" im happy for you Son" wika ng Donya nang makita nito ang binata na nagaaral mag luto at kumakanta pa
" Thank you Mom" tugon ng binata na niyakap pa ang Donya
" iba talaga ang nagagawa pag inlove" pangaasar ng Donya
" Mom naman" wika ng binata
" good morning muffin" bati ng binata sa kanyang kasintahang si Ana ng lumabas na ito nang umagang iyon
" Good morning din. Muffin talaga? " tanong ng dalaga
" bakit, ayaw mo ba?" Tanong nito sa dalaga
" Hindi naman. Bakit nga ba muffin?" tanong nito
" it's sweet just like you" anang binata
" Sus, ang aga-aga nilalanggam na agad ang bahay. Utang na loob tigil tigilan niyo na yan" pang aasar ni Karen
" Inggit kalang. Kasi wala ka na ngang date nung Christmas, wala ka pang date sa Valentines." Pang- aasar din ng binata kay Karen
" ay, grabe siya oh!!! Wagas!!! Eh di kayo na." tugon nito at nag tawanan ang mga ito.
"Wag ka ng mainggit iha, darating din ang para sa'yo" anang Donya kay Karen
"Buti kapa Tita, naniniwala na may darating para sakin" tugon ni Karen
"Ikaw pa, marahil ay hindi pa panahon na makilala mo ang para sayo. Ngunit pag dating ng tamang panahon at pagkakataon makikilala mo rin siya. Oh baka naman nakilala mo na siya hindi mo lang napapansin dahil busy kang nakatingala para tumingin sa iba. Lingon-lingon din sa tabi-tabi, hindi laging sa malayo ang tingin" anang Donya
"Sabi sayo Karen eh, kayo ni Andres ang magkakatuluyan" pang-aasar ni Ana
"Tumigil ka nga diyan. Purkit may lovelife kana at masaya kana. hmp" ani Karen
" Oh siya, tara na Karen at baka ma-late tayo" pag-aaya ni Ana kay Karen
"Mas mabuti pa nga" tugon ng kaibigan
"Tita, Lud, mauuna na po kami" paalam ng dalawa
"Mag ingat kayo mga Anak" saad ng Donya
" Sige Muffin mag ingat kayo. Hindi pa kasi tapos niluluto ko. Mamaya susunduin ko kayo, hintayin niyo ako ah" ani Ludwig
"Sige" tugon ng dalaga
" I love you Muffin" sabi ng binata
" i love you too" tugon ng dalaga at hinagkan ito ng binata sa pisngi
Makalipas ang ilang oras biglang sumulpot ang binata sa store kung saan nagta-trabaho ang nobya nito para dalhan ng tanghalian.
" anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Ana
" i brought you and Karen some food for your lunch" tugon ng binata
" nag abala ka pa. Pero salamat dito ha" saad ng dalaga
" ill go ahead Muffin. I love you" anang binata at mabilis na naglakad palayo
" aysus! Anong kalandian ang dumapo sa inyo?" tanong ni Lotku
" ayan, lumandi ang lola mo mula ng naging item yang dalawang yan. Ang aga-aga ang dami ng langgam sa bahay" wika ni Karen
" pagbigyan niyo na ako. Minsan lang naman ito eh" ani Ana na kinikilig
