CHAPTER 2

54 1 0
                                    

HOLY WEEK...

Semana Santa na pero si Ana nasa trabaho parin. Gusto na niyang umuwi ng probinsiya. Habang hinihintay ang alas otso ng gabi, para bagang lalo pang tumatagal ang oras. Parang ang bawat minuto ay kasing tagal ng isang oras. May naipon narin kahit papaano kasya na para sa tatlong araw na bakasyon sa bayan ng bulaklak. Hindi naman gaanong mabigat ang trabaho niya bilang service crew sa isang food court.

Alas singko palang ng umaga gising na sila ng kanyang Tiyahin na kasama niyang uuwi sa kanilang probinsiya. Tanghali na ng makarating sila sa munting tahanan sa loob ng hacienda ng mga Del Conde. Kung saan nagsasaka ang kanyang mga magulang.

Ngunit si Ana dumiretso sa resort upang sununod sa kanyang kaibigang si Karen.

"Karen!" Sigaw niya nang makita niya palabas ng gate ng resort si Karen upang sunduin siya

"Ana!" Sigaw din niya at patakbong lumapit sa Kanya ng matalik na kaibigan. Sa sobrang saya nila nagyakapan sila at tumalun-talon.

"Grabe! Ang daming tao dito. Pati sa pool ang daming tao" Sabi ni Ana

"Oo nga eh. Mamaya niyan itim na ang kulay ng tubig at puro libag na" sagot ni Karen at sabay tawa.

Naglakad sila papunta sa cottage na nirerentahan ng pamilya ni Karen. Saglit silang kumain dahil excited silang libutin ang resort. Sa di kalayuan, may nakita silang pwesto sa pool na hindi matao kaya lumusong narin sila sa tubig.

"Sa wakas! Naisuot ko rin ang two piece bikini ko na binili ko two months ago" Sabi ni Karen na tinanggal ang bestida

Habang si Ana ay naka T-shirt at short lang.

"Buti naman. Tsaka seksi ka naman eh. Buti ka pa nga keri mo mag suot ng ganyan" sabi ni Ana

"Teka best, nakarecover ka na ba sa phobia sa tubig?" Tanong ni Karen habang lumalangoy

"Hindi parin. Kaya nga hindi ako natutong lumangoy eh. Pag hanggang dibdib na ang tubig eh nagpapanic agad ako" kwento ni Ana na nakatayo lang sa gilid ng pool.

Bata palang sila nang mangyari ang insidenteng tumatak sa isip ng musmos na si Ana. Sinama sila ng mga Del Conde sa outing. Habang naglalaro sa gilid ng pool si Ana ay tinulak siya ng batang lalaki na naglalaro rin.
nahulog siya sa may kalalimang parte ng pool at nalunod. Mula noon ay hindi na natuto si Ana lumangoy kahit pa gustuhin niya.

"Sobra na pagka payat mo best ah. Ano nangyari sayo?" Tanong ni Karen

"Alam mo namang nag iipon pa ako pang matrikula sa kolehiyo" saad ni Ana sabay buntong-hininga

Kahit awang-awa si Karen sa kanyang kaibigan wala siyang magawa dahil nagsisimula palang ito sa trabaho. Tulad ni Ana, gusto rin ni Karen ang makapag tapos siya ng kolehiyo. Isa iyon sa pangarap ng dalawa.

"Gusto mo bang mag apply sa store? Hiring ang company ng mga service crew eh. Tsaka para magkasama rin tayo" Tanong ni Ana

"Sige! Para maiba naman. Baka mas malaki ang sweldo sa inyo at pareho tayong makaipon pang kolehiyo" masayang sagot ni Karen

Hindi nga siya nagdalawang isip at pumayag siya na sumama sa trabaho ni Ana. Iyon lang ang alam niyang paraan upang matulungan ang kaibigan.

"Tita! Tita! Tita!" Sigaw ni tentay sabay turo sa limang taong gulang na nakababatang kapatid na nalulunod na pala.

Medyo nasa may 5ft ang lalim ng pinaghulugan niya. pamangkin ni Karen ang mga bata. Sa sobrang taranta ni Ana ay ito ang lumangoy upang sagipin ang pamangkin ng kaibigan na nalulunod.

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon