"Inaantok ka na ba?" Tanong ng binata ng makauwi ang mga ito galing outing
"Hindi pa naman. Tsaka aayusin ko pa ang mga basang damit natin para hindi bumaho" tugon ng dalaga
"Tulungan na kita" saad ng binata
"Wag na. Madali lang naman ito" tugon ng dalaga
Tumulong nalang itong ayusin ang ilang gamit na ginamit sa outing para madali silang matapos.
"Im done" ani Ludwig
"Ako rin" tugon ng dalaga
"You want coffee? Tea? Or me?" Tanong ng binata
"Tubig nalang. Samahan mo narin ng biscuit" tugon ng dalaga
Sa sala nag midnight snacks ang dalawa. Nakikinig ng radio habang kumakain.
"Oh bakit ka nakatitig sakin? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ni Ana
"Nothing. I just really can't help it. Gusto lang kitang titigan. Hindi kasi nakakasawa yung ganda mo" tugon ng binata
"Bakit mo ako nagustuhan? Samantalang dati wagas ka kung awayin ako" anang dalaga
"Siguro dahil nagseselos ako, Dahil palagi mong kasama si Vlad. Tsaka hindi ko matanggap na nagkakagusto na ako sayo kaya siguro dinadaan ko sa galit yung nararamdaman ko" kwento ng binata
"Ganun ba yun? Pwede pala ang ganun" anang dalaga
"Oh siya matulog na tayo at maaga pa tayo bukas. Goodnight Ana" paalam ng binata
"Goodnight din" tugon ng dalaga
Kinabukasan may isang tangkay ng pulang rosas sa may gilid ng kanyang unan. Binasa nito ang card. "You're the first person i want to talk to when i wake up and the last person i wish to see before i fall asleep :)" Napangiti ito habang binabasa ang card at inamoy ang rosas.
"Ang sweet mo pala. Nakaka goodvibes ng umaga" bulalas ng isip ni Ana
"Dear God,
Thank you for today, yesterday and tomorrow. My family, my joys and even my sorrows. For all that it made me stronger. I thank you Father, Amen." dasal ni Ana bago bumangon sa kama"Hi. Goodmorning. Salamat sa bulaklak :)" Ani Ana
"Ha? What flower? Hindi pa kita nabibigyan ng flower at wala namang malapit na bilihan satin ng bulaklak" saad ng binata
Laking gulat ng dalaga ng malamang hindi galing kay Ludwig ang bulaklak. Napalingon ito sa bintana at agad itong nilapitan.
"Sinong magbibigay ng bulaklak? Naka lock ang pinto ko, pero nakabukas ang bintana ko. Hindi ako nag bubukas ng bintana pag gabi, tsaka mataas itong bintana ko kaya imposibleng dito yun dumaan. Wala rin naman kaming hagdan" bulalas ng kanyang isip
Agad ding sumunod ang binata sa kwarto ni Ana upang tingnan ang nasabing bulaklak.
"Is that the flower?" Tanong ng binata
"Oo. Kung hindi galing sayo to, kanino galing?" Tanong ng dalaga
"Let me see" anang binata
"Hindi ito sulat ng kambal at lalong hindi ito sulat ni Vlad" saad ng binata
"Kaloka. May pumapasok sa kwarto ko ng hindi ko alam" wika ni Ana
"Hayaan muna yan. Let's eat para makapasok na tayo" anang binata
"Don't worry about it. Malalaman rin natin kung sino yun" anang binata ng nasa tindahan na sila