CHAPTER 16

15 1 0
                                    

Agad dinampot ni Ana ang kanyang mobile phone upang tawagan ang pamilya.

"hello, Anak?" ani Aling Merla sa kabilang linya

"hello Nay. Kumusta na po kayo ni Tatay diyan?" pag kumusta ni Ana

"ito, ayos naman kami ng Tatay mo. Maganda ang mga pananim natin ngayon dito. Araw-araw may mga tauhan ang bangko upang bantayan kaming lahat" kwento ng Ginang

"mabuti naman Nay at okey kayo diyan" saad ng dalaga

"may dinaramdam ka ba anak? Malungkot kasi ang boses mo. Anong problema ng anak ko?" tanong ng Ginang

"wala po Nay. Pagod lang po nay. Madami po kasing gawain sa store nitong mga nakalipas na araw" tugon ng dalaga

"oh anak baka hindi ka kumakain diyan ha? Wag kang magpapagutom para kahit maraming trabaho hindi ka agad mapapagod" pagbibilin ng kanyang Ina

"opo nay" tugon nito

"oh teka anak, kumusta na pala sina Donya Manuela at Senyorito Ludwig?" tanong ng Ginang

"okey naman po Nay. Si Senyorito Ludwig may raket na. Si Donya Manuela naman ang naghahanda ng mga pagkain namin sa hapag" tugon ng dalaga

"talaga? May trabaho si Senyorito? Anong trabaho niya?" muling Tanong ng Ginang

"tsaka ko nalang po sasabihin kapag handa na siyang sabihin ang trabaho niya. Oh siya Nay, sa susunod nalang po uli ako tatawag. I-kumusta nyo nalang po ako kila Tatay" paalam ng dalaga

"sige anak. Mag ingat ka diyan. Mahal ka namin anak" anang Ginang

"opo Nay. Kayo din po mag ingat diyan. Miss ko na po kayo. Mahal na mahal ko din po kayo. Bye Nay" paalam ng dalaga

Pagkababa ng kanyang mobile phone sa la mesa sa tabi ng kanyang kama ay muling humiga ang dalaga. Umikot ito patagilid at niyakap ang kanyang unan.

Muling nag flashback sa kanyang isip ang mga eksena sa videokehan. May tila anong kirot ang nadama ng kanyang puso ng mga oras na iyon. Hindi nito namalayan na tumulo na pala ang mga luhang kanina pa pinipigilan.

"bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Hindi ko naman siya kaanu-ano ah, ang sama sama nga niya sakin mula noon eh. " bulalas ng kanyang isip

Nag flashback din sa kanyang isip ang nangyari sa resort nung maliliit pa sila. Si Ludwig ang batang nagtulak sakanya para mahulog sa swimming pool.

"masama siyang tao!! Walang puso!! Pero nagbago na siya, hindi na siya yung dati" pagtatalo ng kanyang isip

"KNOCK! KNOCK! KNOCK!" sunud-sunod na katok sa pinto. Ngunit hindi sumasagot ang dalaga.

"Sis!" ani Karen

"Karen? Ikaw ba yan? " tanong ni Ana

"Oo sis. Buksan mo kaya ang pinto no" saad ng kaibigan

" Sis!! I miss you" tili ng kanyang kaibigan at niyakap nito ng mahigpit ang dalaga

" Pasok. Dalian mo." ani Ana

"nagmamadali? Hindi ako namiss?" patampong sabi ni Karen

"syempre namiss kita. Marami lang mga nangyaring hindi maganda nitong mga nakaraang araw" tugon ng dalaga

"tulad nang?" tanong ni Karen

Parang batang nagsusumbong ito. I-kinwento na nga nito ang mga naganap nitong mga nakaraang araw.

"Sis, wag kang magagalit sa sasabihin ko ha. Pero sa palagay ko, inlove kana kay Senyorito" Wika ni Karen

"hoy hindi ah!" tanggi nito

"Sign number 1 ng pagiging inlove D-E-N-I-A-L Denial" ani Karen

"At saan mo naman nakuha yan?" tanong ng dalaga

" Kay Ramon Bautista. Sa movie na Bakit di ka crush ng crush mo" tugon ng kaibigan

" hindi naman yan totoo eh" pag de-deny nito

" Inlove ka nga. DENIAL. dine-deny mo na inlove ka sakanya. Pero kung wala kang gusto kay Senyorito, dapat hindi ka nasasaktan at wala kang pakialam kung may kasama man siyang iba. Love hurts sabi nila. Love is blind. Love is mysterious. Love kills in many ways. " ani Karen

"oh siya Ms. Love expert, paano ko papatayin ang feelings ko o maaalis sa puso ko ang love na to , aber?" tanong ng dalaga

"tungkol diyan, time will heal all wounds. Bahala na ang panahon diyan. Busy ako" tugon ng kaibigan.

"puro ka kalokohan" anang dalaga

"ay teka sis, yaman din lamang at may mahal kana, pwede bang akin nalang si Vlad?" tanong nito

"ano siya, gamit na pwedeng hingiin? Puro ka talaga kalokohan. Tsaka matagal narin siyang hindi nagpaparamdam eh" tugon ng dalaga

"ay sayang naman" dismayadong sabi ni Karen na tila kumusot ang mukha

Napa buntong-hininga nalang si Ana ng malalim at napa iling sa tabi.

" Sis, wag kang matakot magkamali. Hindi mo kailangan maging perpekto sa ibang tao. Kadalasan, ang maling desisyon ang nagtuturo satin para sa aral ng buhay" wika ni Karen

"kumusta nga pala sa Hacienda?" tanong ni Ana para maiba ang usapan

"okey naman. Ayun, puro pambibwisit ang ginagawa sakin ni Andres" tugon ng kaibigan

"hay naku! Baka kayong dalawa nga talaga ang magkatuluyan ah" pang aasar ni Ana

"hoy wag naman. Utang na loob Sis. Kikidlatan kaming pareho. Ayoko pang mamatay" kunwari naiiritang wika ng kaibigan

Samantala, ang mga kalalakihan ay busy sa paglalaro ng basketball. Nakipag pustahang muli ang kabilang baranggay kina Kiko.

Sa unang quarter, lamang ang baranggay nina Kiko ng walong puntos. Nagtapos ang unang kwarter na 23-9.

Sa second quarter, umabante ng husto ang kabilang kuponan. Ang baranggay Dimahahanap. 18 points ang lamang nila. Nag tapos ito ng 47-65. Pumito ang referee, hudyat ng panandaliang pahinga.

" Arnel, dito ka umikot, ikaw bogart, dito sa kabila. Ikaw Ludwig, dito ka. Tope, dito kalang sa area na to. " Ani Kiko na tumatayong playing coach ng kanilang team.

"sige" pagsang ayon ng mga ito

"ok team, let's go!!" Sigaw ni Ludwig at pinag patung-patong ang kanilang mga kamay.

"Fight!!!" Sigaw ng mga ito

Sa third quarter hanggang Fourth quarter ay puno na ng kaba ang mga tao. Bawat galaw ng mga manlalaro ay siya ring sigawan ng kani-kanilang mga ka-baranggay at ibang mga tagahanga.

Hindi Biro ang limang libo na kanilang mga pusta. Bagama't katuwaan lang ito, kailangan paring galingan ng bawat team para sa premyo.

Nag tapos ang Fourth quarter ng 92-88. Abante ng 4 points ang baranggay Hilonalahat nina Kiko.

"Nice game! Hirap niyong talunin ah. Nahirapan kami dun" Ani Kiko na nakipag kamayan

"oo nga eh. Magandang laban nga. Iba talaga kayo maglaro" tugon ng Lider ng kabilang team

"mas magaling kayo ngayon kesa nung last na naglaro tayo" sabat ni Ludwig

"talaga? So, panu mga p're, next time ulit?" ani ng kanilang kausap

"sige next time ulit." tugon nina Kiko

Natapos ang laban na maayos. Hindi nagkakainitan ang kanilang mga ulo.

"oh, ito mga share niyo" ani Kiko na hinati-hati ng pantay-pantay ang kanilang napanalunan.

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon