"Ang aga naman yang problema mo" wika ni Anton nang makita ang kapatid na umiinom ng red wine
"Tama ba ang desisyon kong ibalik siya kay Ludwig?" Tanong nito
"Yup. Tama. Mali kung pipigilan mo siya at pipiliting ikaw ang mahalin niya. Kasi parang ikukulong mo lang siya sa hawla at tatanggalan ng laya." wika ng kanyang kuya
"Ang sakit pala. Never in my entire life ang nakaramdam ako ng ganito. Ang sakit kuya. Ganito pala ang pakiramdam ng normal na tao" wika nito
"It's okey. Iiyak mo kung kinakailangan. Hayaan mo lang ang ikot ng mundo. Dapat alam mo kung kelan ka lalaban at kelan ka susuko. You know what people says, love hurts love scars." saad ni Anton
"Thanks kuya" pasalamat nito
"You're always welcome. You're my brother. Alam ko kung kelan o hanggang saan mo kaya at alam ko kung kelan kita tutulungan" wika nito
VLAD's Flashback
"Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya. Parang ang hirap na niyang pagkatiwalaan" wika ni Ana habang nasa ilalim ng puno ang mga ito nung mother's day
"Totoo ang sinabi niya sayo. Hiwalay na sila bago pa kami umuwi dito nun. Hindi siya nagsisinungaling sayo." Paliwanag ni Vlad
Tumingin ang dalaga ng makahulugan sa binata. Ngumiti naman ito sa dalaga para hindi na mag isip-isip pa.
"Kung mahal mo siya, balikan mo siya. Hindi kita hahadlangan kung sakanya ka masaya. I know deep in your heart mahal mo parin siya. Wag mong pigilan. Mag usap kayong dalawa to clear things" wika nito
"Ang bait mo talaga Vlad. Paano ba ako makakabawi sa kabutihan mo?" Tanong ng dalaga
"Just be happy" maikli nitong tugon
"Thank you Vlad sobra-sobra. Lalo na sa friendship at tiwala" ani Ana
"You're welcome. If you need me im just one call away" tugon nito
"Lord, i bring to you my burdens and pains. You know my situation, you know i cant make it without you comfort my heart, give me strength and help me carry on. Amen" dasal ni Ana kinabukasan pagka gising
"Morning Sis. Maligo kana bago pa tayo ma-late" wika ni Karen
"Morning Sis. Sige babangon na" tugon ni Ana
Pag bukas ng pinto may bugkos ng puting rosas ang nakalagay sa sahig. Dinampot nito ang bulaklak at sigurado itong si Ludwig ang nagbigay nito at hindi si Vlad.
"Im sorry Muffin. I miss you. Please come back to me" nakasulat sa card na bigay ni Ludwig. Nilagay nito sa vase ang bulaklak at naligo na ito. Wala ang Doña nang umagang iyon nag punta nang palengke kasama si tita Koring na kanilang land lady. Habang si Ludwig ay maaga ring pumasok dahil maraming gawain sa site.
"Pinapatawad na kita. Sorry din kung hindi kita pinaniwalaan nun" Wika ni Ana kinagabihan ng mag usap ang dalawa sa terasa
"Thank you Muffin. I love you" masayang tugon ni Ludwig
"Dont get me wrong, pinapatawad na kita. Pero hindi ibig sabihin nun tayo na ulit" saad ng dalaga
"Ha? Teka b-bakit? Is there someone else?" Naguguluhan nitong tanong
"Wala. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para magkabalikan tayo. Pareho tayong basag ngayon diba mas maganda kung magkakabalikan tayong pareho yung buo na. May pagmamahal nga tayo sa isa't-isa pero wala namang tiwala lagi lang tayong mag aaway pagka ganun. Much better kung friends nalang muna tayo" wika ni Ana