Paradise
Yukio's POV:
Ilang minuto lang nakarating na kami sa Paradise dumiretso kami sa lokasyon kung nasaan ang Mama at Papa ni Aphrodite
Tumingin ako sa likod tinitignan ko kung naka sunod sila hindi ko mahanap si Aphrodite kaya huminto ako huminto rin naman sila
"Where's Aphrodite?" tanong ko sa'kanila
"Nandito sa'min!" sagot ni Serj
Tumuloy na kami nakita ko sila Yohan kasama ang lima niyang kaibigan
Pfftt.. Lima lang talaga sila?-- ahh gets naka tago 'yung iba
"Y-Yohan" mahinang sabi ni Aphrodite habang naluluha ang mga mata
Pinag mamasdan namin ang Mama at Papa niyang naka tali puro sila sugat pero wala manlang silang emosyon nung nakita si Aphrodite
"M-Ma h-hindi---" hindi siya naka tapos ng salita ng sigawan siya ng Mama niya
"Ano ba Sol! Sabi kong wag kana mag papakita sa'min diba!?" sigaw ng Mama niya tinignan namin si Aphrodite wala pumapatak na luha sa mata niya lahat 'yon namumuo lang
Aphrodite's POV:
Naaawa ako kila Mama pero hindi siya 'yung Papa ko iba na iba ang Papa ko sa'kanya bukod sa malaki ang katawan ni Papa may itsura pa
Ang judgemental Aphrodite?
"M-Ma b-bakit hinayaan niyo lang si Yohan?" tanong ko pero matalim ang tingin sa'kin ni Mama 'yung asawa niya naman na bago walang imik
Umiwas sa'kin ng tingin si Mama at nag salita
"Panong hindi namin hahayaan e andami nilang sumugod sa bahay!"
"Pati si Lucas nadamay sa kaartehan mo! Letche ka wala ka talagang kwenta!"
'Wala kang kwenta' ang sakit
"M-Ma pinag tanggol ko lang naman po s-sarili ko"
"Pinag tanggol mo nga pero sarili mo lang Sol! Tangina naman!"
"Ma hindi lang naman sarili ko lang pinag tanggol ko.."
"E ano pinapakita mo ngayon!? Na tinutulungan mo kami!? Tangina Sol naka tali kami! Inosente si Lucas tignan mo nadamay pa! ANG ARTE MO KASI, KUNG NAG PALIGAW KANA LANG KAY YOHAN HINDI TAYO AABOT SA GANITO!"
Sariling kapakanan niyo lang iniisip niyo.. Sana pinakinggan mo 'ko nung ayaw kong magpa ligaw kay Yohan
"M-Ma sinasaktan po ako ni Yohan buhat ng itaboy at layasan niyo 'ko.. Sana inintindi niyo muna ako bago niyo 'ko itaboy at layasan.. Ma a-ang s-sakit"
Tumutulo na ang luha ko habang nag sasalita pero si Mama galit at inis lang ang kayang isumbat sa'kin
Hindi mo 'ko pinag tanggol Ma..
Yukio's POV:
Sa bawat salita na naririnig ko kay Aphrodite sobrang sakit sa dibdib makikita mo kung pano niya sabihin sa Mama niya ng mahinahon kahit sinisigawan siya
Nasasaktan ako tuwing nakikita kitang nasasaktan
Muling nag salita ang Mama ni Aphrodite parang hindi niya nakikita na nasasaktan ang anak niya
"Oo nga sinabi kong babalik ako e ano ginawa mo? Umasa ka! Kaya ang tanga mo e!" sigaw ng Mama niya
"Ma, aasa talaga ako kahit ganyan ka alam ko namang anak mo pa rin ak---"

YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Teen FictionThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...