Saying Sorry
Aphrodite's POV:
Marami na kaming napag usapan ni Kio tungkol sa school nga lang
Masaya rin siyang kausap hindi naman masungit pero kasi inaaway ako lagi
Walang araw na hindi niya ako inaaway
Nakita kong malapit na kami sa café na pinuntahan namin. Nandon pa rin ang Altheinstan nag aantay na maka balik kami
"Andyan na sila.." rinig ko mula kay Seizures tinignan ko siya at ngumiti sa'kin
Gwapo ah
Nginitian ko siya pabalik nakita kong nanlilisik ang mata ni Soren sa pag tingin kay Kio
Pinuntahan ni Kio si Serj naka tingin naman kami sa'kanila
"Serj.. Sorry" sabi niya at ngumiti si Serj
Yayyy bati na ang mga gwapo!
"Okay lang.. Soren mag sorry ka sinuntok mo siya hindi mo alam nangyare" sabi niya kay Soren ang nanlilisik na mata ni Soren kanina nawala na nung narinig niya na nag sorry si Kio
"Ih kasi sinapak ka niya.. Sorry Kio" sabi ni Soren ngumiti ako sa'kanila maging ang ibang Altheinstan naka ngiti sa mga nangyayari
"AYOS BATI NA! TARA SAMGYUPSAL!" sigaw ni Sebio at nag hiyawan naman ang mga hayop
"TARA NA!!" sigaw ni Kael at inakbayan ako
"Hoy Abno!" sigaw ko nakita kong ang seryoso ng tingin ni Kio, Serj at Seizures sa'kanya
"Joke lang naman e.. Tsk parang mga ano tara na nga Sebio" sabi niya kaya natawa ako si Sebio naman ang inakbayan niya
"LESGOOO!!" sigaw ni Phoenix
"WOOOHHH! MAKAKAIN NA RIN!" sigaw naman ni Sebastian
Ang iingay hayop! Kala mo ilang taong hindi nakakain!
Nakarating na kami sa Samgyup na sinasabi ni Sebio bigla naman bumalik si Sebio sa'min at hinila ang kamay ko
"Pahiram muna ha! Tara na!" sigaw niya at tumakbo nilingon ko sila sa likod si Seizures naka ngiti si Serj at Kio naman seryoso
Parang hindi sila bati? O ganon lang talaga sila? Ewan!
"Tabi tayo, Aphrodite!" sabi ni Sebio at tumabi ako sa'kanya
Parang bata naman 'to hayop
Umorder na sila at inaantay nalang ang mga pagkain dumating. Maingay sila parang nasa gera ang mga hayop
🎀++Don't forget to vote chulsooyeo!++🎀
YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Fiksi RemajaThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...