Kinabukasan maagang nag ayos ang magkakaibigan upang hindi mahuli sa kanilang lakad.
Beep! Beep! Beep! Busina ng sasakyan. Agad sinilip ni Ludwig kung sino ang bumusina.
"Let's go guys" pag-aaya ni Ludwig
"Yeah coming" tugon ng mga ito
"Good morning attorney" bati ng mga ito
"Good morning din" tugon ng Ginoo
"So, where are we going?" Excited na tanong ni Ludwig
"Surprise!" Nakangiting tugon ng Attorney
Nagsimula ng magmaneho ng sasakyan ang Ginoo. Nung umpisa maingay ang mga ito kalaunan ay tumahimik rin. Nilingon ito ng Ginoo at bahagyang napangiti sapagkat ang kaninang maiingay at magugulo ay mga tulog na. Ilang oras pa'y narating rin nila ang lugar.
"Wake up guys. Were here!" Wika ng Ginoo
"W-wait, this place is so familiar right Ludwig?" Tanong ni Chloe
"Hey, we're in Hacienda!" Masayang wika ng binata "but what are we doing here Attorney?" Takang tanong ng binata
"You'll see" makahulugan nitong wika
Dumiretso ang mga ito sa conference room ng Hacienda. Dito tinitipon lahat ng kanilang magsasaka pag may meeting.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Andito na ba lahat?" Tanong ng Ginoo sa mga tao sa loob ng naturang silid tipunan
"Magandang umaga rin po sa inyo Attorney, Mga Señorito at señorita" tugon ng mga ito
"Magsi-upo na kayo nang masimulan na natin ang dapat simulan" wika ng Ginoo. Agad namang tumalima ang mga ito at nagsi-upo na sa mga bakanteng upuan.
May kinuhang CD ang Ginoo sa kanyang bag at nilagay ito sa DVD Player bago ito nag play.
"Hello Son. Before anything else i would like to say sorry for everything" wika ni Doña Manuela "Son, nasubaybayan ko ang paglaki mo at nagbago ang lahat mula ng mawala ang iyong ama. nakikita ko kung paano ka naging bastos sa mga taong nasa baba. Hindi kana marunong rumispeto sa kapwa. Hindi kana gumagalang sa mga nakakatanda kaya gumawa na ako ng paraan. Pinauwi kita dahil may konting panahon nalang ang natitira sakin. Isang bagay lang ang naiisip ko sa mga oras na to, ang iparanas sayo ang buhay na walang-wala. Pinakiusapan ko si Attorney para tulungan akong isakatuparan ang lahat ng plano ko. Nag panggap kaming bankrupt na tayo para malinis at plantsado ang pag-alis natin dito sa Hacienda. Pinalasap ko sayo ang hirap, ang walang-wala para magkaroon ng kakarampot na sweldo kailangang kumayod upang may pang-kain. Masaya ako dahil nagbago ka lumabas yung gusto kong mangyari. Natuto kang tumayo sa sarili mong mga paa, natuto kang makisama, rumispeto sa kapwa, gumalang sa mga nakatatanda, at natuto kang magmahal, lumaban at ipaglaban ang taong mahal mo. Tinanong kita what if nasa atin parin itong Hacienda anong gagawin mo? Natuwa ako sa sagot mo na
(Ludwig's Flashback answer
"I was thinking hatiin natin ang hacienda. Hindi lang bigas ang itanim kundi buko, sugarcane, mag produce ng sugar na pwedeng i-export pag kinagat sa merkado yun hindi lang tayo kundi lahat ng tao sa hacienda mas gaganda ang buhay. Tapos pag aaralin ko ang mga anak nila hanggang highschool muna siguro kung kaya ng budget. Hay... ang sarap mangarap")
"Handa kana nga sa malaking responsibilidad. Kaya Son, pinamamana ko sayo ang kalahati ng kabuuan ng Hacienda. Ang kalahati ay pantay-pantay na paghahatian ng lahat ng ating mga manggagawa. Ang bawat kinatitirikan ng inyong mga bahay at ang lupang inyong sinasaka ay mapupunta sa mga tauhan na may kabuuang kalahati ng buong ektarya ng Hacienda. Oras na para ikaw naman ang magpatakbo sa ating kabuhayan Son. Bilang kabayaran sa lahat ng tulong ni Ana siya ay pinagkakalooban ko ng scholarship na apat na taon sa kolehiyo sa kahit anong kursong nais nito. Si Mang Celso na longtime family driver natin pinagkakalooban ko siya ng isang bagong Van para sa kanyang sariling pampasada. Sa inyong lahat, Salamat. Attorney, salamat. Son, thank you. Im so proud of you. I love you. P.s. si Attorney na bahala sa lahat. Thank you and goodbye" wika ng Doña. Nirecord ito ilang araw bago ito mawala. Medyo bumagsak na ang katawan ng Ginang dahil sa karamdaman nito.