Kidnap
Aphrodite's POV:
Mahimbing ang tulog ko kagabi kaya late na akong nagising, gumayak na ako ng mabilis sakaling maka abot pa. Hindi na ako nag almusal kasi mabagal akong kumain
Pumunta na ako sa likod ng bahay para kunin 'yung bike pero sira 'yung bike ko kaya napilitan akong mag lakad
Kainis naman oh! Wrong timing pa talaga!
Nag simula na akong mag lakad pumunta muna ako sa malapit na store sa'min. Bumili nalang ako ng maiinom at umalis na
Nag simula na akong lumakad papunta sa school medjo parami-rami na ang tao kaya wala naman akong ipag-aalala
Pero bigla may umagaw ng atensyon ko. May nakita akong mga lalaki banda sa dadaanan ko naka tingin sila sa'kin. Iba ang kutob ko kasi namukaan ko ang isa sa'kanila..
Si Sage..
Halos manigas ako sa kinatatayuan ko pero pilit na lumalakad ng may biglang nag takip ng bimpo sa bibig ko kaya nawalan ako ng malay
Ethan's POV:
Habang papasok ako sa school namin nakita ko si Aphrodite parang natulala siya sa nakita niya. Nag taka ako kaya tinignan ko rin
Nakita ko may grupong naka tingin sa'kanya at ang naka agaw ng atensyon ko si Sage
Tangina.. Nasa peligro si Aphrodite
Biglang nalang may nag takip ng bimpo kay Aphrodite dahilan para mawalan siya ng malay at sinakay siya sa kotse
"Aphrodite!!" sigaw ko tumingin ang isa sa mga kasama ni Sage at ngumisi lang
Tumakbo agad ako kasi malapit na man na ang school sa dadaanan ko
Pag dating ko sa school dumiretso ako ng takbo sa room namin
"Kio!" sigaw ko ng umagaw sa atensyon nilang lahat
"Wala pa si Kio" sabi naman ni Singco
Tangina naman!
"Ano ba nangyare sa'yo? Bakit hingal na hingal ka?" tanong ni Serj
"S-si Aphrodite" sabi ko at bigla silang nag tayuan
Lumapit sa'kin si Singco, Serj at Seizures
"Anong nangyare?" tanong ni Serj
"Bakit?" tanong naman ni Singco
"Why? May masama bang nangyare?" tanong din ni Seizures
"O-oo.. Kinidnap siya nila Sage. K-kanina nakita ko habang papasok siya sa school" hingal kong sabi
"Tumayo kayo jan pupuntahan natin si Sage!" sigaw ni Serj
"Si Kio tawagan niyo!" sigaw naman ni Ace
"May mga bike kayo diba?" tanong ni Seizures tumango naman kami
"Bike muna tayo. Kulang 'yung kotseng dala natin" sabi ni Seizures kaya agad kaming lumabas sa room para kaming nasa gerahan kung maka takbo maging ibang teacher nagulat at sinasaway kami pero tumatakbo lang kami
🎀++Don't forget to vote chulsooyeo!++🎀
YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Teen FictionThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...