Regret?
Aphrodite's POV:
Sabado ngayon at naisipan kong puntahan si Papa Diego gusto kong malaman 'yung mismong katotohanan galing sa'kanya galing mismo sa mga bibig niya
Sana hindi ka mag sinungaling sa'kin..
Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon halo-halo nanaman. May part sa'kin na gusto ko siyang puntahan para malaman ang totoo pero may part din sa'kin na ayokong pumunta dahil baka may masabi lang akong hindi maganda sa'kanya
Mag isa lang ako walang kasama hindi ako nag pasama niisang sa Altheinstan kasi ayokong maka sagabal sa'kanila
Malapit na ako sa bahay nila. Nang makarating ako kumatok agad ako sa'kanila
"Pa.." tawag ko habang kumakatok binuksan niya naman agad ang pinto akmang yayakapin ako pero umatras ako
Bumabalik nanaman ang dating ginawa nila sa'kin ni Sage sa tuwing makikita ko siya pero ngayon hindi ko muna iintindihin 'yon. Dahil kailangan kong malaman ang totoo
Kaya niyang gawin sa'kin 'yon kahit hindi niya ako tunay na anak.. P-paano niya nagawa 'yon?
"Nak.. Napunta ka rito?" tanong niya at huminga ako ng malalim
"Gusto ko po kayong kausapin" sabi ko
"Sige, ano 'yon?" inosente niyang tanong
Ang galing mo mag panggap..
"Tungkol sa'kin-- sa'tin" sabi ko habang nag pipigil ng luha
"Papa totoo bang hindi niyo 'ko tunay na anak?" tanong ko ng ikalaki ng mata niya
"A-anong sinasabi mo nak? Syempre anak kita Suarez ka dib--" hindi ko siya pinatapos ng pag sasalita at nag salita ako
"Ganyan din sinabi sa'kin ni Mama.. Suarez daw ako.. Pero Papa nakita ko 'yung old birth certificate niyo.. Papa Monterde ka hindi Suarez.." sabi ko habang pinipigilan ang luha
"Anak hindi-- diba sabi ko mali ako ng---"
"Hindi ka mali.. Ayaw mo lang na malaman ko 'yung totoo.. Yung totoo na hindi mo 'ko tunay na anak.. Kinausap ko si Mama ganyan na ganyan din ang sagot.." sabi ko habang may tumutulong luha sa mga mata ko
"Pero 'yung gusto ko lang talagang malaman.. Bakit mo 'ko nagawang hawakan at sirain kahit hindi kita tunay na ama.. Bakit mo nagawa sa'kin 'yon?" tanong ko pero wala siyang imik
"Bakit kailangan mo ring mag sinungaling para lang mapaniwala ako? Kahit hindi naman epektibo pagiging sinungaling niyo?" dagdag ko pero tahimik lang siya at nakikinig sa mga sinasabi ko
"Gusto kong malaman at gusto kong marinig sa'inyo 'yung totoo Pa.." sabi ko sa'kanya habang nag pupunas ng luha
"K-kasi gulong-gulo na ako.. Hindi ko alam kung sino ang pagkaka tiwalaan ko sa mga sagot niyo ni Mama" dagdag ko na mas lalo kong ikaiyak
"Anak.. Sorry nanghihinayang ako sa ginawa ko" sabi niya
"Ngayon ka pa talaga nag sorry kung kailan gulong-gulo at sira na sira na ako sa pinag gagawa niyo sa'kin? P-pano? Pano niyo nagawa sa'kin 'yung ganito?" tanong ko pero tumahimik lang siya
"At ngayon ka pa talaga nang hinayang? Wow ha ilang years ang naka lipas ngayon ka lang nag sorry at nang hinayang? Grabe Papa.."
"Sana inisip mo manlang nararamdaman ko at lalo na 'yang konsensya mo.. Sana manlang hindi mo na tinuloy 'yon.. Awang-awa ako sa sarili ko habang sinisira niyo 'ko..." dagdag ko habang umiiyak
"Pa hindi mo 'ko tunay na anak pero sinira mo 'ko... Hindi kita tunay na ama pero ikaw ang unang sumira sa'kin.." sabi ko habang humahagulgol sa harapan niya
"Hindi mo manlang inisip nararamdaman ko habang sinisira niyo 'ko.."
"Kung ganon lang kadaling burahin sa isip ko 'yung ginawa mo sa'kin kaso hindi e.. Parang habang buhay ko na daldalhin 'yung sakit at awa sa sarili ko..."
"Sinabi sa'kin ni Singco na namatayan ka ng anak dahil sa sakit kung buhay ba ang anak mo na 'yon sisirain mo rin ba siya? Tulad ng ginawa mo sa'kin?" dagdag ko ng mas lalong ika-bigat ng nararamdaman ko
"Hindi ganon 'yon.. Hindi ko kaya gawin sa'kanya 'yon" sabi niya parang gusto kong tumawa sa sinabi niya pero mas lalong bumigat nararamdaman ko
"Talaga lang? E ako ngang hindi mo tunay na anak nagawa mo sa'kin 'yon.." sabi ko at tumahimik siya
"Siguro kung nakita lang ng anak mo 'yung ginawa mo sa'kin hindi ko alam kung ituring ka pa niyang ama" dagdag ko habang nag pupunas ng luha
"Wag kang mag sasabi ng ganyan!" sigaw niya sa'kin. Ngayon ko lang siyang nakitang sumigaw kaya nagulat ako
"A-aalis na 'ko.. Salamat sa walang kwentang mga maiikling sagot" sabi ko at lumakad paalis. Narinig kong isinarado niya ang pinto at tsaka ako humahagulgol
Deserve ko ba 'to? Deserve ko ba ng ganitong trato? Nakaka pagod paulit-ulit nalang
Habang naka upo at naka yuko may bigla akong naaninag na tao sa harap ko. Matangkad ito kasi kitang-kita ko sa anino
"Aphrodite.." rinig ko at nakilala ko siya sa boses.. Si Kio
Bakit siya nandito? Bakit alam niyang nandito ako?
Tumingala ako sa'kanya at tumayo. Hindi ko alam ang pumasok sa utak ko ng bigla ko siyang yakapin ng mahigpit. Sobrang bigat lang ng pakiramdam ko kaya ko siya nayakap ng mahigpit. Niyakap niya ako ng pabalik kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkaka yakap sa'kanya
"It's okay.. I'm here" rinig kong sabi niya at humahagulgol nalang ako sa yakap niya
"Kio ang bigat" sabi ko habang nangangapos ng hininga
"Let it all out.. Hayaan mo sila.. Hindi natin sila bati.. Okay?" sabi niya ng mas lalo kong ikinaiyak
Hindi natin sila bati.. Kio...
Umiyak ako nang umiyak hanggang wala ng luhang mailabas ang mga mata ko basta mailabas ko lang ang bigat ng nararamdaman ko ngayon..
Naka yakap pa rin ako sa'kanya habang siya naman tinatapik-tapik ang ulo ko
Kumalas na ako sa pagkaka yakap sa'kanya at tinignan ko siya ngumiti siya sa'kin at hinalikan ako sa noo
"Malalaman mo rin ang gusto mong malaman.. Masasagot din ang mga katanungan mo.. Not now but soon" sabi niya sabay gulo sa buhok ko
"K-kio... Bakit alam mong nandito ako?" tanong ko sa'kanya
"Oh.. Hm I have ways" sabi niya
Ways? Pano?
"Uwi na kita" sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Nag lakad lang kami hanggang makarating sa bahay ko
"Kio gusto mong pumasok muna?" aya ko pero tumanggi siya
"No Thanks.. Sa susunod nalang. Mauna na ako" sabi niya at ngumiti
"Ingat ka" sabi ko sa'kanya sabay ngiti
"Oh wait I forgot something" sabi niya at bumalik. Bigla niya akong hinalikan sa labi ng ikinagulat ko
"Bye Goodnight" paalam niya at umalis na
Pumasok na ako sa loob na hindi maintindihan ang nararamdaman. Pumunta nalang ako sa kwarto ko at ipinikit ang mga mata ko hanggang sa maka tulog ako
🎀++Don't forget to vote chulsooyeo!++🎀

YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Fiksi RemajaThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...