"Salamat sa Diyos at gising kana anak matagal-tagal kana ring nakatulog" wika ni Aling Merla
"Buti at gumising kana My Lady. Sobra kaming nag alala sayo" wika ni Vlad
" Hi Ana" bati ng lahat
Iginala ni Ana ang paningin sa buong kwarto wala doon si Ludwig ngunit ang Doña ay naroon din. Ngumiti ito sa lahat.
"Sandali, tatawag lang ako ng doktor" wika ni Karen
Makalipas ang ilang araw ay nakauwi narin ang dalaga ngunit sa Hacienda sila dumiretso at doon magpapagaling si Ana. Kasama si Vlad, kuya nitong si Anton, karen at ang kambal.
"My Lady, sorry kung hindi kita nailigtas ng mga oras na yon ah. Masyado kong inuna ang sarili ko bago ang kaligtasan mo. Binalaan naku ng kambal pero ang bagal ng actions ko. Napakawalang kwenta kong bam--nilalang. Pag nagkataon hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko" pag hingi nito ng paumanhin
"Sus! Wala yon ano kaba! Buhay na buhay pa ako tignan mo humihinga pa ako. Buti nga hindi ka umabot eh. Kasi mula nung nangyari ang mga yon ang dami kong narealize sa buhay ko. Pero teka, anong ibig mong sabihin tungkol sa kambal?" Tanong nito
"Na pareho kami nila Vlad, ganun din kami royalty din kami sa ibang Castle at same Vamps" bulong ni Chloe
"Sorry kung hindi ko sinabi sayo ang totoo. It's Vamps thing. Mas strict kami pag dating sa secrets. Ang secret samin is sacred and trust." Paliwanag ni Vlad
"Okey lang. Dont worry ano man ang decision niyo okey lang. Naiintindihan ko kayo" wika ni Ana
"You're such a good person kaya ka pala mahal ng young prince" pang aasar ni Clyde
"Hey!" Sita naman ng binata "Kumain ka pa para lumakas ka agad" utos naman nito sa dalaga
"Vlad, sobrang salamat kasi lagi kang andiyan siguro kelangan ko talaga ma expirience lahat ng to para malaman ko ang totoo. Salamat sa pag aalaga mo sakin at sa inyong lahat din" saad ng dalaga
"You're always welcome my lady" tugon ng binata
"Well, you dont deserve him anyway. I believe that someone who loves you wouldn't put themselves in a position to lose you" wika ni Clyde
"I agree. Hindi ibig sabihin nun binebenta namin sayo si Vlad, o tinutulak namin siya sayo. Hindi ganun yun." segunda ng kakambal nito "yes you deserve someone who is not just proud to have you, but will take every risk just to keep you" wika nito
"Alam niyo, sa mundo niyo pwede yan pero sa mundo namin, eh imposible yan. Kung posible man malamang one in a billion yan. Diba sabi ng iba ang relation hindi kelangan ng cute voice at magandang mukha. Ang kelangan mabuting kalooban at unbreakable trust" wika naman ni Ana
"Sis, diba nga kung hindi meant to be, hindi meant to be. Wag ng pilitin. Relation, pangarap, o ano pa man yan. Malay mo paraan pala yan ng tadhana binibigyan kalang ng space para ibigay sayo ang nararapat" saad namin ni Karen
"You know what guys, the best thing in life is finding someone who knows all of your flaws, mistakes, weaknesses and still thinks you're completely amazing" wika ni Chloe
"The next time i fall inlove, i want to be with someone who will love me as much as i love him. A man who's mature enough to stay by my side, never cheat and never give up whatever life throws us. Someone who would look at my flaws as part of my beauty and would remind me that i am special and unique. Oh, english yun. Aray ko, sumakit ulo ko" wika ng dalaga na humawak sa ulo nito
"Take it easy. Wag kana kasi mag english" saad naman ng binata
"You may not end up where you thought you'd be, but you'll end up where you're meant to be" sabat naman ni Anton
"Today is the national hugot day oh yeah" wika ni Clyde
Nag tawanan ang mga ito dahil totoo nga naman. Puro hugot lines ang mga sinasabi nila.
