"Muffin" tawag nito
"Yes?" Tanong ng dalaga
"I love you" tugon nito
"I love you too" tugon din ng dalaga "anong gusto mong mirienda mamaya?" Tanong nito
"Gusto ko sana ng carbonara" tugon ng binata
"Sige bibili muna ako sa grocery ng mga ingridients" paalam nito sa nobyo
"Teka sasama nalang ako. Baka kung mapano ka pa" saad niya
"Sige ikaw ang bahala" wika nito
"Uhm, Muffin ilang buwan nalang pala birthday mo na. May plano ka na ba?" Tanong nito sa nobyo
"Eh sa totoo lang wala pa. Kung magkano man ang budget na meron ako yun nalang ang pagsaluhan natin kahit magpa pancit nalang ako" tugon naman nito "bakit mo naman natanong?" Bigla nitong tanong
"Wala naman. May gusto ka ba na kahit ano?" Aniya
"Ang makasama lang kayo ni Mom sa birthday ko sapat na sakin yun" saad naman nito
Pagdating nila ng bahay agad itong nagluto ng mirienda na ni-request ng kanyang sinisinta. Habang ito'y nagluluto siya namang punas ng binata maya't-maya ng bimpo sa mukha ng dilag dahil sa patuloy na pag buo ng mga butil ng pawis nito.
Naging sobrang maalaga ito sa dalaga dahilan para muli itong pagkatiwalaan. Maging sa trabaho'y nagsipag din ang binata para sa inaasam na magandang bukas.
"Son?" Tawag ng Doña
"Yes Mom" tugon nito
"Im sorry for everything. I messed up. You stopped college. You need to work for us to live." Wika ng Doña na lubos ang lungkot
"It's okey. Actually, thank you so much because i saw the real world. I learned so much in our new journey. I really like it. New family, new friends, new neighborhood, new love" tugon ng binata
"Im so proud of you Son."
"Thank you Mom. You're the best mom in the world." tugon nito at hinagkan nito sa noo ang Doña
"Andres!" Tawag ni Karen
"Oh Karen andito ka pala? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito
"Sinadya talaga kitang puntahan dito" tugon ng dalaga
"Bakit? Nasan yung mayaman mong boypren?" Muli nitong tanong
Panandalian itong natahimik. "Break na kami" tugon ng dalaga
"Bakit?"
"Nakipaghiwalay na ako sakanya" seryoso nitong paglalahad
"Ha? Bakit?!" Gulat nitong tanong na umahon mula sa falls
"Nung una masaya ako kasi nakabingwit ako ng mayamang gwapo na may lahi. Pero nung nagtagal na realize ko hindi pala siya ang mahal ko" wika ng dalaga na nagke-kwento
"Kung hindi siya ang mahal mo, eh sino?" Tanong nito
"Ikaw" pagsasabi nito ng totoo
"Ako? Ako ang mahal mo?!" Gulat nitong tanong
"Oo ikaw. Noon pa pala kita mahal. Hindi ko lang napapansin dahil lagi tayong nag babangayan" patuloy nito sa pagkwento
"Yes!!!! Ako ang mahal niya!!!! I love you Kareeeennnnn" sigaw nito