Visitor
Yukio's POV:
Nasa iisang kwarto lang kami nila Aphrodite, Serj at Seizures gising sila Serj pero mahimbing ang tulog ni Aphrodite sa tabi namin
Yung ibang Altheinstan naman tulog pero ang iba nakikipag kwentuhan. Tulog si Sebio sa gilid ng kama ni Aphrodite
Bantay na bantay kala mo mawawala si Aphrodite
Nag salita si Serj agad naman akong lumingon "Si Aphrodite kanina.. Ibang-iba siya" napa tingin kami sa'kanya at agad kong tinignan si Aphrodite mahimbing ang tulog niya napagod ata kakasuntok sa kumag na 'yon
"Bakit bigla nalang siyang umiyak?" tanong ni Magnus
Tumahimik kami walang nag sasalita biglang bumukas ang pinto tinignan namin kung sino ang papasok.. Si Sir Liam binibisita kami
"Ayos lang ba kayo?" tanong niya tumango naman kami tinignan niya si Aphrodite
"Kumusta lagay niya?" tanong niya nanaman
"She's fine. Konting pahinga lang" sabi ko at ngumiti naman siya
May kinuha siya sa labas at dinala sa kwarto namin may dala siyang pagkain biglang nabuhayan ang mga bulate
"Uy pagkain!"
"Thank you Sir! Nag abala ka pa po hehe"
"Yun oh!!"
"Salamat po!" sabi nila kay Sir Liam ngumiti lang siya
Nag simula na sila kumain humaharap sa'kin si Serj "Hindi ka kakain?" tanong niya sa'kin
"Hindi, gisingin niyo si Sebio kanina pa 'yan nagugutom nasa ambulance pa lang nag iinaso na" sabi ko bahagya naman siyang tumawa at niyugyog si Sebio
Ngayon ko lang napansin na hawak niya pala kamay ni Aphrodite habang tulog
Tsk kala mo boyfriend kung maka hawak
Tumayo na si Sebio at kumuha na ng pagkain.. Wala pala ibang kaklase namin kaming Sagpro lang nandito
Mahimbing pa rin ang tulog ni Aphrodite tinitignan ko siya
She's so gorgeous even she is sleeping..
Naka titig lang ako sa'kanya binaling ko ng konti ang tingin ko. Nakita kong naka tingin sa'kin si Seizures
Shit!
Nilayo ko ang tingin sa'kanya at tumagilid nalang habang nag iisip ng kung ano-ano
Aphrodite's POV:
Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog pero pag gising ko kumakain sila. Tinawag ko si Sebio dahil siya una kong naaninag
"S-Sebio" tawag ko sa'kanya lumingon naman sila sa'kin
"Gising na ang prinsesa!" sigaw ni Sebio
"Gising na ang nag patumba kay Yohan!" sabi naman ni Sebastian
Si Yohan.. Hindi ko alam kalagayan niya ngayon pero ang inaalala ko sila Mama at Papa
Kamusta na kaya sila?
Inabutan ako ni Sebio ng pagkain pero may white na naka lagay sa kamay ko matigas 'yon dahilan para hindi ko agad magalaw ang kamay ko
Ano 'to? Tissue? Tissue na pinatigas?
Bigla nalang ngumiti si Sebio at napa kamot batok nalang "Oo nga pala injured kamay mo" sabi niya
Ano!? Injured!?
"Injured?" tanong ko sa'kanya "Oo pero mga 1 week okay na 'yan tsaka hindi naman malala ang injured mo" sabi niya kaya ngumiti ako
Thank you Santander! Akala ko hindi na ako makaka suntok dahil sa punyetang injured na 'to!
"Sebio pakainin mo 'ko hehehe" sabi ko sa'kanya ngumiti lang siya at sinimulan na akong pakainin
Nakita kong naka upo na rin sina Serj at Seizures ngumiti lang sila sa'kin bigla kong naalala si Kio tumingin ako sa gilid ko
Isang matalim na tingin ni Kio ang sumalubong sa'kin
Akala ko tulog! Jusko Santa! Dapat pala hindi na ako nag pakain
Halos matunaw na ako sa titig niya umiwas nalang ako at naka tingin pala sa'kin si Sebio
"Yari ka nag pakain ka pa kasi" sabi niya
Bwiset 'to parang kampi pa sa hayop na 'yon!
"E injured nga ako!" sigaw ko agad naman nila akong tinignan
"Oh bakit sumisigaw ka?" tanong ni Gabo umiling nalang ako
Si Sebio kasi! Damay mo pa 'yung isang hayop!
"Sorry na ito naman" sabi niya pero tinarayan ko nalang siya bahagya namang tumawa ang loko
Sarap niyo pag untugin ni Kio!
🎀 ++Don't forget to vote chulsooyeoo!++ 🎀

YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Teen FictionThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...