Chapter 6: Dinner

3K 98 1
                                    

Maloi was indeed a woman of her words. After that practice hindi niya na ako kinukulit. Sa tuwing kailangan niya ng guide about sa university, si Franz na ang nilalapitan niya dahil ayaw ako istorbohin. During practice naman si Sam na ang madalas niyang kausap. Each day ang dami niyang nagiging close.

Ganoon talaga siguro kapag extrovert. Ang bilis lang nila maka-gain ng mga tao sa paligid nila. Knowing Maloi rin, mabait naman siya. Sadyang ayoko lang sa mga katulad niya. Ilang beses ko pa bang sasabihin?

"Col, hindi muna ako makakapag-practice mamaya. Pakisabi na lang kay Sam. Thank you!" She waved at me at lumabas na ng room.

Maloi was a professional. After that conversation hindi naman siya as in umiwas sa ‘kin. Ni-limit niya lang talaga ang interaction naming dalawa. However, I didn't know why I felt this way. Nakakamiss pala kapag ‘yung palaging nangungulit sa ‘yo, wala na. Imagine, ilang araw lang ang pangungulit niya sa ‘kin pero hinahanap ko na agad. Siguro kasi pati si Franz na lagi akong pinipikon ay tumigil na rin.

"Ba’t ganyan mukha mo?" tanong ni Franz na kakarating lang ng headquarters para kunin ang gamit niya. "Wala na raw practice sabi ni Sam. P’wede ka nang umuwi."

"‘Wag kang magulo. Nag-iisip pa ako."

"Nag-iisip o naninibago?" tanong ulit niya at tinabihan ako sa couch kung saan ako nakaupo. "These past few days pansin ko, kami na ni Sam ang sinasamahan ni Maloi. Na-offend mo ‘no?"

"Hindi ah." Depensa ko. Hindi ko rin kasi alam. She was just asking me if we could be friends and I directly told her no. Siguro na-realize niya na hindi worth it kung kukulitin niya pa ako tapos ako, walang paki sa kanya. Pangit din kasi na ang dami niyang energy na binibigay sa ‘kin tapos ako hindi ko naman kayang ibalik ‘yon.

"I know you, Colet. If you're being like this it means bothered ka. Bothered ka sa actions niya towards you ‘no?"

Napairap na ako. "Hindi nga." Tumayo ako at kinuha na ang bag ko para makaalis na. Ayoko na rin kasing isipin. Siguro mas better na ‘yung ganito. At least she won't expect anything from me. Hindi na siya magsasayang ng laway sa ‘kin.

"Aalis ka na? Akala ko ba nag-iisip ka pa?" tanong ulit ni Franz at sumabay na sa akin palabas ng room.

"Tigilan mo nga ako. ‘Wag ngayon at baka masapak kita."

Bahagyang tumawa si Franz at tumango. Sabay kaming naglakad palabas ng school and at the parking lot, I saw Maloi entering a car. Sundo niya ba ‘to? Boyfriend niya kaya ‘yon? Ang yaman naman.

"Kay Sheena na car ‘yon ‘di ba?" Franz tilted his head at pinanuod ang kotse na papalayo. "Saan naman kaya sila pupunta ni Maloi?"

"Ang chismoso. Hayaan mo nga sila." I nudged him.

I waited for Aiah sa parking lot since dederetso na kami sa dinner with Gwen. Siguro mas magfofocus na lang ako sa dinner kaysa isipin ‘yung treatment sa akin ni Maloi na kasalanan ko rin naman.

"Uy, Franz. May lakad ka?" Aiah asked after ibaba ang salamin ng bintana ng kotse niya. "Ayaw mo sumama?"

"Akala ko ba tayo tayo lang tapos isasama mo siya?" tanong ko at sumakay na sa passenger seat.

"Hindi na. Mukhang ayaw ni Colet na sumama ako." Franz chuckled and shook his head. "Joke lang. May tatapusin din kasi ako. Kayo na lang. Ingat."

Aiah nodded and closed the window habang ako ay busy na sa cellphone ko. Hindi talaga ako mapakali. Perhaps, Franz was right. Bothered nga siguro talaga ako.

"Grabe ka naman sa kabanda mo." Aiah scolded me and started the engine. "May kasama rin si Gwen na friends niya. Okay lang ba?"

"Sure. Basta kasama siya." I faked a smile para hindi mahalata ni Aiah na may something sa akin.

When we reached the restaurant, Gwen was already there pero siya lang mag-isa. Akala ko ba kasama niya ang friends niya?

"Let's go. She's waiting." Aiah held my hand para magmadali ako sa paglalakad.

Gwen is stunning. Kahit ang simple ng suot niya ang ganda ganda niya. Even though she wasn't smiling ang vibrant ng dating niya. She didn't need to try hard to look pretty because she already was. Girl crush ko talaga ‘tong taong ‘to.

"Sorry, I'm late. May tinapos lang ako na plates." Aiah sat across Gwen and I sat beside Aiah.

"I know. You're always late, Aiah." Gwen then looked at me and smiled. "You looked bothered, Colet. What's with you today?"

Ha? Masyado ba akong halata?

"Kanina pa ‘yan ganyan. Actually, last week pa. Siguro akala niya hindi ko itutuloy ang dinner with you." Tawa ni Aiah.

"It's fine. Hindi naman ako tatanggi kung may free time ako. Sobrang dami lang talagang ginagawa lalo na nag-audition ako sa mga contests." Gwen smiled at us.

Suddenly, familiar faces entered the restaurant. Napakunot agad ang noo ko nang makita si Maloi at Sheena na papalapit sa amin. Sila ba ‘yung tinutukoy ni Aiah na friends ni Gwen? Sila ‘yung sasabay sa dinner?

"Oh, Col. Nandito ka rin pala? Paano ka nauna?" tanong ni Maloi na parang super close kami.

"Paanong hindi siya mauuna. E ikaw nagdrive. Pahinto hinto kami lalo na sa bandang highway. Muntik na kaming madisgrasya." Umiling-iling pa si Sheena.

"Magkakilala na pala kayo?" takang tanong ni Gwen then looked at me and Maloi.

"Magkasama kami sa banda," sagot ni Maloi at ngumiti bago sila maupo ni Sheena.

"Ikaw pala ‘yung kinikwento ni Maloi na cold." Ngumiti si Gwen sa akin at tumango. "It's a small world indeed."

"Order na tayo?" tanong ni Sheena at agad naman siyang siniko ni Maloi. "Bakit? Gutom na ako."

Gwen laughed again. I wonder if paano niya natatagalan ang dalawang ‘to.

Aiah called the waiter and while waiting for the order, Maloi, Sheena and Aiah went to the washroom for a while, leaving me with Gwen.

"Buti nakakaya mo ‘yung dalawang ‘yon? Medyo magulo sila." I chuckled at her.

"Why? Masaya sila kasama. Although I want peace, sometimes kailangan ko rin nang makakausap at katawanan. Hindi naman pwedeng lagi lang akong seryoso," Gwen said. "Anyway, are you Maloi and close na? After last week hindi na ulit siya nagkwento about sa interaction ninyo."

"Actually, Maloi asked me if we could be friends but I refused." I smiled bitterly. "You know me, I don't like noisy people."

"Maloi is different. That's her love language, I guess. Sobrang daldal niya pero kapag tumahimik ‘yan, nakakamiss."

"Oo nga," I agreed.

Gwen furrowed her brows. "So, namimiss mo nga?"

I immediately shook my head. "Hindi ah. Nasanay lang ako sa presence niya. Pero okay lang ‘yung ganito. Tahimik ‘yung buhay ko."

Gwen shook her head. "I don't think so. Tell me, bothered ka kanina dahil sa kanya ‘no? Hindi ka na niya kinukulit?"

I sighed and slowly nodded.

"Don't worry. Once naman na naramdaman niya na willing ka na makipag-close sa kanya, she'll return to her normal actions." Gwen patted my hand and winked.

"Ano ‘yang ginagawa mo, bebe ko? Pinagpapalit mo ‘ko kay Colet?" tanong ni Sheena na kadarating lang.

"Sira." Tawa ni Gwen. "Tara na rito bebe ko para ‘di ka magtampo."

I laughed at their cuteness. Gwen was right. Sometimes, kailangan ko rin ng friends na maingay.

What Happened? || MaColet (BINI #1)Where stories live. Discover now