CHAPTER 28

4 0 1
                                    

"Buti naman at muli kayong dumalaw dito mga anak" wika ng ina ni Karen

"Siyempre naman po Nay. Uhm, Nay, Tay, kaya po kami nagpunta dito kasi may sasabihin po kami" Aniya

"Ano yon anak?" Tanong ng kanyang ama

"Boyfriend ko na po si Anton" tugon ng dalaga

"Ganun ba?" Tugon ng ama nito "oh iho, ingatan mo tong anak namin ha. Mahal na mahal namin yan. At ikaw palang ang kauna-unahang nobyo nitong aming dilag" wika nito kay Anton

"Wala po kayong dapat ikabahala Tay, ako na po ang bahalang mag alaga sakanya" tugon ng binata

"Maraming salamat iho" tugon ng mag asawa

"Andres, nagkita na ba kayo ni Karen?" Tanong ni Aling Edna na isa ring magsasaka

" hindi ho. Bakit ho?" Tanong nito

"Ay dumating sila kanina. Kasama ang boypren nito" tugon ng Ginang

"Sinong boypren?" Nagtatakang tanong nito

"Eh di yung mistisong gwapo na dinala niya nung mother's day dito" tugon nito

"Mamaya ho siguro dadaan din naman sila sa bahay" wika ng binata

"Oh siya Andres mauuna na ako sayo ha. Dadalhin ko muna itong tanghalian baka nagugutom na ang aking asawa" anang Ginang

"Sige ho Aling Edna" maikli nitong tugon

Dahil sa nalaman nito mas minabuti nalang niyang pumunta sa sikretong paraiso para hindi mag krus ang kanilang mga landas. Pagdating doon ay nagtanggal ito ng damit at nilislis ang pantalon nito hanggang sa mgatuhod bago umupo sa malaking bato at binabad ang mga paa sa malamig at malinis na tubig.

Sa paraisong iyon ay puno nang nagtataasang mga iba't-ibang klase ng puno kaya hindi basta-basta makikita sa himpapawid ang sikretong paraiso. Nakaramdam ito ng antok kaya humiga na ito sa bato kung saan ito nakaupo at ginawang mga unan ang kanyang mga braso.

"This place is really cool and looks like forbidden place" wika ni Anton

"Hindi naman ito forbidden. Basta ingatan lang ito wag magtatapon ng kalat o magsusunog dito eh okey lang. Bihirang pumunta ang mga tao dito dahil busy sila maghapon sa bukid" ani Karen

"Really?" Tanong nito sabay kindat sa dalaga

"Hoy Anton wag kang ganyan, kakasagot ko palang sayo" aniya

"Rrraaawwrrr" anang binata

"Aaahhh Anton... ha ha ha.. eeeiiii...." tili nito

"Sinong Nandiyan?" Tanong ni Andres

"Hon wait, there's someone out there" ani Anton na tinuro ang baba ng falls

"Karen? Sinasabi ko na nga ba ikaw yan" wika ni Andres

"Anong ginagawa mo dito Andres?" Tanong ng dalaga habang pababa ang mga ito sa falls kung saan nakaupo ang binata "Bakit? Panu mo nalamang ako ang parating?" Tanong nito

"Nagpapahinga lang. Nasa kasarapan ako ng tulog bago kayo dumating. Eh ikaw lang naman ang may ganyang boses" tugon ng kanyang kababata

"Dahil ba maganda ang boses ko?" Nakangiti nitong tanong

"Hindi. Dahil ikaw lang ang nag iisang tao dito sa Hacienda na boses palaka" seryoso nitong tugon

"Ewan ko sayo" bwisit na tugon ng dalaga "Hon, dun tayo banda" pag aaya nito sa nobyo. Inalalayan naman ito ng binata at hindi binitiwan ang kamay ng dalaga hanggang marating ang gusto nilang pwesto.

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon