CHAPTER 13

14 1 0
                                    

"Good morning Mom!" Bati ng binata

"Morning Son. Why you're up so early?" Tanong ng Donya

"We're going to the beach now. I already packed our things. Mom, can you do me a favor?" Ani Ludwig

"What is it Son?" Tanong ng Donya

"Can you please wake her up" tugon ng binata

"who?" Tanong ng Donya

"Si Ana Mom. Tell her pack her things now." Tugon ng binata

"Ana iha, wake up. Pupunta tayo ng beach" anang Donya

"Sinong gumastos?" Tanong ni tita Koring ng nasa byahe na sila

"Lahat po kami Nay Koring. Idea kasi ni Luds na mag beach tayong lahat. Mag relax lang daw" tugon ni Kiko

"Buti naman Tay Poldo sumama kayo at pinahiram niyo ang jeep" ani Ana

"Naku anak, kailangan ko rin mag relax. Tama si Ludwig lahat tayo kailangan mag relax kasi bihira lang naman ito mangyari" ani Tay Poldo

"Grabe Tita Alma, ang ganda niyo talaga. Kahit walang kolorete sa mukha maganda parin. Makinis parin. Mukha nga po kayong mayaman eh" ani Tope

"Naku iho, nasa pag aalaga lang yan. Tsaka lagi akong gumagamit ng milk soap para malambot parin ang skin ko" anang Donya

"Ay ako nga rin, gagamit narin ako ng baby soap para lumambot ang balat ko" ani Tope

"Hay naku tope! Kahit araw-araw ka pang mag sabon ng baby soap hindi na lalambot ang balat mo. Downy nga hindi kinaya kapal ng kalyo mo sa katawan, baby soap pa kaya?!" Pagbibiro ni Kiko

"Ngek! Grabe ka naman Kiko, basag trip ka naman sa pangarap eh" tugon ni Tope

♬♬
"Gusto kita, sa puso ko'y ikaw lang ang mahalaga, pilitin mang limutin ka ay hindi ko magagawa, parang alipin mo ang isip at damdamin ko.
Gusto kita, pagkat ang kilos mo'y sadyang ibang-iba, mahinhin at malambing pa, katangiang di mo sadya, pag-ibig kong ito'y di na magbabago pa" ♬♬ kanta ni Kiko

♬♬
"Kahit sabihin na mali ako alipin mo o bihag mo, ako'y iyong-iyo, kung pag-ibig lang pag uusapan di ko na ililihim pa ang damdamin ko sayo, sa akin ay gusto kita"♬♬ Kanta ng lahat

Napakanta nalang ang mga ito para hindi makaramdam ng pagkabagot sa byahe. Pag dating sa beach agad nagsipag takbuhan ang mga ito papuntang tabing dagat.

"Wow!" Sabi ng mga ito na nanlaki ang mga mata

Samantalang si Ana, tay Poldo, Tita Koring at Donya Manuela ay nag buhat ng mga gamit papunta sa nirentahang kubo.

"Anak, makisali kana rin sa kanila. Kami na lamang ang mag iihaw, madali lang naman yan" ani Tita Koring

"Koring is right. Why don't you join them iha" anang Donya

"Okey lang po ako. Mamaya nalang po. Medyo ginugutom lang po ako kaya mag papapak po muna ako dito" tugon ni Ana

Naglakad-lakad si Ana upang makita ang buong lugar.

"Hoy sis. Ba't emoterang frog ka diyan?" Tanong ni Lotku

"Wala naman. Pakiramdam ko nakakapag relax ako dito eh. Tsaka tignan mo ang view, diba ang ganda. Sobrang naeenjoy ko ang view" tugon ng dalaga

"Sabagay, may point ka. So, tell me" ani Lotku

"Tell you what?" Tanong ni Ana

"Kung ano ang gumugulo sa isip mo" ani Lotku

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon