CHAPTER 24

9 1 0
                                    

"Kuya, mamamasyal muna kami ni Ana sa ibang panig ng Castle. Gagamitin nalang namin ang jaguar" paalam ng batang prinsipe

"Okey young Prince. Just be careful. Takecare of the young princess" tugon ng matandang prinsipe

Humayo na nga ang magkaibigang Vlad at Ana. Habang Sina Karen at Anton ay nilibot ang loob ng kastilyo. May mga kanya-kanya silang taga bantay. Dinala ni Prince Anton ang dalaga sa may hardin matapos libutin ang kastilyo.

"for you" ani Anton na iniabot ang isang pirasong malaking pulang rosas na nakabuka.

"Salamat" nakangiting tugon ng dalaga at inamoy ang pulang rosas

"I like you" wika ng binata

"Ha?!" Gulat na tanong ng dalaga
" i said, i like you" ulit ng binata

"Bakit ako? marami namang mas maganda, mayaman, at karapat-dapat para sayo. Pero bakit ako na ordinaryo lang." anang dalaga

"Because you're ordinary. I never felt it before. Nung isang araw nung dumating sina Prince Vlad at Princess Ana may naganap na grand ball dito. Maraming mga imbitadong mga babae na galing sa mga matataas na antas ng buong romania. Pero ni isa doon hindi ko naramdaman ito. sumama ako sa young prince para baka mahanap ko ang matagal ko ng hinahanap. At nakita kita. May kakaibang kaba akong naramdaman. Ikaw na ang laman ng isip ko, hindi naaalis ang amoy mo. Kung hindi pa pagmamahal ang nararamdaman ko hindi ko na alam kung ano na tong nararamdaman ko" saad ng binata

"Seryoso ka?" Naguguluhan nitong tanong

"Im willing to wait. hindi mo kelangan sagutin agad. Okey sakin ang magkakilala muna tayo ng mabuti makilala ko ang buong pamilya mo at mga kaibigan. Im not in a hurry. Just give me a chance" wika ng binata

"Sa totoo lang, hindi pa ako ready. Pero gusto ko na magkakilala muna tayo para walang sisihan" pagpapakipot ng dalaga

Samantala, bumaba ng sasakyan ang batang prinsipe at si Ana para umupo sa swing na nakakabit sa puno.

"young Lady, can i ask you something?" Tanong ni Vlad

"Ano yon?" Tugon ng dalaga

"Magagalit ka ba kung yayayain kitang dito na tumira kasama ko?" Tanong nito

"Im sorry kung  ikaw ang takbuhan ko pag may problema ako. Pero mali pa ang pagkakataon. Ayokong isipin ng lahat ng tao na pinili kita kasi naghiwalay kami, o pinili kita kasi nalaman kong mayaman ka. Gusto ko kung sasama man ako sayo sana okey na ang lahat, yung may pagmamahal ako sayo na sayo lang, yung buo na ako at hindi basag. Kung tayo ang nakatadhana kusa itong darating at walang pwedeng humadlang na kahit sino pa. Sana maintindihan mo ako" tugon ng dalaga

"I understand. " saad ng binata

"Young Prince, young Princess, it's time" wika ni Anton

"Okey kuya" tugon niya sa kapatid "shall we?" Tanong nito sa dalaga

"Tara" tugon nito

Dumiretso ito sa kani-kanilang mga kwarto upang magbihis habang sina Ana at Karen ay magkasama sa iisang kwarto.

"Bakit natin kailangang mag gown?" Tanong ni Karen

"Nag usap kami ni Vlad bago kapa yayain pumunta dito na bibigyan namin ng surprise party ang Reyna para sa Mother's Day." Tugon ni Ana

"Young Princess Ana, ito po ang gown na ipinagawa ng young prince para po sa inyo"  wika ng isang tagapag-silbi sa Kastilyo. Isa iyong little black dress at ang likod ay pa-ekis ang itsura. At bawat gilid ay may linya na puno ng kumikinang na mga bato.

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon