Linggo ng umaga magkasamang nagsimba sa quiapo church ang magkaibigan, hindi nito kasama ang nobyo dahil may pasok ito. Paglabas nila ng simbahan dumiretso ang magkaibigan sa isang convenient store para doon na mag agahan. Hindi nila pansin ang babaeng medyo may edad na, na kanina pa sila pinagmamasdan.
"Sis, ang galing ng homily ng pari no?" Ani Ana
" Oo nga sis. Nakakabusog ng puso. Pero hindi habangbuhay kaya ng tao umunawa, madalas napupuno din ang tao. Tsaka mahirap nang tumulong ngayon, kasi hindi mo alam kung nagsasabi siya ng totoo" wika ng kaibigan
" Sabagay, pero ang problema ko ngayon sis, gutom na ako. Kain na muna tayo" ani Ana at natawa silang pareho
Pauwi na ang mga ito matapos mag agahan nang biglang harangin ito ng isang babaeng kanina pa nakatitig sa mga ito.
" iha, sandali lang" tawag ng babae
" bakit ho?" Tanong ni Ana
" pasensiya na Miss, hindi naman ako masamang tao eh
Kaya lang hindi ako mapakali, mag ingat ka sa pinasok mong relation dahil hindi ito magiging madali. Marami kayong pagdadaanang pagsubok, at marami kang matutuklasang mga lihim. Piliin mo ang sinasabi ng puso mo. Wag ka sanang matakot sa isang nagpapanggap na kaibigan dahil nagmamahal rin ito sayo ng tapat, pero nirerespeto kalang niya at ang relation mo. sige, aalis na ako" wika ng babae" teka ale, ale, ale?" Tawag ni Ana ngunit nawala narin sa kanyang paningin ang babae
" ano kaya yun?" nagtatakang tanong ni Karen sa kaibigan
" ewan ko" tugon ng dalaga " pero Sis, nakakatakot mga sinabi niya ah. Kung totoo man yon"
" naku sis, baka adik lang yon o baliw. Wag mo na pansinin yon" saad ng kaibigan
" Muffin?!" Tawag ng binata
" Oh Muffin, bakit? May sinasabi ka ba?" Gulat na tanong ng dalaga
" kanina pa ako nagsasalita hindi ka naman pala nakikinig. Ano bang iniisip mo?" Tanong ng Nobyo
" ah, wala" tugon ng dalaga
Binitawan nito ang kamay ng dalaga at tumayo, saka ito nag lakad paalis.
" Muffin, saan ka pupunta?" Tanong ng dalaga ngunit hindi ito kumibo o lumingon man lamang.
" ang agang tampuhan ah" biro ni Kiko
" ikaw pala pare" ani Ludwig
" wag kayong magsalubong ng init ng ulo, tama narin na magpalamig muna kayo. Alam mo ba, mas masarap pag nag aaway kayo paminsan-minsan para may lambingan pagkatapos ng tampuhan" ani Kiko
" Muffin" tawag ng dalaga " Sorry sa nangyari kanina. May lumapit kasing babae kanina samen ni Karen tapos sabi niya marami daw tayong pagdadaanan" pagtuloy nito sa kwento
" Sorry din Muffin. But next time i want you to tell me everything, no secrets." Ani Ludwig
" Ok. I love you" wika ng dalaga
" I love you so much Muffin, that's why im just protective"
" alam ko"
Niyakap ito ng kanyang Nobyo para ma-relax ang kanyang isip pansamantala.
" Mom, Muffin get dress now" utos ng binata
" Saan tayo pupunta?" Tanong ng Nobya
" Got my first Salary. I already paid our rent including your rent Muffin. And now, i'll treat you lunch outside" Anang Binata
" Wow! That's good news Son" masayang wika ng Donya
"Hindi mo na dapat binayaran yung renta ko. Kaya ko naman bayaran renta natin eh. Tsaka kargo ko kayo dito" ani Ana
" I know Muffin, i know. look at me now, ive change. And that's because of you. You teach me to be a responsible and better person and i want to thank you everyday. That's why i want to treat my family today. Don't worry Muffin, i still have money" wika ng binata
" ikaw ang bahala" tugon ng Nobya
" hatid ko na kayo" prisinta ng binata
" okey sige. mag ingat ka sa trabaho mo ah" tugon ng Nobya nito
" Oo naman. Ako pa ba?" Wika nito
"Tara guys" pag aaya ni Karen
Kinahapunan, maagang umalis si Karen sa trabaho, dumiretso pa ito sa padalahan ng pera. Kaya naisip ni Ana na dalhan ng mirienda ang Nobyo sa site.
"Hi" bati ni Ana
"What are you doing here!?" Gulat na tanong nito
"Dinalhan lang kita ng mirienda" wika ni Ana
Hinila nito ang Nobya palabas ng building kung saan ito karpintero.
" Matagal mo na bang alam kung saan ako nagta-trabaho?" Galit na tanong ng binata
"O-oo. last week pa. Kumain kami ni Karen sa tapat diyan , at nakita ka namin dito" kwento ni Ana na sobrang kabado
" Ba't hindi mo sinabi sa akin? Sino mga pinagsabihan niyo?" Galit na tanong nito
"W-wala. Wala kaming pinagsabihan. Sinabi ko kay Karen na wag sasabihin sa iba. Kasi alam kong hindi kapa handa magsabi" patuloy na sabi ni Ana
"Ginawa mo akong tanga." Anang binata
"Im sorry. Hindi naman yon ang intensiyon ko eh" saad ni Ana
"Go. Just go" ani Ludwig
Mangiyak ngiyak na umalis ang dalaga. Sa isang simbahan ito dumiretso, lumuhod at taimtim na nagdasal.
" Panginoon,
Kailangan kita ngayon, at kailangan kita araw-araw. Gabayan niyo po sana ako at mga desisyon ko. Alam ko po lagi kang nandiyan na nakikinig sa mga hinaing namin. nakakaramdam na po ako ng kapaguran sa maraming bagay. Bigyan niyo po ako ng lakas upang malampasan ang lahat ng ito, amen." Dasal ni Anaumupo ito at napansin ang isang papel. dinampon nito at binasa ang nakasulat.
"God has a purpose for your pain, a reason for your struggle, and a gift for your faithfulneds. Keep the faith. Trust in God." Sabi sa sulat.
Lumingun-lingon ito sa paligid upang tignan kung sino ang naglagay o nakaiwan nito. Alam niyang wala ito nang maupo siya sa upuang iyon.
" isang pahiwatig ba ito ng milagro?" Bulalas ng kanyang isip
Pag dating ng bahay ay hindi ito kinakausap o pinapansin ng kanyang Nobyo. Hinayaan nalang muna niya ito. Iniintidi nalang nito muli ang binata, kung hanggang kailan? Yon ay hindi nito matiyak.
"Knock! Knock! Knock!"
" Sandali lang" tugon ni Karen at agad binuksan ang pinto " kayo po pala Tita Alma (alyas ni Doña Manuela) bakit po?" Tanong nito sa Ginang
" Hapunan na. Halina kayo,gisingin mo na si Ana" pag aaya ng Ginang
" Sige ho. Siya nga po pala, si Ana hindi na po maghahapunan. pagod po eh. Ayaw magpa istorbo" tugon nito
" O siya sige, sumunod kana sa kusina" wika ng Doña
"Sige po" tugon ni Karen
A/N: May Darating mula sa malayo. Alamin sa susunod na mga Chapter :)