Accusation
Aphrodite's POV:
Habang papalapit ako nang papalapit sa unahang Section may naririnig akong mga salita na nag aaway kaya tumakbo ako para makita kung sino ang mga nag aaway
Nakita ko sila Sebio kaya sumingit agad ako nagkaka-gulo sila ewan ko kung anong nangyare pero nakita ko sila Wanda
Anong ginagawa nila rito?
"Sebio? Anong Meron? Bakit nagkaka-gulo kayo?" tanong ko sa'kanya
"S-si Kael, Aphrodite" sabi niya
"Anong meron kay Kael?" tanong ko
"Pinag bibintangan siya nila Wanda" sabi niya
Si Wanda nanaman? Hindi talaga kami titigilan netong babaeng 'to
"Bintang? Anong klaseng bintang?" tanong ko sa'kanya
"Pinag bibintangan siya na kinuha niya raw 'yung pera ni Wanda kahit hindi naman" sabi niya kaya pumunta agad ako kila Wanda
"Aphrodite sandali lang!" sigaw ni Sebio at sumunod sa'kin
Pumunta agad ako kung nasan si Kael at sila Wanda maraming tao naka paligid sa'kanila kaya sumingit ako. Nakita ko rin na kasama ni Kael si Soren
"Aphrodite!" tawag ni Soren kaya napa lingon silang lahat sa'kin
"Ano 'to?" bungad ko kay Wanda nasa likod ko si Kael, Soren at Sebio. Kaharap ko ngayon si Wanda na galit na galit
"Yang kaibigan mo lang naman ninakawan ako!" sabi niya at tumingin ako kay Kael
"H-hindi ko kayang mag nakaw, Aphrodite.. Alam mo naman 'yon diba?" sabi niya at nginitian ko siya. Bumaling na ako kay Wanda halatang galit na galit siya sa pagbibintang niya
"Ah talaga lang? Kitang-kita kita kanina pumunta ka sa mga bag namin" sabi ni Wanda
"Pumunta ako ron dahil hinahanap ko 'yung envelope ko baka kasi sakaling nandon" sabi naman ni Kael
"Hinahanap niya lang pala 'yung envelope niya Wanda, bakit mo siya pinag bibintangan?" tanong ko sa'kanya
"Kasi nawala 'yung pera ko! At siya lang 'yung nakita kong pumunta ron" sabi niya habang naka tingin kay Kael
Alam kong hindi kayang gawin ni Kael 'yon
"Nasa lowest Section ka na nga nag nakaw ka pa!" sigaw niya kay Kael sabay tulak buti nalang hindi malakas ang pagka tulak niya
Tinulak ko rin siya pero mas malakas "Wag kang mag bintang kung hindi mo talaga nakita 'yung buong nangyare!" sigaw ko at nagulat sila
"Hindi porket nasa lowest Section si Kael pagbibintangan mo na nag nakaw siya" sabi ko at tumahimik siya
"Porket nasa highest Section ka ang lakas mong mag bintang na siya 'yung kumuha ng pera mo? Magkano ba ang nawala sa'yo? Babayaran ko ng tumahimik na 'yang kaluluwa mo!" dagdag ko at naramdaman kong hinawakan ni Sebio ang braso ko
"Tama na Aphrodite" sabi niya pero umiling ako
"Alam kong hindi kayang gawin ni Kael 'yon kahit nasa lowest Section siya!" sabi ko habang naka tingin sa mata niya
"10k! Kaya mo? Diba hindi!? Mahirap ka kasi" sabi niya at huminga ako ng malalim
Isang-isa nalang Wanda
"Hindi porket mayaman ka tatawagin mo nalang ako mahirap.. 10k nawala sa'yo? Halika kapkapan mo si Kael kapag wala kang nakuha o nakita. Babayaran ko" sabi ko sa'kanya at hiniltak siya papunta kay Kael

YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
JugendliteraturThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...