Chapter 69

1.8K 39 1
                                    

Doy And Sol

Aphrodite's POV:

Nag pipidal na 'ko dahil ilang minuto nalang mag sisimula na ang klase namin. Hindi na ako sumabay kay Enzo dahil.. Ayoko

Hindi na rin ako dumaan kila Manang Eva wala na 'kong pera pang bili e.. Malapit na 'ko sa School namin ng may tumawag sa'kin

"Aphrodite!!" nilingon ko kung sino at nakita ko si Soren tumatakbo para salubungin ako

"Hello!" bati niya at nag hahabol ng hininga

Pinasok ko na sa bicycles parking 'yung bike ko at lumakas na sabay kay Soren. May bigla naman humawak sa kamay ko nung tignan ko ito si Serj.. Mukhang puyat nanaman siya

"Sol.." tawag niya at may kung anong sumakit sa utak ko na parang pamilyar ang boses niya kapag tinatawag niya 'kong Sol

Hindi kaya siya 'yon? Si Doy?--- hep! Hep! Tama na ang pag iisip!

"Can we talk?" dagdag niya at tumango ako

"Tara sa 2nd floor nalang para walang istorbo" aya ko at pumunta kami sa 2nd floor

Nang marating na namin ang 2nd floor naupo kami sa bakanteng upuan

"Anong pag uusapan natin Serj?" tanong ko

"May naaalala ka ba nung bata ka pa kahit.. Kaunti lang?" tanong niya

"Hindi ko alam.. Pero alam kong dati may nakalaro akong 8 years old sabi niya Doy daw pangalan niya, bakit mo natanong?" sabi ko sa'kanya

"Ako.. Ako si Doy, Sol." ani niya at napa tingin ako sa'kanya

"Ikaw si Doy? Weh? Maniwala? Sige nga anong ginawa natin non?" sabay-sabay kong tanong

"Lumapit ka sa'kin non.. Binati mo 'ko, tinanong mo pangalan ko. Tapos inaya kita mag habulan non, diba nga umuulan pa non?" ani niya

Nung sinabi niya ang mga 'yon parang sumakit 'yung ulo ko dahil 'yung sinabi niya ay parang kaparehas ng naaalala ko

"Tapos 'yung mataya kita sabi mo mag pahinga muna tayo kasi.. Napagod ka kakatakbo non, tapos 'yung ilang minuto na tayong naka upo sa poste may biglang dumukot sa'yo.. Sabi ko sumama kana lang sa'kin pero ayaw mo kasi sabi mo ayaw mo na madamay ako" sabi niya at nakinig ako

Naaalala ko na..

"Sabi mo babalikan mo 'ko.. Tatayain mo pa 'ko... Pero hindi mo na 'ko binalikan" dagdag niya at may kung anong tumulo sa mata ko

Siya si Doy...

"D-doy?..." tawag ko sa'kanya at nginitian niya 'ko sabay himas ng pisngi ko

"Right.. I'm your Doy" ngiti niyang sabi at bigla ko siyang nayakap

"Serj naman! Bakit 'di mo agad sinabi!" ani ko habang naluluha at hinampas siya sa likod. Binigyan niya naman ako ng bahagya na pag tawa

"Hindi pa 'ko sigurado kung ikaw 'yung Sol na hinahanap ko e.. Baka kasi sabihan mo 'kong baliw" sabi niya ay bahagya akong natawa

"Alam mo ba Doy.." sabi ko habang naka yakap pa rin sa'kanya

"Hmm? I'm listening, Sol." ani niya at ngumiti ako

"Yung nakawala na 'ko ng tuluyan sa mga dumukot sa'kin alam mo hinanap kita.. Nag tanong-tanong ako non sa mga taong nadadaanan ko tapos nabalitaan ko nalang lumipat pala kayo" sabi ko sa'kanya

"Sabi ko hintayin mo 'ko kasi babalikan kita tapos lumipat pala kayo" dagdag ko at tinanggal niya 'ko sa pagkaka-yakap sa'kanya

"Hinanap din naman kita kaso wala talagang nakaka kilala sa'yo ron e" ani niya at ngumiti ako

"Okay na sigurong pag hahanap 'yung ginawa natin. Nag kita naman na tayo e" sabi ko at ngumiti siya

"Namiss kita Doy!" sabi ko at tinapik niya ang ulo ko

"Namiss din kita Sol" ani niya at ngumiti ako

Mag kasama na ulit kami!

"Sana makalaro pa tayo habulan" ani ko

"Makakalaro tayo pero hindi ngayon, hindi rin bukas, baka sa susunod. Kasama na natin ang Altheinstan" sabi niya ang ngumiti ako

Tama! Kasama na namin ang mga kumag!

"Sorry pala nasungitan kita nung first day mo sa'min" ani niya at ngumiti ako

"Okay lang. Naiintindihan naman kita non" sabi ko at ngumiti siya

Habang nag kukwentuhan kami may biglang tumawag sa'min

"Doy, Sol!"

Serj's POV:

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko na makumpirma ko na ang hinahanap ko na si Sol ay si Aphrodite

Halo-halo ang naramdaman ko lalo na 'yung sinabi niya na namiss niya 'ko. Ang laki ng impact sa'kin non.. Parang iba 'yung naramdaman ko..

Damn it!

May biglang tumawag sa'min at nakita kong si Soren 'yon

"Nag kita na sila Sol at Doy! Ang saya! Nahanap kana ni Kuya" ani ni Soren at naupo

"Alam mo ba Aphrodite.. Nag papasama pa 'yan si Kuya sa'kin dati kasi gusto ka talaga niyang iligtas sa mga dumukot sa'yo tapos ipapa-pulis niya raw" dagdag niya at napa iwas ako ng tingin

This boy-- damn! Required bang sabihin pa 'yon?

"Talaga?" ani naman ni Aphrodite at natawa sila

"Tsk, wag niyo na ngang pag usapan 'yan. Past is past" irita kong sabi at tumayo, bahagya naman silang tumawa at tumayo na rin

"Tara na late na tayo kay Sir Panot" aya ni Aphrodite at na unang mag lakad

"Shut your mouth, Soren." irita kong sabi sa'kanya

Napakamot batok siya at nag salita "Ito naman si Kuya hindi mabiro e!" ani niya at binatukan ko siya

"Hindi biro 'yon! Totoo 'yung sinabi mo. Manahimik kana" sabi ko

"Oo na! 'di mabiro" sabi niya at sumunod na kay Aphrodite

I miss Sol.. I miss her, thank you God..












++Don't forget to vote, comment and share++

Fb Page: Tambayan ni Heneral Siopao
Fb Group: Mga Tambay sa Lugawan ni Manang
Instagram: @tambayanniheneralsiopao

Ang Mutya ng Section Blue Jays Where stories live. Discover now