23: Real Knight

1.4K 85 13
                                    

Keifer

Hindi ko alam kung paano nagawa ni Hunter na mailusot ang motor niya palayo sa mga highway patrol officer dahil buong byahe ay nakapikit ako at nakabaon ang mukha sa likuran niya sa takot na rin na baka matandaan ako ng mga 'yon at bigla na lang ako hulihin kapag nakita nila ako pagkatapos ng insidenteng ito. Ito na yata ang huling beses na sasakay ako sa lalaking 'to—I mean, sa motor niya.

Hindi ko alam kung saan kami napadpad ni Hunter dahil hindi ako gano'n kapamilyar sa lugar. Saglit ko munang inilibot ng tingin ang paligid. Parang nasa t'yange kami dahil sa dami ng mga taong dumadaan sa magkabilang panig ng daan. Nagkalat din ang mga market stall gayon din ang mga pampublikong sasakyan.

Mabilis akong bumaba sa pagkakaangkas at saka tinanggal ang suot na nutshell.

"Muntikan na 'yon! Mabuti na lang na-traffic sila doon sa intersection! Mabuti na lang at umabot ako bago mag—" Nahinto si Hunter sa pagpapaliwanag nang marahas kong ibigay sa kaniya ang nutshell na hawak ko. Nagulat pa siya dahil mukhang napalakas 'yong ginawa ko dahil sa sikmura siya tinamaan. Hindi kasi nakatingin, e!

"Kung gusto mo mamatay, 'wag mo na ako idamay! Marami pa akong pangarap sa buhay!" sigaw ko sa kaniya at saka siya tinalikuran.

"Saglit! Magpa-park lang ako ng motor! Keifer! Hintayin mo ako!" Dinig kong sabi niya pero hindi ko na siya pinakinggan pa at dire-diretso lang ako sa paglalakad.

Mukhang nandito na rin naman kami malapit sa SM dahil natatanaw ko na rin ang ibang establisyimento at unti-unti na rin akong nagiging pamilyar sa buong lugar.

Sa dami ng tao na nakakasalubong ko, ang ilan sa kanila at nababangga ako nang hindi naman siguro sinasadiya. Hindi mabilang ang tao sa paligid dahil linggo ngayon pero sa dami ng tao, sa isang pamilyar na mukha napako ang aking mga mata.

"Tatay?"

At kagaya ng inaasahan ko ay nabuhay ang mumunting kaba sa dibdib ko. Halos mapaupo na rin ako sa sahig dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay ano mang oras ngayon ay sasaluhin na ako ng lupa.

Kahit na unti-unting nabubuhay ang kaba sa puso ko ay hindi ko pa rin magawang ialis ang pagkakatitig kay tatay. Gano'n din siya sa akin. Nakakatakot ang ekspresiyon sa mukha niya kahit na seryoso lamang ang nakaimprenta rito pero agad akong nagtaka nang ngumiti siya sa akin, bagay na hindi niya ginagawa magmula pa noon. Ramdam ko ang sinseridad sa ngiting 'yon na kahit madalang niyang gawin, alam kong totoo siya sa kaniyang ginawa.

"Keifer?"

Napagitla ako nang maramdaman ang kamay na tumapik sa balikat ko kaya hindi ko na rin mapigilan ang mapasigaw at mapatakip sa mukha para ipamprotekta.

"Keifer," dinig ko pang sambit ni Hunter, alalang-alala sa nangyari sa akin.

Doon lang din ako nakaramdam nang hiya dahil maraming tao ang napalingon sa akin marahil sa gulat mula sa nagawa ko.

Trauma na ba itong nararamdaman ko dahil sa matinding takot na gawa ng presensiya ni tatay?

Mabilis hinanap ng mga mata ko si tatay dahil sa takot na baka lumapit siya sa akin pero bigo akong makita siya.

Agad kong hinablot ang kamay ni Hunter at saka hinila siya pabalik sa tinahak namin kanina. Natatakot ako na baka kung magpapatuloy kami sa nilalakad namin ngayon ay makasalubong namin si tatay at hindi ko alam kung ano pa ang mga kaya niyang gawin lalo na't nakalabas na siya ngayon sa kulungan.

"Teka? Saan tayo pupunta? Akala ko ba magwi-withdraw ka? Hindi diyan ang daan patungo sa ATM machine! Merong mas malapit dito sa SM—"

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon