Chapter 48

1.9K 48 1
                                    

The truth on accusation

Kael's POV:

Habang nasa kalagitnaan kami ng ginagawa namin kay Ma'am Ysa biglang may pumasok sa room namin

Si Sir Yvo...

"Aphrodite, Kael can we talk?" bungad niya at tumingin ako sa paligid ko naka tingin lang sila sa'kin na nag sesenyas na sumunod

"Tara Kael" rinig ko kay Aphrodite seryoso siya at dali-dali akong sumunod sa'kanya
Nakarating na kami sa Guidance Office at nakita ko sila Wanda

"Okay so.. Totoo ba itong sinasabi o sinusumbong sa'kin nila Wanda? Kael and Aphrodite?" tanong sa'min ni Sir Yvo

"Hindi Sir---" naputol ang pag sasalita ko ng kontrahin ako ni Wanda

Makaka sakit ata ako ng babae

"Anong hindi? Kitang-kita ko---" naputol naman ang pag sasalita niya ng mag salita si Aphrodite

"Pwede bang manahimik ka muna? Timping-timpi na 'ko sa'yo" seryosong sabi ni Aphrodite at tumahimik naman siya

"Hindi totoo 'yung sinusumbong nila Wanda sa'inyo Sir Yvo.. Ang totoo niyan hinahanap ko lang talaga 'yung envelope ko na nawawala sa upuan namin" sabi ko sa'kanya at tumango siya

"Anong laman ng envelope?" tanong sa'kin ni Sir Yvo at tinignan ko si Aphrodite pero walang ekpresiyon ang mukha niya seryosong-seryoso

"Mga certificate tapos mga importanteng papel" sabi ko

"Bakit kayo 'yung napag bintangan?" tanong niya

Kayo? Sinumbong niya rin si Aphrodite?

"Ganto kasi 'yon Sir Yvo, kasi raw pumunta si Kael sa mga bag nila e hinahanap nga lang ni Kael 'yung envelope" sabi ni Aphrodite at tinignan ko siya

Ang ganda? Lalo siyang maganda kapag nag seryoso kaso nakakatakot

"Tapos etong si Wanda pinag bintangan niya na si Kael ang kumuha ng 10k niya" dagdag ni Aphrodite pero sila Wanda tahimik lang

"Sabi rin nila na sinampal mo siya? Totoo ba 'yon?" tanong ni Sir Yvo

"Totoo 'yon hindi ko itatanggi na sinampal ko siya ng pera sa mukha. Pero kung itatanggi niya ngayon na pinag bintangan niya si Kael baka kamay ko na ang dumapo sa mukha niya" seryosong sagot ni Aphrodite

"Ikaw Wanda totoo bang pinag bintangan mo si Kael?" tanong ni Sir Yvo sa'kanya

"O-opo.. Kasi siya lang naman 'yung pumunta sa mga bag namin" sagot ni Wanda bigla namang nag salita si Aphrodite

"Porket siya lang 'yung nakita mong pumunta sa mga bag niyo, mag bibintang ka na? Bakit siya lang ba tao ron?" seryoso niyang sabi habang naka tingin sa mga mata ni Wanda

"Aphrodite kumalma ka" sabi ko sa'kanya habang hawak ang braso niya

"E siya lang 'yung nakita ko ron e!" biglang sigaw ni Wanda

Ngek naiinis na?

"Sana tinanong mo rin 'yung mga kaklase mo kung may nakita rin silang pumunta sa mga bag niyo" sabi ni Aphrodite

"Pero malamang sasabihin lang din nila na si Kael lang ang lumapit don kasi nga papaniwalaan nila 'yung iyo kesa sa totoong nakita nila kasi nga diba feeling boss ka" dagdag niya

Tahimik lang kami habang nag sasalita siya pero si Wanda halatang inis na inis na

"Ikaw Luna bakit ayaw mo ibuka 'yang bibig mo? Mag salita ka" sabi ni Aphrodite at nakita ko na lumunok si Luna

Ang Mutya ng Section Blue Jays Where stories live. Discover now