Chapter 65

1.9K 45 2
                                    

Jofre and Jay Conversation

Jofre's POV:

Pag uwi namin sa bahay ni Aphrodite diretso ko na siyang hinatid sa kwarto niya sinabihan ko na rin siya na ilock niya na ang pinto baka pumunta si Kuya Jay sa kwarto niya

Matapos ko siyang ihatid bumaba na 'ko nakita ko sa kusina si Jay na naka tingin sa'kin

"Can we talk?" seryoso niyang tanong at lumapit ako sa'kanya

"About what?" pabalik kong tanong at lumapit siya sa'kin

"About Section Blue Jays especially about Sol" sagot niya

Oh..

"Jofre alam mo naman nangyari 'yung mga nakaraan natin diba?" tanong niya at tumango ako

"Bakit mo hinahayaan si Sol don? Gusto mo matulad siya sa Samantha na 'yon? Na nagkagulo sila at muntik ng--" hindi ko siya pinatapos at nag salita na ako

"Hindi ko siya hinahayaan, Kuya Jay. Gusto niya ron kahit pinipilit ko siya dati na lumipat, ayaw niya. Ayaw niya dahil mahalaga sila sa'kanya. Mahalaga sila kay Sol" sabi ko at napahawi siya ng buhok

"But Jofre! She's in danger Section!" ani niya

"Hindi naman nila hahayaan na masaktan si Sol" sabi ko at bigla niya 'kong kinwelyuhan

"Pano mo nagagawang kumalma sa ganitong sitwasyon!? Nasa peligro siya! T'ngina naman! Ako lang ba may pake kay Sol?" sabi niya at tinignan ko siya sa mata

"Ikaw" sabi ko at tumingin siya sa'kin "Bakit ganyan ka umasta sa'kanya? Dahil ba sa nangyari sa'inyong tatlo kay Samantha? Alam mo namang sobrang laki ng kaibahan ni Samantha kay Sol!" ani ko at mas lalo niyang hinigpitan ang pag kwelyo sa'kin

"Malaki nga ang kaibahan nilang dalawa pero nasa iisang sitwasyon sila ngayon! Sa sitwasyon kung saan nagkagulo-gulo kami! Gusto mo bang maulit 'yon ha!? Jofre!?" sigaw niya

"Malay ko sa'yo" tipid kong sagot na mas lalo niyang ikainis "Bakit porket nahulog ka rin sa walang kwentang babae na 'yon kaya ganyan ka? Bakit porket nag iisang babae lang si Sol don ayon na iisipin mo? Mag isip ka nga!" sabi ko at lalong humigpit pa ang pag kwelyo niya sa'kin

"Ang makasarili mo, g'go!" ani niya at ngumisi ako

"Anong makasarili ron? Makasarili dahil sa inaasta ko at kalmado ako?.. Mag isip ka nga Kuya... Tingin mo ba hahayaan ko si Sol sa ganon? Kapatid ko siya at t'ngina kapatid mo rin siya! Oo alam kong nag-aalala ka sa'kanya kasi nga kay Samantha Samantha put'ngina! Puro Samantha umiikot sa utak mo! Wala na nga 'yung babae diba! Wala na 'yung babaeng malandi!" sigaw ko at bigla niya akong sinuntok dahilan para bumagsak ako sa sahig

Agad din akong tumayo at sinuntok siya. May bigla tumakbo sa'min at nag awat para malayo kami sa isa't-isa. Si Enzo...

"Anong problema niyong dalawa!? Bakit kayo nag susuntukan!? Gabi na oh!" ani niya habang nasa gitna namin

Ito kami ni Kuya Jay nag papatayan sa titigan

"Ano tungkol kay Sol? Tungkol sa kanina? Tungkol sa put'nginang walang kwentang babae?" sunod-sunod niyang tanong

"Wag ka makasali rito Enzo" rinig ko kay Kuya Jay

"Bakit Kuya Jay? Totoo naman ah! Ganyan ka kay Sol kasi baka matulad siya sa Samantha na 'yon! Iba mindset ni Sol kesa sa malanding babaeng 'yon!.. Pinag sabay nga kayong tatlo nila Kio diba!" sabi ni Enzo sa harap niya habang naka tingin sa mga mata ni Kuya

"Tingin mo ba gagawin ni Sol 'yon? Mag isip ka nga! Lagi naming sinasabihan si Sol na pigilan niya ang nararamdaman niya kung sakaling magka gusto siya sa'kanila" dagdag ni Enzo. Ito kami nakikinig sa'kanya

"Tsaka Kuya kung pag salitaan mo si Sol kanina parang nandon ka sa tabi niya nung panahon na gulong-gulo at napaka komplikado ng buhay niya.. Hindi dahil sinagot ka niya dahilan na non sila Kio, sinagot ka niya kasi may mali sa sinabi mo. Sinagot ka niya kasi wala kang alam sa nangyare sa'kanya! Kaya wag kang umasta na nagpaka-kuya ka kay Sol kasi kakadating mo lang sa buhay niya!" dagdag pa ni Enzo at bigla siyang sinapak ni Kuya Jay agad naman akong bumawi ng sapak sa'kanya

Magulo kaming tatlo ngayon at nag susuntukan nang may biglang sumigaw agad naman kaming huminto..

It's Solene..

"Kuya!! Anong ginagawa niyo!? Bakit nag susuntukan kayo?" tanong niya

"Friendly fight lang" ani ni Enzo gusto ko man tumawa pero pinipigilan ko

Pfftt! friendly fight daw

"Friendly tapos puro bangas na mukha niyo.. Hali nga kayo gagamutin ko" sabi niya at napilitan kaming sumunod sa'kanya

Ginagamot na niya ang mga pasa namin sa mukha. Pero hindi pa rin namin maiwasan na magkatitigan na tatlo











++Don't forget to vote, comment and share++

Fb Page: Tambayan ni Heneral Siopao
Fb Group: Mga Tambay sa Lugawan ni Manang
Instagram: @tambayanniheneralsiopao

++ mag uud ako later!!

Ang Mutya ng Section Blue Jays Where stories live. Discover now