Hatinggabi na wala pa si Ana. Kaya minabuti ni Ludwig na hintayin ito sa labas ng bahay. Umupo ito sa may tindahan. Habang ngumangata ito ng mani may napansin itong naglalakad na babae, nang malapit na bigla itong hinimatay sa kalsada.
"Ana!" Sigaw nito
"Ana! Ana! Gising! My God ang init mo." Nag aalalang sabi ng binata
Agad nitong binuhat ang dalaga at dinala sa kwarto nito. Kumuha ito ng tubig na nilagyan ng alcohol at pinunasan ang dalaga.
"Ma? I need your help" natatarantang sabi ni Ludwig
"What is it Son? What happen?" Nag aalalang tanong ng Donya
Agad itong sumunod sa Anak. Nakita nito si Ana na mataas ang lagnat. Ang Donya ang nag palit ng damit ng dalaga habang nasa labas ng kwarto si Ludwig.
"Pwede ka nang pumasok Anak" tawag ng Donya
"Is she alright?" Nag aalalang tanong ng binata
"I'll just get some medicines at ipainom mo sa kanya" ani ng Donya
"Ma?"
"Yes Son?"
"Thank you"
Matamis na ngiti ang isinagot ng Donya sa binata. At muling pinunasan ang dalaga para guminhawa ang pakiramdam nito.
"Ana, wake up. Wake up. Take ka muna ng medicine" ani Ludwig
"Mmm... ayoko" nanghihinang tugon nito
"You have to take this medicine para mawala sakit mo"
Binangon nito ang dalaga at pinainom ng gamot. Magdamag na binantayan nito ang dalaga at tsinetsek ang temperatura.
"Good morning! Breakfast in bed" bati ni Ludwig
"Salamat. Nag abala ka pa. Pwede naman sa lamesa" tugon ng dalaga
"Ooopppssss... diyan ka lang. Dont move. Sa ngayon, Ikaw ang prinsesa and im your slave. here. Subo na" ani ng binata
"Okey pala pag may sakit ako. Mabait ka"
"Ana, i just want to say Im sorry to all the things ive said and done wrong. Maybe because i grew up alone and no one takecare of me. Im really sorry" ani Ludwig
"Ok na ang Sorry. Pinapatawad na kita" nakangiting tugon ni Ana
"Friends?" Tanong ng binata na inilahad ang kanang kamay na naghihintay ng sagot
"Friends" sagot ni Ana na masayang tinugon ang nakalahad na palad
"Yes!. Oh ito, kain ka pa. Ubusin mo ito para lumakas ka agad" ani Ludwig
"Morning Ma. Morning Princess. Are you okey now?" Ani Ludwig
"Okey na ako. Magaling ang doktor ko eh" nakangiting tugon ni Ana
"Aba iho nakabihis ka. Saan ang lakad mo?" Tanong ng Donya
"Maghahanap ng trabaho. Ayoko na umasa pa tayo kay Ana. Kaya siya nagkakasakit eh" ani Ludwig
"Okey nako. Hindi mo na kailangan gawin yan" sagot ng dalaga
"I have to. Lalaki ako, kaya dapat ako ang nag aalaga sa inyo ni Mama. Dont worry guys i can manage it" ani ng binata
"Thank you Son" ani ng Donya na masaya ngunit nababanaag ang pag aalala
"Alis nako Ma. by the way here's your medicine. Tinawagan ko na si Lotku sabi ko hindi ka muna makakapasok dahil may sakit ka"