Chapter 62

1.8K 41 9
                                    

A/N: Sorry for late updating..

Fever

Aphrodite's POV:

Nagising ako dahil naramdaman ko ang sobrang sakit ng ulo ko, bumangon ako at kinuha sa cabinet ang thermometer. Nag temp ako at nakita ko sobrang taas ng lagnat ko

Shutabelski!? 40°C!?

Agad akong bumaba para mag hanap ng gamot sa medicine kit ni Kuya Jay, doctor kasi kinuha niyang course.

Meron kaming Doctor sa bahay men!

Nag hanap ako ng paracetamol sa medicine kit ni Kuya Jay pero wala akong mahanap

Kainis naman oh!

Bumalik nalang ako sa kwarto ko at tinignan ang oras. Saktong 5am na narinig ko na rin ang pag bukas ng ilaw sa baba alam kong sila Kuya 'yon dahil nag tatrabaho sila. Doctor si Kuya Jay, Ceo naman si Kuya Jofre

Narinig ko na rin ang pag katok ni Enzo sa pinto ko. Siya kasi laging kumakatok sa kwarto ko at gumigising sa'kin

"Aphrodite, wake up!" sabi niya habang kumakatok

Ang tamlay ko ngayon dahil sa sakit na rin ng ulo ko at masama rin ang pakiramdam ko

"Pababa na Enzo! Maliligo lang!" sabi ko at dumiretso na sa banyo

Pag tapos ko maligo kinuha ko na ang bag ko at necktie. Bumaba na rin ako pag tapos at nakita kong inaantay nila ako sa hapagkainan

"Ang bagal mo" sabi ni Enzo at tinarayan ko siya

Mama mo!

"Pray first" ani ni Kuya Jay

Lagi kasi kaming nag dadasal bago kumain at naka sanayan na rin naman 'yon 'yung dumating si Kuya Jay

Tapos na kaming mag dasal at nag simula nang kumain. Wala akong gana at siguro napansin din nila 'yon

"Aphrodite.. Are you okay?" rinig ko kay Kuya Jofre at tinignan ko siya

"Ah-- opo Kuya ayos lang ako" sagot ko naman

"Para kang lantang gulay" ani ni Enzo

"Ikaw nga lantang unggoy!" sabi ko at akma niya nanaman akong pipitikin sa noo

"Stop that behavior, Enzo." seryosong sabi ni Kuya Jay at natahimik kami

Katakot!

Natapos na kaming kumain at nag ayos na ng sarili. Ilang minuto lang nag paalam na kami kila Kuya na aalis na kami. Naka sakay na kami at lumarga na

"Why are you lethargic?" tanong niya

Ano raw? Lethargic?

"A-anong lethargic?" tanong ko sa'kanya

"Matamlay I mean. Bakit matamlay ka? May masakit ba sa'yo?" sabi niya at umiling ako

"Wala naman.. Ayos lang ako" sabi ko at bigla niya 'kong hinipo sa noo ng ikagulat ko

"What the hell!? You're so f'cking hot!" ani niya

Alam kong hot ako Enzo!

"Do you take medicine?" tanong niya at umiling ako

"Hindi e.. Wala kasi sa medicine kit ni Kuya Jay" sabi ko at bumuntong hininga siya

"Damn it Sol! Papasok kang ganyan ka init?" tanong niya at tumango ako

Ang Mutya ng Section Blue Jays Where stories live. Discover now