CHAPTER 23

11 1 0
                                    

"Get in" sabi ni Anton nang lumingon ang dalaga

Agad namang sumunod ang dalawa dito at sumakay sa sasakyan at dumiretso sa bagong unit ng mga ito.

"Anong ginagawa niyo dito? Bat iba agad ang sasakyan niyo?" Tanong ni Ana

"Lumipat kami sa mas malaking unit. Sa hotel din galing tong sasakyan. sabi ni Vlad you're in trouble kaya bumalik kami" ani Anton

"Thank you so much Vlad mula noon hanggang ngayon lagi ka nalang nandiyan pag may problema ako" wika ng dalaga

"You're welcome" tugon nito

"Ganyan magmahal si Vlad eh" pang aasar ng kuya nito

"Shut up" seryoso nitong tugon

Nagtawanan ang mga ito dahil mukhang mapipikon si Vlad. Sa totoo lang, mula noong magkakilala sina Vlad at Ana ay lihim na nitong binabantayan ang dalaga, tinatanaw nito mula sa malayo. Para sakanya sapat na iyon dahil nirerespeto niya ang bawat desisyon ng babaeng mahal niya.

"Ana, can i talk to you for a minute?" Tanong ni Anton

"Ano po yun kuya?" Tanong din nito

"About Karen. Is she still single? I mean, i think it was love at first sight. i want to ask your permission first if you know i want to court her and be my Queen " pag amin nito

"Thank you kuya dahil nagpaalam ka sakin kahit kaibigan lang ako, sa totoo lang hindi kita kilala ng personal pero nung nasa Castle ako nakita kong maayos naman ang pakikitungo niyo ng pamilya mo. Gagawin mo siyang tulad ninyo? Pero kung aalagaan mo siya, mamahalin at poprotektahan, walang problema sakin." Tugon ni Ana

" May choice naman kung gusto niya o ayaw hindi naman pinipilit yon. Thank you young princess. But how to court a filipina?" Tanong ng binata

"Siyempre maganda kung manliligaw ka the filipino way. Serenade her, give her flowers, stuff toys, chocolates ganun ba. But most importantly, respect her and treat her and her families and friends well" tugon nito

"Ok thank you" sabi nito

"Andito lang pala kayo. Oh anong pinag uusapan niyo diyan? " tanong ni Vlad

"Nothing. Just hanging around with my little sister" tugon ni Anton sabay kindat kay Ana

"Ano gusto niyong dinner?" Tanong ni Vlad

"Kayo na bahala. Alam mo na yun" tugon ni Ana

"Kayo ah, may pa sikret-sikret pa kayong dalawa. Pero alam mo sis mas bagay kayo ni Vlad" pang aasar ni Karen

"Sis! Below the belt yan" seryosong wika ng dalaga

"Dinner's ready. Raw steak with red wine, beef steak with broccoli and grilled seafoods" Ani Vlad

"Wow! ikaw ba ang nagluto niyan?" Tanong ni Karen

"Actually, dalawa kami. Bata palang kami na-train na kaming magluto para sa sarili namin" tugon ni Anton

"Ang swerte naman ng mapapangasawa mo kuya" ani Ana sabay kindat dito

Ngumiti lang ito ngunit sa loob-loob nito kinikilig ito at may ninja moves pa. Hindi nito alam kung paano at kailan sisimulan ang kanyang binabalak.

"Sis, kinikilig ako eeiii!!!" Ani Karen

"Hoy Sis manahimik ka nga. Ang galawgaw mo mamaya baka kung ano pang sabihin ng iba diyan" tugon ni Ana

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon