"Hatid na kita" pag piprisinta ni Ludwig
"Wala ka bang trabaho?" Tanong nito
"Meron. Dont worry, hindi ako male-late" tugon ng binata
"Anong meron? Anong nakain mo?" Pangungulit ng dalaga
"Nothing. Let me help you with your things" anang binata
"Wag na. Magaling na ako. Fully recovered na ako. Tsaka baka singilin mo pa ako"
"Look, dont make a scene okey? I just wanna help and im trying to be nice to you. Fine, if you dont want me to help you then bye" padabog na sabi ng binata
"Hoy! Ito naman! Joke lang. Sige na hatid mo na ako" ani Ana na hinabol ang nag walk-out na binata
"Wala ng bawian?" Seryosong tanong ng binata na tumaas ang isang kilay
"Yup. Pero wag mo nang buhatin yung bag ko. Nakakahiya kasi amo kita" seryosong sabi ni Ana
"Ana, from the bottom of my heart, im really really sorry for all the things i've done wrong. I know i've said it before but now, im really sincere" paghingi ng tawad ni Ludwig
"So hindi ka sincere dati?" Seryosong tanong ni Ana
"No, i mean im sincere before. But im more sincere right now because the situation showed me the real meaning of life." tugon ng binata
"Sige na pinapatawad na kita. Sana tuluy-tuloy na ang pagbabago mo. Ang Ludwig na mabait, marunong makisama, maalaga, mapagmahal sa magulang, may respeto sa lahat, may takot sa diyos, mapagpakumbaba." Ani Ana
"Thank you for believin' in me. Thank you for accepting my apology and another chance to prove my self" anang binata
"So, dito na ako. Salamat sa paghatid. Mag ingat ka sa pag pasok" paalam ng dalaga
"What time out mo later?" Tanong ng binata
"5 out ko dito. Tapos 6-11pm kila Lotku" tugon ng dalaga
"May work na ako. You don't have to go to work overtime. I can pay bills and rent soon. So you can cut down some of your jobs" anang binata
"Okey lang. Kaya ko. Wag mo na akong problemahin dahil noon pa man puro trabaho na ako para sa pamilya ko at kinabukasan namin. Pwede mamaya na tayo mag kwentuhan baka ma-late pa tayo. Bye. Ingat ka" ani Ana
"okey. Take care too" tugon ng binata
"Wow naman ang pogi nang naghatid sayo. Nakaka good vibes ng araw" ani Lotku
"Ewan ko nga dun. Nag iba ihip ng hangin" tugon ni Ana
"Best, ito oh" ani Lotku na may iniabot na sobre
"Ano to?" Tanong ng dalaga
"Nung may sakit ka, yung duty mo siya ang nag du-duty. Binibigay ko nga to sa kanya pero ayaw niyang tanggapin. Ang sabi niya idagdag ko nalang daw sa sweldo mo. May lihim palang ka-sweetan yung dati mong amo" ani Lotku
"Kaya pala bigla nalang nawawala yun" sagot ni Ana
"Hindi pa ba ulit babalik dito si Karen? " tanong ni Lotku
"Hindi ko lang alam. Alam mo naman nangyari sa hacienda. kaya umuwi siya ulit doon. Nami-miss ko na nga yun kakulitan niya eh" tugon ng dalaga