CHAPTER 31

2 0 0
                                    

Pauwi na sina Ana at Lotku nang hapong iyon at naisipang dumaan ng dalaga sa site kung saan construction worker ang kanyang nobyo.

"Kuya, si Ludwig po?" Tanong ni Ana sa isa sa mga kasamahan ng kanyang nobyo

"Ay si Ludwig? Nasa likod may kausap na babae. Puntahan niyo na lamang." Tugon nito

"Sige kuya. Salamat" wika ng dalaga

Tibok ng kanyang puso'y palakas ng palakas habang papalapit sa sobrang kaba'y napahawak pa ito sa kanyang puso. Nang nasa likod na siya sa bukas na pinto bigla itong pinigilan ni Lotku.

"Shhh!" Utos ng kaibigan na pinigilan ito upang marinig ang pag uusap sa loob

"Wag kang gumawa ng gulo dito. Pwede ba umalis kana lang at wag ka nang bumalik" galit na utos ni Ludwig

"Eh di sana hindi mo ako binuntis para hindi ako nag hahabol. But it's too late" galit ding tugon ng babae

At dahil dun nagkatinginan ang dalawa sa kontrobersiyang kanilang naririnig.

"Kung buntis ka nga, malamang hindi akin yan. You know i was drunk. Kaya hindi ko magagawa ang ganun. Okey na kami ng girlfriend ko kaya please lang wag ka nang manggulo" wika nito

"Hindi ako papayag na lumaki ang batang ito na walang kinikilalang ama" saad nito

"Get lost!" Galit nitong sabi

"Oh, meron palang basura dito akala nalinis na nila ang lugar na to. Babe, may bisita kang bubwit. Este poor bubwit" wika ni Joyce nang lumabas ito

Agad ding lumabas si Ludwig upang malaman kung sino ang sinasabing bisita nito.

"Excuse me? Manghusga ka, manlait, manira ka hahayaan kita. Tanong ko lang, malinis ka ba? Judge me when you're perfect, shut up when you're not. Eh ikaw nga tong habol nang habol sa taong tinapon kana. Diba basura tawag don?" Matapang na saad ng dalaga

Nagulat si Joyce sa tinuran ng kausap. Hindi niya inaasahan na palaban pala ang kanyang binastos. Sa takot ay madali itong umalis ng gusali.

"Oo nga pala Joyce" pahabol ng dilag at lumingon din naman ang kanyang kausap "huwag mong ibuhos lahat ng kagandahan mo diyan sa mukha mo, magtira ka para sa ugali mo. Yaman din lamang at puro ka retoke sana pina retoke mo rin yang ugali mo" wika nito at nilingon naman ang nobyo makaraang umalis ang bisita

"M-muffin" bulalas nito na nabubulol

Ngunit hindi ito kumibo sa binata bagkus tumalikod rin sila ng kaibigan upang umalis.

"Muffin wait! Let me explain" wika ng binata

"Ano nanaman ang sasabihin mong kasinungalingan? Alam mo bang pagod na akong makinig sa mga excuses mo. Sana hindi nalang kita binalikan" wika ng dilag at muling nag lakad

Ngunit hinabol din ito at niyakap upang pigilan sa pag alis. Habang naka tingin lang si Lotku dahil hindi nito alam kung paano tutulungan ang kaibigan. Ngunit natanggal din iyon ng dalaga at agad na nakaalis sa lugar.

"Break na tayo for good" aniya sa nobyo

"Anaaaaa!" Sigaw nito

Ludwig's Flashback
"Oh Shit!" Bulalas nito nang makita kung sino ang katabi nito sa kama. "What have you done Ludwig?!! You're a jerk. Shit!" Patuloy nito sa pagsisi sa sarili

Agad itong bumangon sa kama at nagbihis. Paglabas ng pinto ng binata dahan-dahang dumilat ang nasa kamang si Joyce at ngumisi ito.

"Aaaahhhhhhhh!!!!!!" Sigaw nito nang makarating ito sa isang tulay. "Im a jerk! Im so stupid bakit ako nagpadala sa kanya" wika nito na napaupo sa tulay

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon