A/M: Thankyou sa pag hihintay ng udpate ko :)
Sibling's meet
Aphrodite's POV:
Linggo ngayon at wala kaming gimik ng Altheinstan dahil siguro busy sila o kaya may ginagawa. Inaalala ko si Kuya kung kailan ko siya makaka-usap o makikita
Sana ngayon nakita makita..
Kahit alam kong sa sunod ko pa siya makikita hindi ko maiwasang ma-excite
Naisipan kong lumabas muna para makapag pahangin at maka gala rin. Sinimulan ko na ayusin ang sarili ko at umalis
Nag lakad lang ako kasi pupunta naman ako sa mall para hindi na rin dagdag parking 'yung bike ko
Habang nag aantay ako ng bus may biglang humablot sa'kin at dinala ako sa lilim
"Hoy gago! Sino ka!?" sigaw ko at sinapak ang nag hablot sa'kin
"T-teka lang! Aphrodite ako 'to! Kuya mo!" sigaw niya at tumayo tinanggal niya ang mask sa mukha niya
Kuya ko ba 'to?
"Kuya?" taka kong tawag at hinila niya 'ko palabas sa lilim
"Oo, si Jofre Renoir Adeva Hamaguchi." pag papakilala niya sa'kin
"Ang panget mo.." sabi ko at pinitik niya 'ko sa noo
"Aray! Kakakita pa lang natin nananakit kana!" reklamo ko sa'kanya
"Ikaw nga nanapak" reklamo niya naman at tumawa ako
"Nang hahablot ka kasi" ani ko sa'kanya
"Hindi ko intensiyon hablutin ka noh" sabi niya
"Hatdog! Hinablot mo na nga ako" sabi ko sa'kanya at tumawa siya
"Totoo nga sabi nila Singco.. Ang panget mo" sabi niya at binatukan ko siya
"Sinabi nila 'yon!? O ikaw lang may sabi?" tanong ko habang naka tingin sa mata niya at bahagya naman siyang tumawa
"Biro lang tsk.. Mas mganda ka pala sa personal kesa sa picture" ani niya
Bolero!
"Malamang may lahi ba tayong panget?" sarkastiko kong tanong at ginulo niya ang buhok ko
"Wala syempre.. Saan pala gimik mo? At bakit wala kang kasama? Alam mo bang delikado buhay mo?" sunod-sunod niyang tanong sa'kin pero mas nag taka ako sa huli niyang tanong
Delikado buhay ko?
"Kuya.. Delikado buhay ko?" tanong ko sa'kanya
"Oo.. They know you as Yukio's Girlfriend.." sabi niya at napa isip ako
Yung kumag!? As if patulan ako non!
"Mga hatdog sila sa ref! Never akong papatulan ng kumag na 'yon lagi nga 'kong inaaway!" reklamo ko at bahagya siyang natawa
"Wag kang kampanteng sabihin 'yan.. Hindi mo alam taste ni Kio sa babae" sabi niya at para akong kinabahan
"Nakaka kilabot ka naman Kuya!" reklamo ko at tumawa siya
Baliw ampochi
"Sinasabi ko lang ang totoo.. Pero kung sakaling magustuhan mo si Kio... Sana pigilan mo sarili mo.." sabi niya at tinignan ko siya
Bakit?...
"Maraming nag babanta sa buhay ni Kio at nadadamay kana.. Pero kasama mo naman kami para protektahan ka" dagdag niya

YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Teen FictionThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...