"Si Chloe?" Tanong ni Ana kay Karen
"Ayun tulog pa.. mamayang tanghali pa gising nun. Pare-pareho silang puyat eh.. umaga na sila nagsipag tulog" sagot nito habang nagpupunas ng plato
"Kaya naman pala"
"Kumain muna kayo bago kayo magtrabaho" ani Donya Manuela
"Ay good morning po" bati ng dalawa
"Good morning din. Aalis muna ako. Kayo ng bahala dito sa mansion at sa mga bisita ha" ani ng Donya
"Opo Donya Manuela" tugon ng dalawa
"Sa tingin mo Ana ano kaya yung nandun sa falls? bakit Biglang lumakas ang hangin?" Tanong ni Karen habang nagpupunas ng mga muebles
"Hindi ko rin alam eh. Nagkataon lang siguro yun"
"Hindi kaya may engkanto dun?"
"Engkanto talaga?"
"Can i have---"
"Ay kabayo ka!" Gulat na sabi ni Ana
"ilang beses ko bang sasabihin sayo, hindi nga ako kabayo! Napaka magugulatin mo naman" ani Vlad
"Sorry po Sir. Kasi bigla-bigla kayong sumusulpot. Para kayong multo" tugon ni Ana
"Ayan nanaman yang Sir na yan ah. Tsaka mukha ba akong multo?" seryosong sabi ni Vlad
"Gwapong multo" sabad ni Karen
"Ay sorry.. coffee??" alok ni Ana
"Yes please" tugon nito
"Sandali lang" ani Ana at agad na tumalima
"Ano pong gusto niyong lunch sir?" Pa-cute na tanong ni Karen
"Ano bang meron?" Tanong ni Vlad
"Ito na coffee mo" sabi ni Ana at binigay ang isang tasa ng kape
"Thank you" pasasalamat niya
"Your welcome" nakangiting tugon ni Ana
"I think i want beef steak" tugon nito
"Raw? Half cook? Done? O well-done?" Tanong ni Karen
"Blue" tugon nito
Napakamot ng ulo si Karen dahil inakala niyang nagbibiro si Vlad.
Kaya hindi na ito umimik."Cooked very quickly. The outside is seared, but the inside is usually cool and barely cooked" ani Vlad
"Ha?" Takang sabi ni Karen
"Iluluto mo lang yung magkabilaan nang mabilis. After that, ok na" paliwanag ni Vlad
"Yun ba ibig sabihin ng blue?" Tanong nito
"Yeah" tugon ni Vlad
Sakto na naubos ang kape ni Vlad kaya tumayo narin ito at iniwan ang dalawang naglilinis.
"May dala akong miryenda" ani Andres na may bitbit na plastik
"Andres!" Masayang sabi ni Ana. Patakbong pinuntahan nito ang kababata at niyakap
"Ano yan?" Tanong ni Ana
"Ang paborito ng mahal ko. Pansit. Luto ni Mamang" tugon nito
"Paki sabi kay Mamang salamat" ani Ana
"Tapos na ba ang trabaho at nag chichismisan kayo?" Galit na tono ni Ludwig