Two unknown people
Aphrodite's POV:
Kasama ko na si Kuya Jofre sa bahay at dito na rin siya nanirahan dahil siguro para protektahan ako.. Wala manlang akong maisip na kung sino 'yung nag babanta sa buhay ko
Wala na ngang saysay buhay ko babantaan pa talaga
"Kuya!!" tawag ko sa'kanya
"Bakit? Nag luluto ako" sagot niya kaagad naman akong bumaba
Marunong siya!
"Mag dahan-dahan ka" ani niya at pumunta ako sa kusina
Ngayon lang ako nalutuan at ngayon lang din may nag luto sa'kin. Lagi kasi akong pinapabili ni mama ng sarili kong pagkain pero si Kuya Jofre lagi niyang nilulutuan
"Nag luto ako ng laswa.. Kumuha kana ng plato kakain na tayo" utos niya sa'kin at minadali ko na ang pag handa sa lamesa
"Aphrodite.." tawag niya sa'kin at huminto ako sa pag nguya
"Natandaan mo pa? Paborito mo 'tong laswa lagi kang bumibili kila Manang Susan neto dati" ani niya
"Hindi ko na matandaan" sagot ko sa mahinang boses
"Nilutuan kita kasi alam kong hindi kapa nakakaranas na malutuan" sabi niya at may kung anong tumulo sa mata ko
"Kuya.. Kumain nalang tayo ayokong pag usapan 'yan" sabi ko at bumaling na sa kinakain ko
Ayokong pag usapan 'yan nag mumukha akong hindi anak ni mama
"Susunduin ka ba ni Kio?" nalunok ko bigla ang isang buong hipon sa tanong niya at nabulunan ako
"Oh tubig!" sabi niya at inabot ang isang baso at ininom ko
Bwiset na tanong 'yan!
"H-hindi-- tsaka bakit naman ako susunduin non" sagot ko at tumango siya bigla namang may kumatok sa pinto
"Ako na kumain ka lang jan" sabi niya kaya kumain nalang ako
"Sei? Ginagawa mo rito?" rinig kong tanong ni Kuya at lumingon ako sa likod ko
Nakita ko si Seizures ngumiti siya sa'kin at kumaway
Gwapo!
"Sei!" bati ko at tumayo sa hapag-kainan
"Good Morning Aphrodite" bati niya sa'kin at nginitian ko siya
"Ginagawa mo rito?" ulit na tanong ni Kuya
Ang seryoso mo naman!
"Susunduin si Aphrodite" sagot ni Seizures at napa tingin ako sa'kanya
"Ha?" lutang kong sagot
"Kayo ba?" seryosong tanong ni Kuya at hinampas ko siya
"Aray--- ano ba!?" sabi niya
"Bwiset ka! Seizures hindi na mauna kana sa school may pupuntahan pa 'ko, salamat!" sabi ko kay Seizures at tumango siya
"Anong may pupuntaha---" hindi ko pinatapos si Kuya at agad na tinakpan ang bibig niya
"Bye Sei! Ingat ka!" sabi ko kay Seizures at sabay na sinara ang pinto
"Ano ba!?" sigaw niya sa'kin at bigla akong tumahimik
"S-sorry.. Inaalala lang kita" sabi niya at tumango nalang ako sabay balik sa hapag-kainan
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa'kin
YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Teen FictionThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...