"Karen!" Patuloy ng binata sa pag sigaw "sandali lang" wika nito nang maabutan ang dalaga
"Bitawan mo nga ako!" Wika nito na tinanggal ang kamay ng binata sa kanyang braso
"Okey sige. Pero sandali lang pakinggan mo muna ako." pakiusap nito
"Bakit? Hindi ka pa ba tapos sa pang bi-bwisit sakin? Pwede ba wag ngayon." Saad ng dalaga at patuloy na naglakad
"Gusto kita" wika nito
"Sabing tama na eh" galit nitong tugon
"Mahal kita Karen" sigaw ng binata "hindi ko alam kung paano, kung kailan nag simulang mahalin ka ng puso ko. Nagising ako isang araw ikaw na ang laman ng puso't isip ko hanggang sa panaginip ikaw parin ang laman nito. Siguro noon pa man mahal na talaga kita kaya lang ang bukambibig mo ay mayayamang gwapo kaya siguro nawalan ako ng kumpyansang sabihin sayo kaya dinadaan ko nalang ang lahat sa pang iinis sayo. Sorry kung mula noon sakit ng ulo naramdaman mo sakin" pag amin nito
"Pwede ba Andres tama na. Wag mo na akong pag tripan dahil kahit kelan hindi mo naman ako sineryoso eh" tugon ng dalaga
"Handa kong patunayan na mahal talaga kita at hindi kita binibiro" wika nito
"Wag na. At wag mo nang tangkain." Wika ng dalaga
"Dahil ba hindi ako kasing gwapo niya? Dahil ba mahirap lang ako at hindi mayaman? Dahil hindi ako college graduate? Dahil isa lang akong magsasaka? Kaya hindi mo ako kayang mahalin ha? Ang babaw mo naman" saad ng binata
"Talaga? Ako mababaw? Oo aaminin ko gusto kita dati, mahal kita. Minahal kita. Pero ikaw rin ang gumawa ng paraan para magmahal ako ng iba. Ikaw ang nagtulak sakin palayo. Dahil kahit minsan hindi mo ako pinahalagahan kahit minsan hindi mo ako sineryoso. Huli kana. May mahal na akong iba. hindi dahil sa may lahi siya, gwapo at mayaman siya kaya ko siya nagustuhan. Minahal ko siya dahil pinaramdam niya sakin ang pagmamahal, respeto, tiwala, pag aalaga na hinahanap ko at tanging siya lang ang nagparamdam sakin nun. Trinato niya akong parang isang prinsesa. Yun ang meron siya na minahal ko" patuloy nito
"Baka pwede mo akong bigyan ng isa pang pagkakataon. Parang awa muna Karen Mahal kita" pagmamakaawa ng binata
"Chance? Tapos na ang chance mo. May chance kana dati diba mahaba ang chance mo? Pero ano bang ginawa mo? Binalewala mo lang ako. Ngayon, chance naman ng iba na mahalin ako. Hindi dahil nag tapat ka ng nararamdaman mo iiwan ko na si Anton. Hinding-hindi ko iyon gagawin sapagkat hindi niya deserve yun. Kung talagang mahal mo ako, hayaan mo akong maging masaya sakanya" tugon ng dalaga
Hindi na nakapag salita ang binata kaya tumalikod na ang dalaga at nag umpisa muling maglakad palayo. Kapwa nakaramdam ng kirot sa puso ang dalawa. Hindi gustong saktan ng dilag ang kanyang kababata ngunit kinailangan niya itong gawin. Hindi yon ang inaasam ng binata na sagot ng kanyang kababata.
"Karen anak, naibigay mo ba yung mirienda kay Pareng Jose?" Tanong ng kanyang ama
"Opo Tay" tugon nito
"Oh siya, kumain kana rin dito at ako'y pupunta muna kina Mareng Merla" paalam nito sakanya
"Sige po Tay" tugon nito
"Ring! Ring! Ring!" Tunog ng kanyang cellphone
"Hello Hon" masayang bati ni Karen sa nobyo
"Hi Hon. I called because i felt something's wrong with you" wika ng kanyang nobyo
"Hindi naman. Bwinisit lang ako ni Andres. Walang bago dun" saad nito
"Alam mo hon, nakita ko sa mga mata niya na gusto ka niya" wika niya
" totoo man 'yon o hindi, wala akong paki. Kasi hindi na hiring ang puso ko. Naka exclusive contract na ang puso ko sayo. Ikaw ang mahal ko wala ng makapagbabago dun" aniya
"You're such a sweet princess" papuri nito sa dilag
"Kumusta na pala kayong magkapatid diyan?" Tanong nito
"Okey lang naman. Pinagsabihan ko na siya. Pero ayun party everywhere ang peg niya pag gabi, pag hapon nasa may tabing dagat nanonood ng sunset" tugon nito
"Iba pala talaga kayong mag mahal no? Pang forever" kinikilig nitong sabi
"Yup. So can we talk about the crown thing?" Tanong nito
"Uhm...pwede bang pag balik mo nalang? Konting panahon pa please" pakiusap nito
"Sure. No problem. I miss you Hon. I love you" wika nito
"Thank you. I miss you too. I love you too. Bye" tugon nito bago binaba ang kanyang cellphone
Hindi nito alam kung naniwala sa kanya ang kanyang nobyo ang alam lang niya marami itong katangian na wala ang normal na tao.
Sunset na ulit. Muling nagpunta sa tabing dagat ang batang bampira para manood sa palubog na araw.
Vlad's flashback
"Kunichiwa Japan!" Sigaw ni Ana pag dating nila sa Japan"Last stop before going home" saad ng binata
Una nilang pinuntahan ang mt. Fuji. Kumain ang mga ito ng mga sushi at mga japanese foods sa mga kilalang restaurant, sinubukan rin nila ang mga pagkaing nasa vending machine, sumakay sa bullet train, nanood ng cherry blossoms, tumawid sa Shibuya Crossing, sa hotspring, mga templo at nagpunta sa Hachiko Statue. Nag selfie ang mga ito sa bawat lugar na kanilang pinupuntahan.
"Bro, you have to go back to the Castle soon and cut that crap" advice ni Anton na sinundan ang kapatid sa tabing dagat
"Yeah. Be home soon okey. Just need to fix myself" tugon nito
"One of the most courageous decisions you'll ever make is to finally let go of what is hurting your heart and soul and start your life living without them." Wika ng kanyang kuya
"If you are ignoring someone, keep in mind that you are teaching them to live without you" sabat ni Clyde
"So true" segunda ng kakambal nitong si Chloe
"Hey twins. What are you doing here?" Tanong ni Vlad
"Young prince, you have to go back to her" wika ni Clyde.
"For what? She's already happy with Ludwig. And i dont want to interupt that happiness of hers. For now, i need to stay away from her" tugon ng batang bampira
"Then something bad will happen" saad ng kanyang kaibigan
Tulad ng magkapatid na Anton, Eric at Vlad, bampira rin ang kambal ngunit kabilang ang mga ito sa ibang Kastilyo. Isa sa mga kakayahan ni Clyde ang makita ang mga mangyayari sa hinaharap.
"What will happen? What did you saw?" Nag aalala nitong tanong
"A strong fight that will lead her to cry, run and hit by a car".tugon nito
"What?! Bro!" Gulat nitong tanong na humihingi ng tulong sa kuya "i can't be with her. What will i do?" Muli nitong tanong
"Fine. you dont need to be with them or around them. Stay for the young princess just like you always do. If you need me, i'll help you" advice nito
"Count me in" wika ni Clyde
"Me too" segunda ni Chloe