"Kumusta na ang pakiramdam mo iha? Puro kayo hugot ah" Tanong ni Aling Merla
"Okey na po ako Ma. Dahil sobrang higpit ng mga nurses ko dito malamang madali akong gagaling nito" natatawa niyang wika
"Mabuti naman anak." Wika ng kanyang ina "araw-araw akong magpapasalamat sa inyo lalo na sayo Vlad anak, dahil sa walang sawang pag aalaga sa anak ko" saad nito
"Wala po yon Nay" tugon ng binata
"Dont worry Nay, ganyan po talaga magmahal si Vlad" pang aasar ni Chloe
"Ikaw ah, may hindi ka pala sinasabi samin mahal mo pala itong anak ko" natatawa ring wika ng Ginang "wala namang masama dun. Kung saan o kanino masaya ang anak ko, ayos lang. Susuportahan ko siya. Kaya kung mahalin ka man niya anak, walang problema sakin basta wag mo siyang saktan tulad ng ginawa ng kaibigan niyo"
"Makakaasa po kayo Nay" tugon ng binata
"Boom! Hindi palang nanliligaw may basbas na. Ha ha ha" pang aasar naman ng kakambal ni Chloe
Hindi makapag salita ang binata dahil sa hiya at halos mamula ang kanyang mga pisngi na lalong pinagtawanan ng mga kaibigan.
Makalipas ang ilang linggo tuluyan na ngang gumaling ang dalaga dahil narin sa pag aalaga at pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan nito.
"Uhm, my lady, Karen we need to go back home" paalam ni Vlad
"Bakit?" Nagtatakang tanong naman ng dalaga
"Oo nga. May problema ba?" Segunda ni Karen
"Kasi full moon mamayang gabi. Ayaw naming mapahamak kayo lalong lalakas ang powers na meron kami kasabay nun kelangan naming uminom muli ng fresh blood" paliwanag ni Anton
"Its a vamp thing. Again." Wika ni Chloe
"Sige. Basta mag ingat kayo" wika ni Ana
"Babalik kami after full moon" saad nito
"Okey." Tugon ng dalaga
"Mami-miss kita ng sobra my lady" wika nito
"Mami-miss din kita my prince" tugon nito
"Miss na agad kita Hon" wika ni Anton
"Miss na rin kita" saad ni Karen
"How sweet naman nila. Eeeeeiiii ang sarap talaga maging normal... love is in the air" kinikilig na wika ni Chloe
"Hindi rin. Ayoko maging normal. Ayoko maranasan ang umiyak at masaktan." Wika ni Clyde
"Bitter..." pang aasar naman ng kakambal nito
"Oo Clyde masakit talaga pag nasaktan ka. Pero pag nahanap mo na ang kahati ng puso mo, kahit anong mangyari kahit gaano ka pa nasaktan darating ang taong muling magpapangiti sayo. Normal man yan o hindi. Ang sarap kaya ng feeling ng may minamahal at nagmamahal" wika ni Karen
"Eh bakit si Ana medyo minalas.? Tignan mo ang nangyari sakanya yan ba ang love?" ani Clyde
"Ung akin, nangyari to para mauntog ako at para makita ko ang totoo. Sa journey na to marami rin akong natutunan at marami pa akong matututunan na magagamit ko sa future" wika naman ni Ana
"Kelan kayo babalik sa Manila?" Tanong ni Vlad
"Since fully recovered na ako, bukas. Excited na akong mag work ang dami ko ng na miss na mga kaganapan dun eh" tugon nito
"All right. Takecare okey? " wika nito
"Opo." Tugon nito
"So Ana, Karen, we have to leave now. See you soon" paalam ng kambal
"Bye" wika ng lahat
Nagpaalam na nga ang mga ito at nagbalik narin sa Maynila kinabuksan ang dalawa.