at umupo sa may bandang paahan niya.
"Kumain na rin kami." Umayos siya nang upo at ngumiti sa akin. "Ilang taon na si Maloi? Saan siya nakatira? Ka-banda mo?"
"Bakit?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ikaw bata ka kung ano nasa isip mo. Mag-aral ka nga nang mabuti." Pinitik ko ang noo niya at sumandal.
Tapos na kaya si Maloi? Baka mamaya kung ano na ginagawa niya sa kwarto. May makita pa siya— Piskit! ‘Yung cookies!
Agad akong napatayo at pumunta sa kwarto. It wasn't locked kaya pumasok na ako at pareho kaming nagulat dahil hindi pa siya tapos magbihis kaya agad akong tumalikod. Pusang gala!
"Tarantado naman nito." Sambit niya at hinila na ako papasok ng kwarto sabay sarado ng pinto.
"Sorry," bulong ko at tiningnan ang lamesa kung saan nakapatong ‘yung cookies na ginawa niya sa akin. Buti na lang nabawasan na ni Tin, kung hindi iisipin nito na hindi ko gusto ‘yung ginawa niya.
"Bakit namumula ka?" tanong ni Maloi nang mapansin ang mukha ko. Hindi pa siya tumigil at hinawakan ang pisngi ko at nakangiti akong tinitigan. "Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng nagbibihis?"
"Sira." Tinanggal ko ang kamay niya at kumuha na rin ng damit.
"Hindi ka ba mahilig sa cookies? Bakit parang walang bawas?" tanong niya ulit at umupo sa kama. Binuksan niya iyon at tinikman. "Ah, kaya pala." Hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa lasa ng cookies. Akmang itatapon niya ‘yon kaya pinigilan ko siya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sabay hablot sa kanya ng lalagyan.
"Hindi mo naman makakain bakit hindi mo na lang itapon at ibalik mo sa ‘kin ‘yung lalagyan." Maloi crossed her arms at pinandilatan ako.
"Hayaan mo ‘ko. Dito lang ‘to." Binalik ko ang cookies kung saan nakapatong at napansin ko ang titig ni Maloi sa akin sa gilid ng mata ko.
"May crush ka ba sa ‘kin, Col?" she asked. "Kasi, ako oo."
Napalingon ako sa kanya. Was she confessing now? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?
"I mean, ang ganda ko kaya. Kahit ako magkakagusto sa sarili ko." Tumawa siya nang malakas.
"Narcissist!"
YOU ARE READING
What Happened? || MaColet (BINI #1)
FanfictionWhether we like it or not, we have to let people go. Even though it's hard and painful because sometimes the hardest decisions are the best one. What Happened? - A BINI Maloi and BINI Colet Fanfiction. Disclaimer: The following story is a work of fi...