CHAPTER 20

13 1 0
                                    

" Muffins, im Sorry okey? please forgive me 😭😢😞 :'(" nakasulat sa card nang damputin nito ang bulaklak

Nilagay nito ang bulaklak sa vase sa kanyang lamesa.

" Goodmorning Muffin, breakfast is ready" bati ng binata

" Ano to?" Nagtatakang tanong ng dalaga

" im sorry bout yesterday okey. Nabigla lang ako. I admit, nahihiya ako sayo dahil nakita mo ang trabaho ko" wika ng binata

" kahit na ano pa ang trabaho mo, basta marangal ito wala ka dapat ikahiya. Tsaka, hindi ako magsasawa na gamutin yang mga sugat sa kamay mo tuwing gabi" bulalas nito sa Nobyo

" peace?" Nagpapa-cute nitong tanong

" Oo na. Bati na tayo. Basta wag mo na ulit uulitin yon ha" Ani Ana

" Promise. I love you Muffin" wika ng binata at niyakap ang nobya

" i love you too"

Kinabukasan maagang umalis ang magkasintahan upang mamasyal, bawi ito ng Nobyo dahil sa kanilang tampuhan nang nagdaang gabi.

" Saan tayo pupunta?" Tanong ni Ana

" Surprise. Just wait" tugon ng Nobyo nito

" Sige na nga" saad ni Ana.

Inakbayan ito ng Nobyo at hinagkan sa noo dahilan upang mapanatag ang loob ng dalaga sa pagtulog. Nasa kasarapan ito ng pagtulog nang bigla itong magising.

" Why? What happen Muffins?" Gulat na tanong ng Nobyo

" W-wala. Nagulat lang ako. Minsan ganun ako pag mababaw ang tulog parang nahuhulog sa bangin" tugon nito

Ngunit iba ang nasa isip niya. " Ang amoy na yon naaamoy ko nanaman. Pero hindi ko matandaan kung sino o saan ko ito naamoy. Hindi ko alam kung bakit apektado ako sa amoy na yon at kinakabahan ako. Ano ba yong sensasyong iyon" bulalas ng kanyang isip

" Wake up Muffins" wika ng binata

" Andito na ba tayo?" tanong ni Ana

" Almost. Let's go" tugon ng Nobyo nito

Pagbaba nila ng bus sumakay sila ng tricycle papasok ng isang resort.

"Wow! Ang ganda ng beach" wika ni Ana na puno ng saya ang mga mata

"Best!" Sigaw ni Karen

" Karen? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ana

" Wala naman. Hahaha" tugon nito

" Bro! Atlast." bati ni Clyde

" hey bro" bati rin ni Ludwig sa mga kaibigan

" Hi Ana. Ludwig" bati ni Chloe

" Hi Chloe." Bati rin ng dalawa at nakipag beso-beso pa " Ay teka nga, kelan pa kayo nandito? at anong meron?" Muling tanong ni Ana

" Kaninang madaling araw kami nag byahe, tinawagan kami kagabi ni Ludwig bout what happen sa inyo and i said mag beach tayo. tinawagan ko si Karen and sinundo namin siya" Kwento ni Chloe

"Alam mo naman yang jowa mo, beach ang panuhol sayo pag nagkakasala siya" Wika ni Karen

" Nasaan nga pala si Vlad?" Tanong ni Ludwig

" He's must be somewhere out there. Alone" tugon ni Clyde

"Let's go sa room niyo. Ibaba niyo muna ang mga gamit and let's eat merienda." Pag aaya ni Chloe

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon