CHAPTER 27

4 0 1
                                    

"My lady" tawag ni Vlad nang nasa kwarto na si Ana

"Oh Vlad anjan ka pala. Kanina ka pa ba diyan? Bakit hindi ka dumaan sa harap?" tanong ng dalaga

"Ayokong malaman pa ni Ludwig na dinalaw kita para wala ng gulo tsaka magpapaalam lang naman ako" paliwanag ng binata na umupo sa gilid ng kama

"Ha? Sa'n ka pupunta? Babalik ka na ba sa transylvania? Kelan?" Sunud-sunod na tanong ng dalaga

"Magbabakasyon muna ako sa Greece. Tutal, okey ka naman na at nagkabalikan na kayo ng kaibigan ko. I guess i've done my part. " paalam nito

"Hindi ka na ba babalik dito?" Malungkot nitong tanong

"I dont know yet. Baka sa Greece nalang muna ako for a while" tugon ng binata

"Mag ingat ka dun ha. Mami-miss kita" wika ng dalaga

"Mami-miss din kita My Lady sobra-sobra" anang binata

"Kasama mo ba si kuya Anton?" Tanong ng dalaga

"Nope. Just me. So, i have to go" paalam nito

Biglang yumakap ng mahigpit ang dalaga sa huli nang mga sandaling iyon. May pakiramdam itong baka matagal na hindi magpakita ang kanyang kaibigan. Alam din nito ang dahilan kung bakit ito aalis ng bansa at sa ibang lugar ipagpapatuloy ang kanyang bakasyon.

"Tok! Tok! Tok!" Pagkatok sa pinto ni Ludwig "Muffin?" Tawag nito

Sumulyap muna ito sa kaibigan bago dahan-dahang binuksan ang pinto at tumango naman ang binata senyales upang buksan na ang pinto.

"Sinong kausap mo?" Tanong ng kanyang Nobyo at sinilip ang loob ng kwarto upang malaman kung sino ang kasama nito

"Ha? A-Ano... si..." wika ng dalaga na nabubulol dahil sa kaba. Tinignan nito ang lugar kung saan nakaupo si Vlad ngunit wala na ito roon. Ginala nito ang kanyang mata sa kabuuan ng kwarto ngunit wala rin ito.

"Wala namang tao. May kausap ka ba sa phone?" Tanong ng binata matapos galugarin ang kwarto

"Si...si Lotku. nangungumusta lang" tugon nito

"Ahh... i see.. labas tayo?" Pag aaya ng nobyo nito

"Saan tayo pupunta?" Tanong nito

"Nood tayo ng sine or kain nalang tayo somewhere" tugon nito

"Sige. Magbibihis lang ako" tugon nito

Lumabas na ng kwarto ang binata upang makapag bihis na ang dalaga at makaalis na rin sila. Ngunit hindi parin tumatalima ang dalaga. Bagkus, nakatitig parin ito sa lugar kung saan nakaupo si Vlad kanina at umupo rin ito doon. Niyakap rin ng dalaga ang teddy bear na bigay sakanya ng kaibigan niya nung unang punta niya sa transylvania.

"Muffin? Ready ka na ba?" Tanong ng Nobyo

"Ha? Ah eh sandali lang. 5 minutes please" paghingi nito ng palugit

"Okey. Take your time" tugon ng binata

Madaling nagbihis ang dalaga at lumabas agad para hindi mainip ang kasama nito. May mga ilang bagay rin itong napansin sa kanyang Nobyo mula ng magkabalikan sila. Naging sobrang sweet ito, maalalahanin, over protective. Minsan nagseselos parin at mas naging magalang ito sa mga matatanda lalo na sa kanyang Ina na magandang pangitain.

Samantala, nasa NAIA terminal na si Vlad. Mas pinili nitong mag byahe ng normal tulad ng isang tao. Habang nasa salipawpaw ito nakadungaw lang ang binata sa may bintana at si Ana parin ang laman ng kanyang isip.

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon