A: Hii chulsooyeo! Good eve. Sorry ngayon lang nakapag update hihi
A/N: Pinalitan ko name ng gang nila kasi may nakita ako na trend na enhypen au or something na hindi ko pa nabasa and matagal na pala siyang au. I saw na may 'Sagpro' so ayaw ko naman mang-gaya ng walang permiso so i'll change nalang.. I hope you like it huhu
Sagpro to Altheinstan!! Altheinstan na po sila:)
I'm sorry nagamit ko 'yung 'Sagpro' na hindi ko alam na meron na pala siyang pinag gamitan na story..
Iniba ko na rin po bawat chap na 'Altheinstan' para hindi kayo malito:>
Agree or Disagree?
Aphrodite's POV:
Patapos na ang recess namin pero wala pa ring kibuan na nagaganap parang lantang-lanta ang Section namin tuwing nagkaka ganito
Ano ba talaga ang nangyare? Ano ba talagang pinag usapan nila?
Gusto ko man tanungin sina Sebio pero hindi maipinta ang mukha niya kaya hinayaan ko nalang
May sari-sariling nanamang silang alis at kain. Hindi ako sanay ng ganito sila kasi sobrang ingay at pala tawa sila
Natapos na rin ang recess namin at pumasok na si Ma'am Yen. Nag lagay lang siya ng USB sa TV at nag bigay ng gagawin namin tapos umalis na
Naka focus sila.. Maging ang hindi nag fofocus naging seryoso. Hindi ko manlang mabuka ang bibig ko sa sitwasyon namin parang isang salita ko lang lahat sila mapapa tingin na
Biglang pumasok si Sir Yzo ang principal ng school MAU.
"Aphrodite, can we talk?" bungad niya na agad kong ikinagulat
"Po? Bakit po?" tanong ko sa'kanya
Tinignan ko sila para silang walang pake kahit may principal sa harap. Hindi nila binati o nag bow manlang
"Can we talk?" ulit niya kaya napa tango nalang ako at sumunod sa office
"Sir.. Ano pong pag uusapin natin?" tanong ko sa'kanya
"Tungkol sa'yo.. Ikaw lang kasi ang naiiba sa Section Blue Jays" sabi niya
Tama siya.. Ako lang ang naiiba
"Ano pong problema?" tanong ko
"Gusto sana kitang ilipat" sabi niya ng ikalaki ng mga mata ko
Ayokong lumipat..
"Kasi ikaw lang ang babae sa'kanila. Nakita ko na rin ang mga records mo tulad ka rin pala nila. Pero kailangan ka naming ilipat dahil sa iisang babae ka lang don" sabi niya habang inilagay sa harap ko ang papel na puro record ko
"B-bakit kailangan niyo pa po akong ilipat kung katulad lang din nila ako?" tanong ko habang hawak-hawak ang papel
"Kasi iba ka sa'kanila. Nag iisang babae ka lang" sabi niya
"P-pero sir.. Hindi ko kaya" sabi ko sa'kanya at kinuha niya ang mga papel sa kamay ko
"Bibigyan kita ng tatlong araw para mag desisyon.. Kapag sumasang-ayon ka puntahan mo 'ko pero kapag hindi ka sumasang-ayon sabihan mo 'ko.." sabi niya
Hindi ko sila kayang iwan. Napa lapit na rin sila sa'kin. Parang pamilya ko na rin sila..
Tumango nalang ako at nag paalam bago umalis
Gusto ko man silang iwan dahil na rin sa mga away ko na nag dudulot ng karagdagan sa records nila pero hindi ko kaya.. Hindi ko kayang mawalay sa'kanila
Gusto ko silang iwan para hindi na sila madamay sa mga gulong nagagawa ko pero kasi.. Ang hirap
Ang hirap iwan ng mga napa mahal na sa'yo lalo na't alam mong masasaktan din sila kapag ginawa mo 'yon..
Nakarating na ako sa room namin at nakita kong naka tingin ang Altheinstan sa'kin
Y-yun ba 'yon? Kaya sila walang gana at lanta na lanta?
"A-altheinstan.." sabi ko sa'kanila habang naka tayo sa harap
"A-aphrodite" tawag sa'kin ni Sebio
"A-ayokong lumipat. Ayokong mawalay sa'inyo..." sabi ko habang naluluha ang mata
Ayoko kayong iwan..
"Kami rin naman.. Pero kasi---" hindi ko na pinatapos si Serj mag salita dahil ayokong marinig ang sasabihin niya
Pakinggan niyo muna ako
"Ayoko. Binigyan niya ako ng tatlong araw para mag desisyon kung papayag ako o hindi" sabi ko
"Desisyon mo naman 'yan. Kung payag kang iwan mo kami puntahan mo siya pero kung ayaw mo sabihan mo" sabi ni Kio
"Ayoko nga kayong iwan. Pero meron pa rin sa loob ko na gusto ko kayong iwan k-kasi.. Ayoko ng madamay kayo sa mga gulong nagagawa ko" sabi ko
"I told you. It's your decision to choose between agree or disagree" sabi niya habang naka cross arm
"Kaya naming samahan ka sa kahit anong problema at laban mo, Aphrodite, tulad ng ginagawa mo sa'min kapag may problema ang isa sa'ming Altheinstan. Tsaka kaya naming lumaban sa kahit anong gulo basta kasama ka namin" sabi ni Seizures sabay ngiti
Tama siya..
"S-samahan niyo 'ko mamaya. Sasabihan ko siya" sabi ko at nag thumbs up sila kaya ngumiti ako medjo nawala ang bigat ng nararamdaman ko
"Why can't you leave us even though we push you away sometimes?" tanong ni Kio mula sa likod ko
Kasi pamilya na ang turing ko sa'inyo..
"Kahit naman ipag tabuyan niyo pa 'ko araw-araw hinding-hindi ako aalis dito" sagot ko sa'kanya
"Why?" tanong niya
"Kasi kayo nalang ang tinuturing kong pamilya.. At ayokong mawalay sa'inyo" sabi ko at hindi na siya nag salita mukhang nakuha niya naman ang sagot sa tanong niya kanina
Mahal ko kayo Altheinstan..
"Mahal ka namin, Aphrodite! Payakap nga" sabi ni Sebio at niyakap ako sumunod naman ang ibang Altheinstan sa pag yakap sa'kin
My Altheinstan.. My family..
Ramdam na ramdam ko ang higpit na yakap nila kaya napa luha nalang ako
"Aww umiiyak ang mutya namin" pang-aasar ni Kael
"Umiiyak ang prinsesa" sabi naman ni Solomon
"Tumigil nga kayo" sabi ko habang nag pupunas ng luha bahagya naman silang tumawa
Bumalik na sila sa kani-kanilang upuan. Nag simula na ang pag iingay at bardagulan nila. Maingay nanaman ang Section Blue Jays
Gustong-gusto ko na lagi silang maingay kasi lagi nila akong napapatawa kahit mabigat ang dinadala ko. Lagi silang nandyan tuwing may problema ako kaya sobra ang pasasalamat ko na dumating sila sa buhay ko.
🎀++Don't forget to vote chulsooyeo!++🎀

YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Fiksi RemajaThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...