CHAPTER 22

11 1 0
                                    

Nag umpisa ng mag sukat ng gown at suit ang lahat para sa grand ball. Ginagawa ito pag nasa tamang edad na ang panganay na anak ng hari o ang susunod na magiging hari. Kailangang hanapan ito ng prinsesang mapapangasawa nito kung wala pa itong kasintahan.

"Princess Ana, may pinabibigay po ang young prince" ani yaya Choleng

Ibinigay nito ang isang bugkos ng mamahaling mga bulaklak at isang maliit na box at agad binasa ang nakasulat.

" It's perfect for you please wear this" sabi sa sulat

Nang buksan nito ang maliit na box na iyon ay tumambad sa kanya ang isang maliit at kumikinang-kinang na hikaw. Batid ng dalaga'y tunay itong dyamante hikaw.

"Yaya Choleng, wag niyo na po akong tawaging princess eh hindi naman po ako mayaman at lalong hindi po ako tulad nila" ani Ana

"Hindi maaari ang nais mo anak sapagkat kaibigan ka ng isang prinsipe at hindi lang basta prinsipe, anak at apo ng pinaka makapangyarihang hari sa buong transylvania" anang Ginang

"Tulad kana rin ba nila?" Tanong ng dalaga

"Akina anak. Ako nang maglalagay sa iyo ng mga hikaw na iyan." Ani nito at kinuha ang mga hikaw na iyon upang ilagay sa tenga ng dalaga " hindi Anak. Kasi gusto ko ring makasama ang aking asawang matagal ng namayapa ni hindi man lang kami nagkaroon ng supling" dugtong nito

"Totototoottotoooottt" tunog ng trumpeta. Senyales na mag uumpisa na ang salu-salo

"Oh magsisimula na ang ball. Tumayo kana at naghihintay na sa labas ang iyong eskorte" ani yaya Choleng

"Salamat po" tugon ni Ana at niyakap pa ang huli

"Youre so beautiful and the earing fits you" ani Vlad na tinitigan ang dalaga mula ulo hanggang paa na nakasuot ng isang mahabang itim na gown na may may mga nakaburdang hiyas.

"Let's welcome the king Roland, the Queen Samara, the prince eric, the young prince Vlad and her special friend Ana, and the eldest prince Anton" pakilala ng tagapag salita ng mga iyon

"Thank you all for coming to our grand ball. So what are we waiting for? Let's start" wika ng hari

"from the sand Castle, the only daughter of King Arthur and the late Queen Eli. Princess Olah" pakilala ng tagapag salita. Lumapit ang napaka gandang dalaga at nagbigay pugay sa pamilya.

"from the Rain Castle Eldest daughter of King Sol and Queen Lara. Princess Lupita" tulad ng una nagbigay pugay din ito

"From the Snow Castle youngest daughter of King Doug and Queen Daniella, princess Cielo"

Mahigit sampo na ang napakilala sa pamilya, ngunit wala parin itong nakitang bibighani sa puso ng panganay na prinsipe.

"May i have this dance my lady?" Tanong ni Vlad

"Oo naman young prince" tugon ni Ana

Ang lahat ay nagsipag sayaw narin, isa-isang isinayaw ni Prince Anton ang mga dugong bughaw na mga babaeng pagpipilian niya.

"May i have this dance too?" tanong ng hari

"It's my pleasure" tugon ni Ana. Masayang iniabot ng young prince ang kamay ng dalaga sa hari. Pati si Prince Eric at prince Anton ay isinayaw rin ang dalaga.

Hanggang sa natapos ang gabi walang napusuan ang panganay na prinsipe. Kaya nagpaalam ito sa kanyang ama na gusto nitong sumama sa bunsong prinsipe sa pagbalik ng pilipinas. Pumawag naman ang hari at reyna para narin lumawak ang pagunawa nito sa iba't-ibang klase ng tao.

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon