24: The untold

1.3K 90 37
                                    

A.N

Get yourself ready

P.s Please vote this chapter
Tysm

~*~

Keifer

"Sino ka ba?" Hinila ako ni kuya Damian papunta sa kaniya kaya wala ano-anong nahigit ako patungo sa kaniyang direksiyon. Para akong piraso ng papel na tumilampon papunta sa kaniya.

"Ako lang naman iyong tao na nandiyan kay Keifer noong hindi mo naisipang replay-an man lang siya o kamustahin. Ako 'yong taong hindi siya iniwan noong halos iparamdam mo sa kaniya na wala siyang halaga." Sa puntong 'to ay hinila naman ako pabalik ni Hunter papunta sa kaniya.

Napalingon ako kay kuya Damian dahil alam kong hindi naging maganda ang mga binitawang salita ni Hunter. Alam kong iisipin niyang sinabi ko ito sa kaibigan kaya nagawa nitong sabihin ang gano'ng dahilan at kagaya ng inaasahan ko, nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni kuya Damian noong oras na magtagpo ang mga mata naming dalawa. Agad naman itong napalitan nang pagkapoot nang tapunan niya ng tingin si Hunter.

"Wala kang alam," malumanay niyang sambit at bahagyang hinatak akong muli sa direksiyon niya. "Wala ka ring katapatang makialam kaya pwede ba? Layuan mo na kami!" At mas lalo niya akong hinila pabalik sa kaniya. Kamuntikan na akong mabitawan ni Hunter pero hindi siya nagpatinag. Nilabanan niya ang paghatak ni kuya Damian sa akin.

Para na akong lubid na pinag-aagawan nila. Napakaraming tao rin ang napapalingon sa amin, nakikiusiyoso at nakiki-chismis lang kung bakit ako pinag-aagawan ng dalawang lalaki na ito.

Natawa si Hunter. Malakas niya akong hinatak at bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni kuya Damian. Kung tuluyan niya akong nabitawan ay baka tumilampon ako kay Hunter at parehas kaming matumba.

"Akin 'to, e! Ako ang tunay na nauna. Wala ka pa noong nakilala ako ni Keifer kaya h'wag kang umasta na parang napakatagal—"

Naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi na pinatapos pa ni kuya Damian si Hunter sa pagsasalita nang hatakin niya ako. Mabilis niya akong itinago sa kaniyang likuran at wala ano-anong sinuntok si Hunter sa mukha. Napuruhan siya sa pisngi at kitang-kita ko ang bangas niya ro'n. Maging ang mga tao ay nagulat sa ginawa ni kuya Damian. Ang ilan sa kanila ay napahinto pa sa paglalakad.

Wala akong magawa kundi ang mapanganga dahil ni hindi ko siya nagawang depensahan kay kuya Damian sa bilis ng mga nangyari.

"Agawin mo ulit sa akin si Keifer at hindi lang 'yan ang matatamo mo," pagbabanta ni kuya Damian kay Hunter.

Lumabas ako mula sa likuran ni kuya Damian at saka pumagitna sa kanilang dalawa dahil alam kong kapag nanatali ako sa lugar na 'yon, mas lalong gugulo ang lahat. Kilala ko si Hunter, hindi siya papayag ng hindi nakakaganti lalo na't maraming tao ang nanonood sa amin ngayon.

"Ano bang gusto niyong mangyari?" Mahinahon kong sabi sa kanila pero ilang segundo lang ang lumipas nang tuluyan nang nagkagulo ang dalawa. Sinugod na ni Hunter si kuya Damian at ramdam na ramdam ko ang kagustuhan niyang makaganti.

Para akong palaman na naipit sa gitna nila. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para mapaghiwalay sila pero hindi ko talaga magawa kaya naman noong aksidente akong maitulak ni Hunter at matabig ni kuya Damian, kung hindi pa ako mapaupo sa sahig ay hindi pa sila hihintong dalawa.

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon