CHAPTER 3

24 2 0
                                    

Biglang napabalikwas si Ana...

"Aahhh... panaginip lang pala... uh.. uh.. uh...teka, panaginip lang ba talaga yon? Oh Julio" hingal na sabi ni Ana na hinawakan ang ulo

"Aba Ana ano pa't nakatunganga kapa riyan? Madali ka't tanghali na.. bangon na at darating na ang senyorito ludwig at mga kaibigan niya" Saad ni Aling Merla na kanyang Ina

"Ay oo nga pala! Ngayon ang dating ng senyorito" nagmamadaling tumayo at halos magkanda tisud-tisod ito

"Bilisan mong maligo at mauna na kayo sa mansion" utos ng kanyang Ina

"Uhm nay, gising na po ba si--- Julio?" Alanganing tanong ni Ana

"Sinong Julio? Aba nananaginip kapa ata? " tugon ni Aling Merla

Natapos din ang paglilinis ng mansion. Tamang-tama lang sa pagdating ng mga bisita. Maya-maya pa'y pababa na ang helicopter..

"Welcome home iho. I miss you anak" bati ni Donya Manuela

"Hello mama. I miss you too" tugon ng binata at niyakap ang donya

"Kumusta sa Transylvania?" tanong ng Donya

"Ganoon pa din Mama. Old but beautiful" tugon nito

"Welcome home senyorito and friends" bati ng mga tagapagsilbi

"Thank you" tugon ng mga bisita

"Hello tita" bati ng mga bisita

"Hello. Enjoy your stay boys and young lady" ani ng donya

"We will tita" tugon ni clyde

"Mabuti naman at naisama mo ang kakambal mong si Chloe" anang Donya

"Oo nga po tita eh" tugon niya

"Wala din naman po akong gagawin sa bahay. Kaya sumama nalang po ako para maiba naman po ang vibes" sabat ni Chloe

"Mabuti naman iha. Ito nga pala si Ana at Karen. Sila ang tutulong sa mga pangangailangan mo. Mababait at makakasundo mo ang mga yan" pagpapakilala ng Donya

"Ana, Karen this is Chloe, Clyde.and Vlad" patuloy ng Donya

"Hi mam Chloe" bati ni Karen

"Hello mam Chloe. Kami po ang magiging personal julalay niyo. Just call our name and we'll be there" saad ni Ana

"Your funny. Mukhang magkakasundo tayong tatlo. Wag niyo na akong tawaging mam. Just Chloe. Hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin" tugon ni Chloe

"Let's go. This way" pag aaya ng Donya

Habang naglalakad sila di sinasadyang nagtama ang mga mata nina Ana at Vlad. Tahimik lang ito ngunit misteryoso. Napansin ni Ana na may suot itong sing-sing na ginto at may malaking itim na bato sa gitna na lagi nitong hinahawakan. Gusto laging mapag isa.

KINABUKASAN alas singko palang ng umaga nagsimula na silang mag jogging. ngunit hindi si Vlad. Naka suot ito ng maong at polo. Nakaupo ito sa rooftop ng mansion. May hawak na dahon na kanyang ginagamit upang makalikha ng isang magandang musiko.

Ginagamit niya na para bagang isang flute. Musika na kay gandang pakinggan at para kang idinuduyan sa hangin.

"Patpat gawa ka nga ng kape namin" angas na utos ni Ludwig

Patpat ang tawag ni Ludwig kay Ana. Short for patpatin.

"Opo senyorito" Tugon ni Ana at payukong naglakad

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon