"Kumusta ang paa mo?" Tanong ni Vlad habang nag aalmusal ang mga ito
"Bakit? Napano ka?" Nag aalalang tanong ni Donya Manuela
"Ok na po ako. Magaling din po kasi yong manghihilot" tugon ni Ana sabay ngiti kay Vlad
"Mabuti naman kung ganon" ani Vlad na binigyan ng matamis na ngiti si Ana
"Since kagagaling lang ng paa mo, were not going anywhere else. But in my room. Instead of walking around, mag girls talk nalang tayong tatlo" Ani Chloe na kinindatan ang dalawa
"Where are you going son? Hindi kapa tapos kumain!" Ani ng Donya
"Nawalan na ako ng ganang kumain. Mamaya nalang ako kakain pag wala ng tao dito" padabog na sabi ni Ludwig.
Tinignan muna nito ng masama si Ana bago ito tuluyang umalis.
"Pag pasensyahan mo na si Ludwig iha" ani ng Donya
"Lagi ko naman po siyang pinagpapasensyahan eh" tugon ni Ana
"Ano bang meron kayo ni Ludwig?" Tanong ni Clyde
"Wala po Sir Clyde" ani Ana
"Eh bakit parang ang laki ng galit niya sayo? Bakit sayo lang? Hindi naman siya ganon kay Karen at sa ibang tauhan nila ah. Naging kayo ba dati?" Patuloy na pang uusisa ni Clyde
"Hindi po sir. Wala po akong gusto sa kanya. Hindi ko po siya bet. Hindi ko po pinangarap ang tulad niyang maldita. Ang sama ng ugali. " ani Ana
"Sorry po sa mga sinabi ko Donya Manuela" paumanhin ni Ana
"Its ok iha" ani ng Donya
"Come to think of it, para siyang batang nagseselos" ani Clyde
Nag tawanan sila dahil sa pang aasar kay Ana. Hindi nila napansin na nasa may hagdan lang si Ludwig at naririnig ang lahat ng kanilang usapan.
Nagpanting ang tenga nito sa mga narinig na lalong ikinagalit ni Ludwig kay Ana. Ngunit hindi nito mawari kung bakit. Basta galit siya.
"Kumusta ka mahal ko?" Tanong ni Vlad
"Ayos lang ako mahal" tugon ni Ana
"I love you my lady"
"I love you too my prince"
Akmang hahagkan na ni Vlad ang labi ni Ana ngunit bigla itong nagising.
"Panaginip lang... pero bakit si Vlad? Napapadalas na ang pag iisip ko ng kung anu-ano. Gabi na pala" sambit ni Ana sa kanyang sarili
Bumangon ito upang kumain.
"Maraming pagkain diyan wag kana magluto. Mauna kana kumain kung gutom kana" ani mang Armando na kanyang ama
"Opo tay" tugon ni Ana
Muling bumalik si mang Armando sa kwarto. Hatinggabi na nang makauwi sina Aling Merla sa kanilang tahanan.
"Tara sa falls?" Aya ni Chloe
"Pero--- paano yong nangyari dati? Paano kung may maligno o engkanto don?" Takot na sabi ni Karen
"Si senyorito Ludwig lang ang demonyo dito" ani Ana kaya nagtawanan silang tatlo
"Busy naman yong mga boys eh. So, tara?" Tanong ni Chloe
"Sige!" Tugon ni Ana
Maaliwalas ang panahon at maganda ang sikat ng araw. Nangabayo ang tatlo patungo sa hidden falls. Dala-dala ni Chloe ang cellphone niyang may camera at nagsipag selfie sila sa magandang tanawing iyon.