A/N: De Leon siblings ><
++ ctto of pics!
Seizures De Leon
Isaiah Singco De Leon
Bon fire
Aphrodite's POV:
11:30 pm
Nag simula na kaming kumuha ng mga kahoy sa gilid-gilid ng mga damo at ang iba naman kinuha namin sa lapag na nilapagan namin nung nag lilinis kami
Matapos namin kumuha ng mga kahoy inilapag namin sa gitna 'yon at pinag patong-patong
"Wala tayong pang sindi" sabi ko
"Sino may alam dito 'yung kinikiskis sa bato ba 'yon para magka-apoy?" tanong ni Serj
Biglang lumapit sa'min si Kio at may inabot naman si Seizures na bato. Nag simula nang mag kiskis ni Kio ilang minuto bago magka-apoy dahil mahangin din sa spot namin
"AYAN! okay na! Salamat" ani ko at tumayo na siya sabay punta sa may gilid at umupo
Anyare ron?
"Hali na kayo! Pabilog na" aya ni Kael at pumabilog na kami
"Marshmallow!" sigaw ni Sebio at tumakbo papunta sa tent namin
Bumalik siya na may isang pack ng marshmallow at may dala rin siyang mga stick. Nag simula na siyang ilagay sa mga stick ang tig iisang piraso ng marshmallow
Ilang minuto lang nabigyan niya na kaming lahat. Nag simula na kaming itapat sa may bon fire ang marshmallow
"Luto na akin!" sigaw ni Kael
"Tanga sunog 'yan" sabi ni Ace
"Bobo naman nito" ani ni Javier
"Marshmallow nalang 'yan pero ganyan ka pa rin mag luto" ani naman ni Seojun
"Grabe ka naman future chief" sabi ni Kael
"Ulitin ko na nga lang" dagdag niya at kumuha ng isang pang marshmallow
"Tapos na!" sigaw naman ni Sebio
"Perfect ha!" ani ko at ngumiti siya
"Tapos na rin ako" dagdag ko at sinimulan ng ihipan ang marshmallow
Naramdaman kong medjo hindi na ata mainit kaya kinai ko na. Pag kain ko bigla akong napa sigaw dahil sobrang init pa pala
Hayop!
Bigla nalang binigay ni Serj ang palad niya at nag salita "Mainit? Iluwa mo muna" ani niya at napa tingin ako sa'kanya. Umiling nalang ako habang pinapaypayan ang bibig ko
"Tubig nga!" sigaw ni Guwon at binigyan naman siya ni Gio ng tubig
Binigay sa'kin ni Guwon ang tubig at ininom ko
"Okay kana?" sabay na tanong ni Serj at Seizures
"Okay na" ani ko at tumango sila
"Mag ingat ka kasi sa susunod" ani ni Soren
"Akala ko kasi hindi na masyadong mainit kaya kinain ko na" sabi ko
"Grabe 'to si Serj binigay 'yung palad niya para maluwa ni Aphrodite 'yung marshmallow" ani naman ni Seon at tumawa sila
"Si Serj lang kasi green flag sa'inyo" sabi ko at bahagya nanaman silang tumawa
"Nyenyenye" ani ni Solomon at natawa ako
Bwiset 'to!
12:45 am
Nag liligpit na kami ng mga kalat namin at inilagay na rin namin sa gilid ang mga kahoy na ginamit namin sa bon fire
Pag tapos namin mag ligpit nag banyo muna kami dahil sa bawat spot ng Section may sariling banyo hindi naman kalayuan mga 20 step lang siguro
Pag tapos naming mag banyong lahat pumunta na kami sa sari-sarili naming tent
"Goodnight Altheinstan!" sigaw ko
"Goodnight Mutya!!" sabay-sabay nilang sigaw pabalik at nahiga na 'ko
++Don't forget to vote, comment and share++
Fb Page: Tambayan ni Heneral Siopao
Fb Group: Mga Tambay sa Lugawan ni Manang
Instagram: @tambayanniheneralsiopao
YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Teen FictionThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...