CHAPTER 33

5 0 1
                                    

"Ludwig? Can i talk to you for a minute?" Tanong ni Joyce ng makita nito ang binatang palabas na ng gusali ngunit hindi ito pinapansin ang dating kaibigan

"Ludwig sandali! Gusto ko lang magpaliwanag" pagmamakaawa ng dalaga ngunit hindi parin kumikibo ang binata

"Gusto ko lang mag sorry sa ginawa ko. Hindi talaga ako buntis at walang nangyari satin. Hinubaran lang kita dahil natapunan ka ng iniinom mong alak. Ginamit ko lang yung sitwasyon para bumalik ka sakin because i still love you at hindi nagbago yun and sorry kung naging desperate ako hindi na ako nag isip kung tama o mali mga decisions ko. Im really sorry" paliwanag nito

"How dare you? Sinira mo kami. Muntik nang mamatay ang taong pinaka mamahal ko nang dahil sayo. Ang selfish mo. Get out of here and get out of my life forever" galit na wika ni Ludwig

"Ana, can we talk?" Tanong ni Ludwig nang magkasalubong ang mga ito sa pinto

"Im sorry hindi pa kasi ako handa eh. Pwede next time nalang" tugon ng dalaga

"Kahit sandali lang. Kahit last na nating pag uusap to tapos hindi na kita kukulitin ever" pamimilit nito

"Fine." Tugon ng dalaga

Dumiretso sila sa mini garden sa likod bahay upang doon mag usap naupo ang dalawa sa swing.

"Uhm Ana" sambit nito

"Ano yon?" Malumanay nito tanong

"Gusto ko lang sanang mag sorry sa lahat ng kasalanan ko sayo. Sana mapatawad mo ako" paghingi nito ng tawad

"Sa totoo lang, hindi na ako galit sayo. Napatawad na kita. Matagal na" tugon ng dalaga

"Pinuntahan ako ni Joyce kanina sa site. Nagtapat narin siya sakin na wala talaga nangyari samin hinubad niya lang damit ko dahil natapunan ng alak. Hindi daw niya ako maiuwi dahil baka bakalit si Mom. Hindi rin siya totoong buntis at gawa-gawa niya lang yun" paliwanag nito

"Hindi kana dapat nagpapaliwanag sakin dahil tapos na tayo. Hindi ko narin kelangan yung paliwanag mo. Pero thank you kasi nagpaliwanag ka parin" tugon ng dalaga

"Pwede pa ba natin tong ayusin? Pwede pa bang maging tayo ulit? Pwede pa bang makiusap na sana pwede pa?
Pwede pa bang mag promise na hindi na kita sasaktan? Pwede pa ba?" Sunud-sunod nitong tanong

"Marami nang nangyari Ludwig. Marami ng nasaktan, pareho tayong kelangan magpagaling mula sa sakit ng nakaraan. marami naring nasira lalo na ang tiwala. Ang tiwala parang baso lang yan. Kapag bumagsak tiyak mababasag yan at kahit idikit mo pa yan gamit ang mightybond mananatili ang marka ng basag niyan. Im sorry Ludwig. Hindi ko na kayang mahalin ka pa. Sana hayaan mo nalang akong maging masaya" tugon ng dalaga

"Okey lang Ana. Sorry kung nagkamali ako. Sorry kung lagi kitang nasasaktan. Sorry kung naging pabigat kami. Alam kong sawa kana sa sorry ko, pero sana balang araw mapatawad mo akong tuluyan. Yung makikita mo akong wala ng galit at kirot sa puso mo. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo samin. Malaya kana. Pinapalaya na kita" wika ng binata

"Salamat" tugon ng dalaga

"Friends?" Tanong nito sa dalaga at nilahad ang kamay

"Friends" sagot ng dalaga at masayang nakipag kamay ito sa binata

Tumayo na at umalis ang binata iniwan nito ang dalagang nakaupo parin sa swing. Bago tuluyang umakyat sa boarding house ang binata muli nitong sinulyapan ang nasa swing. Ngayon lang ulit nito nakita ang mga ngiting iyon sa labi ni Ana. Ngumiti ang dalaga sakanya at gumanti rin ito ng ngiti at tango.

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon