CHAPTER 15

23 1 0
                                    

"TUGSHHH"

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Kiko sa mukha ni Tope.

"Aray!" Sigaw ni Tope

"Alam mong may espesyal na tinginan si Ludwig at Ana, tapos anong ginawa mo, ikaw pa itong nagsulsol na tabihan ni Linda si Ludwig" Galit na sabi ni Kiko

"Katuwaan lang naman yon eh. Hindi naman namin alam na ganun ang mangyayari" katwiran ni Tope

"Katuwaan??? Tignan mo kung anong nangyari sa sinasabi mong katuwaan" ani Kiko

"Tsaka kasi nakiusap si Linda sakin. Gusto lang niyang makipagkaibigan. Tsaka sayang yung bigay niyang alak eh" tugon ni Tope

"Oh tignan mo resulta sa katarantaduhan mo! ikaw ang gumulo, kaya ikaw ang mag ayos" ani Kiko habang hawak ng kanyang mga kamay ang kwelyo ng binata bago nito binitiwan

"Anong gagawin ko?" tanong ni Tope na hindi mapakali sa daliri

"Gamitin mo utak mo. Pag hindi mo naayos ang gulong ito, ipapatapon kita sa bundok" tugon ni Kiko

"Anong gagawin ko? kasalanan mo to eh. Ang tanga-tanga mo, nagpadala ka sa alak. Ngayon anong gagawin mo? Teka, ano nga bang gagawin ko? Patay ako kay Kiko, mas lalong patay ako kay Ana" ani Tope na kausap ang kanyang sarili. Hindi ito mapakali kaya paruo't parito ito

"luds!" Tawag ni Tope nang makita nito ang binata sa basketball court

" hey. anong ginagawa mo dito?" Tanong ng binata

"Gusto ko lang humingi ng tawad sayo. Pare, sorry talaga ah" paghingi nito ng despensa

"Ok lang yon. Nangyari na ang nangyari at hindi na yon mababago" ani Ludwig

"Galit pa ba si Ana?" Tanong ni Tope

"Yup. Galit na galit. Hindi ko alam gagawin ko para maging okey kami" Tugon nito

"Eh kung ganito kaya gawin natin mamayang gabi" ani Tope na may ibinulong kay Ludwig

"Sigurado ba yan?" Tanong ng binata

"Sa totoo lang pare, hindi ako sigurado. Dahil hindi ko pa yun nagagawa sa tanang buhay ko. wala naman masama kung susubukan natin diba?" tugon nito

"Sige. Samahan mo ako mamaya. Okay?" Ani Ludwig

"Okay" tugon ni Tope

Biglang napatigil sa pag panhik ang binata nang mapalingon ito sa bintana. Nakita nito na may kayakap si Ana, pinilit nitong inaninag kung sino ang kayakap ng dalaga.

"Tugsh!!!" Isang malakas na suntok sa mukha ang pinakawalan ni Ludwig sa mukha ni Andres, at naulit pa ito, nang naulit, at naulit hanggang sa bumulagta sa sahig ang bisita

"Ludwig tama na! Ano ba! Ludwig! tumigil kana!!!" Singhal ni Ana at buong lakas na itinulak si Ludwig palayo kay Andres

"Siya ba? Ha Ana? Siya ba ang ipapalit mo sakin? siya ba pinagmamalaki mo?" galit na sabi ni Ludwig

"Ano bang pakialam mo?" tanong ni Ana

"tugsh!!" Muling sumuntok si Ludwig

"Tama na! tama na! Walang ginagawang masama sayo ang kapatid ko. Ano bang ginawa sayo ng kuya ko? Ha Ludwig?" galit na wika ni Ana

Napatiimbagang ang binata sa sinabi ng dalaga.

"Ha??!!! Kap--kap--kapatid mo siya? Pero paano?" Tanong ng binata

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon