Chapter 64

650 18 5
                                    

Why?

Aphrodite's POV:

Tapos na ang klase namin at naisipan kong ayain sila sa park at mag food trip

"Mga kumag!" tawag ko sa'kanila at napa lingon sila sa'kin habang nag aayos ng bag

"Yes?" tanong ni Seizures

"Why?" tanong namin ni Serj

"Food trip tayo? Sa Park" ani ko at sabay-sabay silang ngumiti

"Nakakatakot kayo!" sabi ko at tumawa sila

"Tara!" aya ni Kael

"Nag paalam ka ba kay Enzo?" natigilan ako ng mag tanong si Kio at 'yon din ang nagpa tahimik sa'kanila

"Hindi pa" sabi ko at hinawakan niya ang kamay ko

"Kio?" tawag ko sa'kanya

"Ipapaalam kita.. He makes sure that you are safe with us even though it is hard for him to trust us" sabi niya at naka tingin lang ako sa mga mata niya

"K-drama? Mag alas-sinco na oh" ani ni Singco

"Shut the f'ck up, Isaiah." sabi ni Kio at na tahimik naman siya

"Hintayin namin kayo sa labas ng Campus" sabi sa'min ni Seizures at gumayak na sila palabas

Kasama ko si Kio ngayon papunta kila Enzo. Gusto ko siyang tanungin tungkol kay Samantha

Wala naman mawawala pag nag tanong diba?

"Kio" tawag ko sa'kanya "Hmm?" rinig ko sa'kanya "Sino si Samantha?" tanong ko at bigla niya 'kong binitawan at huminto

"You know her?" tanong niya at tumango ako "Nabanggit lang ni Kuya Jay" I ani ko

"Wag na natin pag-usapan 'yon.. Hali kana" aya niya at nauna na lumakad

Gara!!

Nakita na namin si Enzo na palabas saktong nagkasalubong na kaming tatlo. Biglang umiba ang mukha niya ng makita niya si Kio, mas lalo siyang naging unggoy.

"Bakit mo kasama kapatid ko?" seryosong tanong ni Enzo sabay hablot sa kamay ko

Kapatid? Kapatid lang ako ni Kuya mo e

"Ipapaalam ko lang siya.. Nag-aya siya sa'min na mag food trip muna bago umuwi" paalam ni Kio sa'kin at tumingin sa'kin si Enzo

Hindi ako sanay na seryoso siya!

"Enzo.. Payagan mo na 'ko, iuuwi naman nila ako pag tapos. Ligtas ako sa'kanila" sabi ko at binitawan niya kamay ko

Agad naman akong lumapit kay Kio

"Siguraduhin niyong uuwing walang galos 'yan.." sabi niya "Sabihan ko nalang sila Kuya, Aphrodite. Take care" dagdag niya sabay alis

"YEEEY! SALAMUCHY ENZO! LOVE U!" sigaw ko at nakita kong ngumiti si Kio pero nawala rin

Grabeng mood swing 'yan hindi manlang umabot ng 3 second

Lumakad na rin kami palabas ni Kio at nakita namin ang Altheinstan pero parang hindi sila masaya. Bigla kong nakita ang kotse namin sa harap pero wala pa si Enzo sa loob. Napa tingin ako kay Enzo at halatang nag-aalala

"Aphrodite.. Si Kuya Jay nandito" ani niya at nagulat ako

Kaya pala wala silang gana..

Biglang lumabas si Kuya Jay sa loob ng kotse at pumunta sa harap ko. Nasa likod ko si Kio at para silang nag uusap sa mata

Ang Mutya ng Section Blue Jays Where stories live. Discover now