"Ana, nabalitaan mo na ba na dito daw gaganapin ang kaarawan ni senyorito Ludwig? Ayon kay Mamang uuwi na rin daw dito si senyorito sa makalawa upang magbakasyon." Ani Andres. Siya ay kababata ni Ana
"Anim na buwan pa bago ang kanyang kaarawan Andres. Ano kaya pwedeng iregalo sa kanya?" Tanong ni Ana habang nag aayos nang kanilang tanghalian at nag isip
"Mahirap bigyan ng regalo ang mayayaman dahil halos meron na sila ng lahat ng bagay. Tsaka sa tingin mo ba tatanggap siya ng regalo mula sa atin?" Saad ni Andres na umupo sa hapag upang mag tanghalian.
Dinalhan siya ni Ana ng tanghalian. Dahil siya lamang ang medyo napalayo ng pwesto. Kinalakihan narin nila na sabay silang kumain tuwing umuuwi ito galing maynila.
Nakatapos ng sekondarya si Andres ngunit hindi na nakapag kolehiyo dahil mas inuna niyang tulungan ang kanyang pamilya.
Nang makatapos si Ana ng sekondarya agad siyang lumuwas ng maynila upang maghanap ng trabaho at makapag ipon pang kolehiyo. Si Ana, mataas mangarap, mapagmahal sa pamilya, magaling mag luto, Matalino,magalang, may prinsipyo at dignidad. May kaputian ito, medyo kulot na buhok na mahaba, mapupungay na mga mata, makinis na kutis, mapupulang mga labi. kahit sinong lalaki ay mabibighani sa kanya.
Si Andres, bata pa lang batak na sa trabahong bukid. Kayumanggi, medyo kalakihan ang mga muscles, matapang, maalaga, mapagmahal na anak, simpatiko, alaskador, hindi matalino ngunit madiskarte sa buhay.
"Hi Ana! " bati ni Karen. Si Karen ang Best friend ni Ana. Maliliit palang sila nang maging magkaibigan sila dahil magkaibigang matalik din ang kanilang mga magulang na magkasama sa pagsasaka.
Si Karen ay isang ambisyosa, taklesa, maingay. Ngunit ganunpaman hindi nila hinuhusgahan ang isa't-isa. Lalo na ang ibang tao. Protective na kaibigan si Karen kay Ana. Parang ate ba.
"Ba't andito ka nanaman? Sinusundan mo ba ako?" Pang aasar ni Andres
"Hoy! Pasintabi lang ho, si Ana ang pinuntahan ko. Hindi ikaw. Feeling ka masyado" inis na sagot ni Karen
"Aminin mo na kasi na gusto mo ako. Pero pasensiya na ha, hindi kita type eh" Patuloy na pang aasar ni Andres
"Hindi ikaw ang tipo ko Andres. Malandi ako pero may taste at pangarap ako noh!" Naiiritang sabi ni Karen na naka pamewang pa.
Alam ko kung sino ang tipo ni Karen. Mayaman tulad ng mga Del Conde. Kahit hindi kami mag salita alam namin kung may problema ang isa't-isa. Ganun kalalim ang pagkakaibigan naming tatlo. Lumaki kami na halos magkakapatid ang turingan.
"Sis, pupunta ka ba sa birthday ni senyorito?" tanong ni Karen
"Hindi ko pa alam. Siguro pag may naisip akong pwede nating regalo sa kanya. Tsaka wala pa akong isusuot eh sigurado ako mga sosyal ang mga dadalo" tugon ng dalaga
"Pero Sis, ang ganung tao hindi na kelangan bigyan ng regalo. Mayaman na yon eh" wika ng kanyang kaibigan
"Alam ko. Pero bilang respeto narin dahil ang may birthday eh anak ng Donya na amo natin" wika ng dalaga na nag iisip kung anong pwedenh ibigay sa anak ng kanyang amo
"May point ka Sis. In all fairness. Tsaka baka doon na natin mahanap ang prinsipe ng buhay natin... eeeeeiiiiiiii" ani Karen na kinikilig
"Push mo yan. Sige. Susuportahan kita sa pangarap mo"
"Hoy kayong dalawa tigil-tigilan niyo ang pantasya niyo sa mga mayayaman. Dahil ang mayaman para sa mayaman. At ang mahirap para sa mahirap. Tandaan niyo yan" sabat ni Andres
"Inggit ka lang Andres. Dahil wala kang love life" ani Karen
"Mag tigil na kayong dalawa diyan. Baka mamaya kakaasar niyo sa isa't-isa eh madevelop kayo" ani Ana
"Ito?! Itong lalaking to?! Kung ito lang rin eh hindi nalang ako magaasawa" bwisit na tugon ni Karen
"Mas lalo na ako. Ayoko sa maingay, galawgaw at mukhang ewan" ani Andres
"Umamin nga kayong dalawa sakin, may gusto kayo sa isa't-isa no?" Pang aasar ni Ana
"Hindi siya ang tipo ko. Hmp!" tugon ni Karen na inirapan ang binata
"Mas lalo na ako" tugon din ng binata na umirap din kay Karen
"Sis, let's go! Kailangan nating magpunta sa mansion ngayon na. Bago pa tuluyang masira ang araw ko" pagaaya ni Karen
"Mabuti naman at aalis kana. At naiirita ako sayo" ani Andres
Parang aso't pusa kung mag away ang dalawang yon, puro bangayan at wala ng ginawa kundi mag asaran tuwing nagkikita ang mga ito. Minsan kahit ang kani-kanilang mga magulang ay naguguluhan kung bakit mainit ang dugo ng mga ito sa isa't-isa.
Subalit nung mga bata pa silang tatlo ay best of friends sila. Ngunit nung nasa sekondarya na sila doon na nagbago ang pakikitungo ng dalawa sa isa't-isa. Si Ana ang laging umaawat sa dalawa at taga balanse sa dalawa.
Ang lahat ay excited na sa pagdating ni Ludwig. Limang taon narin ang nakalilipas mula ng huli nitong uwi sa pilipinas. Naging busy na ito nung nagkolehiyo na ito.
"Teka lang, eh ikaw Ana, diba malapit narin ang birthday mo? Anong plano mo? " biglang tanong ni Karen
"kung ako ang masusunod, gusto ko sa secret paradise. Pero siyempre baka hindi pumayag sila Nanay. Malamang nyan, sa bahay magkakaroon ng kaunting salu-salo. Bakit mo naman naitanong?" tugon nito
"ah Wala lang Sister. Tara na." pag aaya ni Karen