Gun
Serj's POV:
Habang may ginagawa kami hindi ko maiwasang mag isip sa ginawa ni Kio at lalo na sa reaksyon ni Seizures
Gusto kaya nila si Aphrodite?
Para akong nilapagan ng ilang sakong bigas sa bigat ng naramdaman ko kanina.. Parang ang laki ng impact sa'kin non
Hindi ko naman siya gusto?
Si Seizures iba rin kinikilos pero hindi ko pa nakikita na halikan niya si Aphrodite
Hindi ko naman dapat maramdaman 'tong nararamdaman ko ngayon e. Mag kaibigan lang naman turingan namin sa isa't-isa.
Pero bakit nasasaktan ako?
Recess namin kaya pumunta na kami sa cafeteria. Katabi ko lang si Kio at napag isipan kong tanungin siya tungkol kay Aiko
"Bukas mo pa balak?" tanong ko sa'kanya
"Ngayon na" tipid niyang sagot
"Pano? May klase tayo?" sabi ko sa'kanya
"Edi iwan natin. Half class nalang ulit." sagot niya at tumango ako
"Kailangan natin si Aphrodite.. Kailangan makidnap ulit si Aphrodite" dagdag niya
Baliw ka?
"Ano? Hindi pwede 'yon" rinig ko kay Singco
"Bakit ako?" tanong ni Aphrodite
"That's the only way." sagot ni Kio
"Luh ka ayaw ko! Baka mamaya maka patay na 'ko" sabi ni Aphrodite at bahagyan naman kaming natawa
"Edi pumatay ka" tipid na sabi ni Kio
"Ah basta! Ayoko magpa kidnap ulit!" sabi naman ni Aphrodite
"Ayaw niya. Wag mo na pilitin" sabi ko at bumuntong hininga siya
"Tapos natin dito puntahan natin siya" sabi ni Kio at tumango kami
Natapos na kami at sinimulan na namin umalis sa school nag bike nalang ulit kami kasi kompleto kami sa bike
Aphrodite's POV:
Habang nag pipidal kami hindi ko maiwasang matanong sa isip ko 'yung sinabi ni Kio na ipapa kidnap niya ulit ako
Baliw ba siya? O naka hithit lang?
Hindi ko alam kung saan kami papunta basta naka sunod lang ako sa'kanila. Wala ako sa unahan, wala rin ako sa hulihan nasa gitna nila ako at masaya kaming nag tatawanan na parang walang mangyayare mamaya
Alam kong mag rarambulan nanaman kaya ganto sila. Lagi silang ganto bago gumawa ng trahedya
Tumigil sila sa isang masukal na daan at nagsi alisan sa mga bike umalis na rin ako at nilagay sa lapag ang bike. Naka kalat nanaman ang bike namin tulad ng dati
Sumunod ako sa'kanila pero pina una nila ako hindi ko alam kung bakit basta sumunod nalang din ako. May biglang dumukot sa'kin hindi na 'ko nakasigaw dahil ang bilis niya akong hilain
Wala manlang reaksiyon ang mga hayop parang gusto talaga akong makidnap!
Naka upo ako ngayon sa isang upuan hindi ko kilala kung sino ang mga nasa gilid kong lalaking naka mask na black, mata lang ang kita sa'kanila kaya lalo kong hindi nakilala.
Kaharap ko ngayon ang Altheinstan na walang emosiyon ang mukha at lalo na si Kio na parang papatay sa titig. Naka titig sila sa katabi kong lalaki kaya tumingin din ako

YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Teen FictionThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...