CHAPTER 11

11 1 0
                                    

"Brad!" Tawag ni Kiko ng hapong iyon

"Hey guys" ani Ludwig

"Musta ang trabaho? Mukhang pagod ka ah?" Tanong nito

"Really hard. Pero kakayanin. Sabi nga ni Jhong Hilario para sa ekonomiya" anang binata

"Mabuti naman. Kumusta diyan sa taas? Si bunso okey na ba?"

"Si Ana? Okey na. Konting pahinga pa. Sa susunod na araw magaling na siya"

"Mga brad, basketball tayo" pag aaya ni bogart

"Sige pare. Tara Luds" ani Kiko

"Sure!" Tugon ng binata

Nag laro ang mga ito ng basketball. Isa sa pangarap ni Ludwig ang maging NBA player dahil narin sa tangkad nito. Varsity player ito nung nasa high school. Ngunit nung nasa kolehiyo na ay nag iba narin ang mga prayoridad nito.

Business management ang kursong kinukuha ng mga ito kasama sina Vlad at kambal na Chloe at Clyde.

Bago mag simula ang laban, nagbigay ng pusta ang mga ito. Para mas ganahan at mag enjoy ang mga manlalaro.

Maraming tao ang dumayo dahil magkaibang barangay ang magkalaban. barangay Dimahahanap vs. Barangay hilonalahat. Sila Kiko ang pambato ng kanilang barangay na Hilonalahat.

"Let the games begin!" Sigaw ng referee

"Prrrttt" ang pitong iyon ang hudyat na magsisimula na ang laban.

Sa pag hagis ng referee ng bola sa ere ay agad tumalon ang dalawang manlalaro. Si Ludwig ang naka tapik sa bola at nakuha ni Kiko. Palitan ang score ng magkabilang kuponan. Sa huling segundo pinasa ni bogart ang bola kay kiko at pinasa ni kiko kay ludwig ang bola.

"3 points!!! Wohoo!!" Sigawan nila Arnel.

Sigawan din ang mga taga barangay Hilonalahat dahil sila ang nanalo. Naging maayos ang laban ng dalawang kuponan. Luminya ng diretso ang dalawang grupo bago nagsipag kamayan sa kabilang grupo.

"Congrats mga brad" bati ng mga taga barangay Dimahahanap

"Salamat mga pare" tugon ng mga ito

"Sa susunod ulit ha"

"Sige ba." Tugon ng mga ito

"Oh Luds itong parte mo" ani Kiko sabay abot ng pera kay Ludwig

"Ha? Wag na. Ipang mirienda nalang natin sa buong grupo" tugon nito

"Wag na. Malaki kinita natin ngayon. Tsaka malaking bagay din yung maraming puntos mo kaya rin tayo nanalo. Tsaka diba nagsisimula ka palang" ani Kiko

"Salamat mga pare. Malaking tulong ito sakin at sa pamilya ko" tugon nito

"Basta ikaw pare, pamilya ka narin namin dito. Kung may problema ka pwede mo kaming lapitan" ani Bogart

"Salamat ulit dito. Mauna na akong umuwi sa inyo" paalam nito

"Sige pare ingat" tugon ng mga ito

"Mom, im home" ani Ludwig

"What happen to you Son? Oh my--" nag aalalang sabi ng Donya

"Oh anong nangyari sayo? " tanong ni Ana

"Relax Ma. We just played basketball sa kanto. Niyaya ako nila Kiko and nanalo kami. Kaya may uwi rin akong masarap na ulam" ani Ludwig

NASAAN ANG POREBER??? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon