Chapter 34

2.4K 57 2
                                    

The girl I sang for the first time

Yukio's POV:

Ilang minuto na naka lipas nung umalis si Aphrodite sabi niya sa library lang daw siya pupunta kasi may kukunin ata siyang libro

Nagsi uwian na ang ibang Blue Jays kaming Altheinstan nalang natitira

"Tagal ni Aphrodite" ani ni Sebio

"Sunduin na kaya natin sa library?" pag aya ni Singco sa'min

"Tara" sabay-sabay nilang sabi pero pinigilan ko sila

"Ako na. Mauna na kayo umuwi." sabi ko sa'kanila

"Pero si Aphrodite?" sabi naman ni Seojun

"Iuuwi ko siya.. Ng ligtas.. Kaya umuwi na kayo ako na" sabi ko at nag paalam na sila

Naka tayo pa rin si Seizures at Serj sa tabi ko nag sensyas nalang ako na susunod ako kaya lumabas na rin sila

Nag simula na akong hanapin si Aphrodite may naaninag ako na babae at lalaki sa bandang harap ng Section Blossoms kaya lumapit ako

Sumilip-silip nalang ako baka kung sino.. Pero si Aphrodite ang nakita ko kinakausap si Caleb!?

What is that fool doing here!?

"Bumalik ka pa talaga.." bulong ko sa sarili ko

Narinig kong sumigaw si Aphrodite kaya kaagad nanaman akong sumilip nakita kong may mga pumapatak ba luha sa mata niya

Why is she crying?

Pinapakinggan ko ng mabuti ang mga salitang binibitawan niya halatang nasasaktan siya ng sobra..

May narinig ako mula sa labi niya na hindi ko inaasahang marinig ko..

"O-oo.. I'm sorry" sabi ni Caleb pero hindi ko maintindihan

What the fvck is happening?

"Tangina naman! Minahal kita kasi kamahal-mahal ka Caleb pero t-tangina pinag pustahan niyo lang pala ako!"

"Akala ko nag bago ka non kaya lalo akong nahulog sa mga putanginang kilos na pera lang pala ang kapalit!" dagdag niya na mas lalong ikinadurog ng damdamin ko

"C-caleb.. M-may mali ba sa'kin? May k-kulang ba sa'kin? Sabihin mo please!" sigaw ni Aphrodite sa'kanya

"Walang kulang sa'yo. Binigay mo naman sa'kin lahat Aphrodite" sagot ni Caleb sa'kanya

"Pero bakit? Bakit mo 'ko sinasaktan ng ganito?" tanong ni Aphrodite habang umiiyak

She was hurting.. Too much

Halos mamaos na siya kakasigaw kay Caleb habang umiiyak..

Bigla nalang umalis si Caleb at tinalikuran siya

He was so stupid.. He just hurt the woman who shouldn't be hurt..

Lumabas na ako sa tinataguan ko saktong biglang tumakbo si Aphrodite papunta sa direksyon ko kaya hinarang ko siya

Tumingala siya sa'kin at kitang-kita ko kung gaano kapagod ang mata niya

"K-kio.." sabi niya kaya nginitian ko siya at niyakap

Alam kong hahagulgol siya sa'kin kasi ginawa niya na rin sa'kin 'yon..

"It's alright Aphrodite.. I'm here.. Always" sabi ko at lalong humigpit ang yakap niya sa'kin

Ang Mutya ng Section Blue Jays Where stories live. Discover now