CHAPTER 9

12 1 0
                                    

"Good morning po Donya Manuela" bati ni Ana

"Iha, Tita Alma.." ulit ng Donya

"Ay oo nga pala. Sorry po nakalimutan ko. Kain na po kayo ng agahan diyan. Nag iwan na po ako ng pamalengke kay tita Koring pang kain natin ng buong isang linggo. Kung may kailangan pa po kayo eh magsabi lang po kayo kay Tita Koring" bilin ni Ana. Akmang tatayo na sana ngunit biglang hinawakan ng Donya ang kanyang kamay upang pigilan.

"Ana iha, maupo ka muna sandali"
"Bakit po Tita?"

"I just wanna thank you for everything"

"Wala po yon"

"Hayaan mo makakabawi din ako sa kagandahang loob mo iha. Tatanawin ko ng utang na loob ang lahat ng ito"

"Wala po yon. Hindi po ako naniningil. At tulong po yan. Sige po Tita baka ma-late ako sa trabaho. Kain na po kayo" anang dalaga

Tuluyan na ngang lumisan si Ana papuntang trabaho. Nangangamba ito kung paano niya ipagkakasya sa dalawang pamilya ang kakarampot na sweldo. Hindi nito alintana ang bigat at init ng costume ng naturang food chain.

"Uy Ana, baka may kakilala kang pwedeng tumao sa tindahan pagka gabi?" Tanong ni Kulot

Si Kulot ay baklang kasamahan ni Ana sa food chain. Palabiro, malambing at mabait ito. Si Ana at Karen ang tinuturing niyang bestfriend.

"Ako nalang" pag pi-prisinta nito sa sarili

"Kaya mo pa ba?"

"Kung pwede after ng shift ko?"

"Pwedeng-pwede! Kailangan kasi ng Inay ng makakatulong lalo na sa gabi. 6-11pm lang naman eh"

"Yes! Dagdag kita din yon. Salamat Lotku ha" ani Ana

Dahil nagtitipid ito, naglalakad nalang ang mga ito. Ehersisyo at bonding na ng dalawa ang paglalakad. Walang pasok si Karen ng araw na iyon. Lahat ng paraan ay gagawin ni Ana, bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihan ng Donya sa kanyang pamilya.

Pag dating sa bording house, dumiretso agad ito sa kwarto. nakatulog din agad ito dahil sa sobrang pagod. Hindi alintana ang gutom na kanina pa nararamdaman.

"Son, napansin mo na ba kung nakauwi na si Ana?" Tanong ng Donya

"No Mom" tugon ng binata

Agad sinilip ng Donya ang kwarto ni Ana. Nakita nito na himbing ng natutulog ang dalaga, napansin din nito na hindi na nakapag palit ng damit ang dalaga. "Marahil ay sobrang pagod na ito" bulalas ng Donya.

"Son, maghahanap ako ng work tomorrow" anang Donya

"Why Ma?" Tanong ng binata

"Maliit lang ang sahod ni Ana. May pamilya rin siyang tinutulungan. Hindi naman siya college graduate para makahanap ng magandang trabaho na malaki ang sweldo"

"Hindi naman siya nagpapabayad diba?"

"Hindi nga. But, what im trying to say is that hindi tayo pwedeng umasa sa kanya lagi. Sana matuto kang makipag kapwa-tao. Baka dumating ang araw na mawala ako, paano ka mabubuhay? Baka walang tumulong sayo dahil sa ugali mo"

Kinabukasan, maagang gumising ang Donya para magluto ng kanilang agahan.

"Good morning iha" bati ng Donya

"Good morning din po Tita. Ako na po diyan" tugon ni Ana

"Hindi na iha. Maligo ka na muna habang nagluluto ako"

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon