CHAPTER 17

13 1 0
                                    

KINAGABIHAN.
♪ohh yeah....
Binibini sa aking pagtulog
Ika'y panaginip ko
Panaginip ng kathang dakila
Nitong pag iisip ko
Ang katulad mo raw ay birhen
Sa abang altar ng punong pag ibig
O kay ganda
O kay gandang mag-alay sayo"♪♪ pagkanta ni Ludwig sa saliw ng tugtuging Binibini

"Sis, naririnig mo ba yun? May kumakanta. Tara silipin natin sa bintana" wika ni Karen

"ikaw nalang Sis. Malamang yong mga nag iinuman diyan sa kabila yang kumakanta" tugon ng Dalaga

Sinilip ni Karen kung sino ang kumakantang iyon.

"Sssiiiissss!!!! Dali halika dito" tili ni Karen na hinila ang dalaga

Nagulat si Ana sa nakita. Si Ludwig ang kumakanta sa kanya. May hawak itong isang bugkos ng puting rosas. Sa likuran ng binata'y naroon din si Vlad at ang kambal na si Chloe at Clyde.

Si Vlad ang nag gi-gitara at silang tatlo rin ang back up singers ni Ludwig. Napangiti narin si Ana dahil mukhang Sinsero ang binata.

"Eeeiiii.... Sis, akin nalang si Sir Vlad. Ang gwapo talaga niya. Kelan kaya may manghaharana sakin?" kinikilig na wika ng kaibigan

"tumigil ka nga diyan Sis, baka may makarinig sayo" ani Ana

"ang swerte mo naman Sis" ani Karen

Pinanuod nila hanggang matapos ang pagkanta ng mga nasa baba. Sa gilid, naroon rin si Tope. May hawak itong karatula na may nakasulat na SORRY.

Sa kabilang bintana, nakasilip rin ang ina ng binata na si Donya Manuela at kanilang landlady na si Tita Koring. Nag apir ang dalawa dahil nagbago na ang kanyang anak. Unti-unti na itong nagiging mabuting tao.

"Ana, i just want to say sorry. Alam ko lagi kitang nasasaktan. I know sukdulan ang galit mo sakin. But, i want you to know that--- i--- i--- i like you. I really like you and i love you. Mahal kita Ana, at handa akong maghintay hanggang sa magbukas ang puso mo para sakin. Hindi ako mangangako ng kahit ano, pero gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. Im Sorry. Please forgive me" wika ni Ludwig na nakaluhod

"umakyat na nga kayong lahat dito" ani Ana

"Hiii!!!" tili ni Chloe sa dalawa

"hello Chloe" wika ng dalawa at nakipag beso-beso pa ang mga ito

"kelan pa kayo bumalik dito?" tanong ni Ana

"Kanina lang. I want to thank you Ana, because of you nagiging mabuting tao na yong dragon" wika ni Chloe

"Hi Ana, Karen" bati ng Clyde

" Hello po Sir Clyde" tugon ng dalawa

"Don't call me Sir. Just Clyde. Tumatanda ako masyado eh" wika nito

"sige. Maupo muna kayo" ani Ana

"teka, nag hapunan naba kayo?" tanong ni Ana

"Not yet. Im really hungry." ani Clyde

" maghahain muna ako. Karen, ikaw nang bahala sa kanila" wika ni Ana

"sige Sis" tugon nito

Pumunta ito sa kusina upang mag ayos ng hapag.

" Ana, thank you for giving me another chance to prove my love" ani Ludwig na sumunod sa dalaga sa kusina

" basta wag mo nang uulitin yon ha" saad ng dalaga

" yes. I promise. I love you" anang binata

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon